Chapter 3

325 18 0
                                    

Kinaumagahan nasilaw nalang ako sa sinag ng araw na ngayon ay naka tutok sa mukha ko. Tumayo agad ako dahil ang sakit sa mukha ang sinag ng araw.

I checked my phone and I saw one message from Leah. Napakunot ako ng noo dahil hindi naman sakin nagtetext si Leah.

Leah.

Alvery, kelangan mo pumasok ng maaga dahil maraming customers ngayong Sunday. Dalian mo.

Nag inat muna ako bago magsimula sa mga Morning rituals ko. Then kapag tapos ko lumabas agad ako ng Apartment. Wala ng kain kain, rekta na agad sa Bar.

Habang naghihintay ng Jeep nagvibrate na naman ang phone ko. Binuksan ko agad ang Text ni Leah.

Leah.

Hoy Vera, nasan kana.

Wala akong load pang reply so I ignored it.

Nagmadali nalang akong sumakay at bumaba. Halos takbuhin ko na ang papasok ng Bar dahil sa pagmamadali ko.

"Alvery ang bilis mo ah." Sarcastic na sabi ni Leah sakin.

Hingal na hingal pako habang nilibot ko ang paningin ko sa Bar na halos wala namang ganong tao. Bumaling ang mata ko kay Leah na ngayon ay nakangisi sakin.

I glared at her.

"Akal---" Pinigil niya agad ang sasabihin ko. Kainis ang isang 'to.

"Vera, may umarkila ng Bar na ito, kaya kita pinapasok ng maaga dahil mag seset up tayo dahil dito gaganapin ang event ng mga business man." Sabi niya na nakangiting aso.

"Bat dito pa? Maraming magagandang service sa ibang Bar. Baka mamaya magreklamo lang sila." Concern kong sabi. Dahil sa pagkakasabi palang ni Leah ay mukang bigatin ang mga tao mamaya dito..

"Ano kaba! Isang karangalan na din ang mapili ang Bar na 'to. Dahil kung may magagandang service sa iba, bakit dito nila napiling ganapin ang event?" Masaya nyang sabi sakin. Bakit ba masyado 'tong galak na galak sa mga bagay bagay. Binalewala ko nalang siya at nagsimula ng tumulong sa ibang nagsisimula ng mag set up.

Ako ang tumoka sa mga tables. Naglalagay ng mga table clothes at center piece. Madali lang ito para sakin kaysa sa iba na sila talaga ang nag didesenyo ng event. Wala akong hilig sa ganon. Basta ako, makapag ambag lang dito sa pag set up.

May mga hindi ko kilalang tao ang nandito at gumagawa din. Siguro sila ang stuff ng magpapa-event. Itsura at galawan lang ay alam mo ng mga matataas ang trabaho nila.

Sa gitna ng pag aayos biglang bumukas ang entrance hudyat na may pumasok. Lahat ng mga tao ay huminto at tumingin sa pumasok. Napasunod na din ako at nakita ko ang isang Babaeng sosyalin ang dating.

Maganda siya at talagang makinis ang balat. Maikli lang ang hair niya at sakto sakanya para makita ang collar bone nito. Light lang ang make up niya pero talagang masasabi mong maganda siya. May suot itong fitted gold dress. At hindi lalagpas ng tuhod. Nakakainggit ang kanyang paa na talagang makikita mo na hindi ito subok sa mga trabaho.

Nakita ko kung paano mag react ang iba ng dumating ang babae. Lahat sila ang bumati dito ang iba naman ay nagsimula ng mag bulungan. Nakita ko si Leah na kinausap ang babae pero nginitian lang siya nito.

"Good day Mam Alliah." Bati ng lalaking naka blue polo shirt at pants.

Nilagpasan lang din siya nito. Ang suplada naman pala.

"Make sure na talagang bongga ang kalalabasan ng set up na 'to. Ayokong may madissapoint na kahit na sino sakanila lalo na si Mr. Del Fier." Sabi ni Alliah habang kinilig sa huli niyang sinabi..

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon