Chapter 9

267 12 0
                                    

Kapag pasok palang namin sa bar ay nakatuon na ang mga mata sa paligid. It's 7pm, masyado na ngang maraming customer. Sinubukan kong lingunin si Vincent pero agad yun binawi ni Zander sa pamamagitan ng kanyang braso na naka akbay sakin.

Doon ko lang din napag tanto na masyadong hapit ang katawan ko sa katawan niya. Nakaramdam ako ng hiya at sinubukang alisin ang kanyang braso pero mas diniin niya pa 'yon at parang walang alam na tinatanggal ko 'yon.

"Zander." Bulong ko sakanya. Pero masyadong maingay ang Bar para marinig pa niya ako. Nakita kong nakatingin na din ang mga katrabaho ko at si Leah. I looked away then I tried to push him. Pero balewala, nagderetso kami sa counter kung saan nakatayo sila Leah. Nanatili pa ring nakatingin ang ibang tao at ang halos ay kababaihan.

Ang iba ay nagbubulungan at para bang hindi makapaniwala sa nakita. Bumagsak ang balikat ko sa aking naisip. Lahat ng babaeng nandito ay Maganda, maputi.. makinis, mayaman. Sila yung mga tipong babaeng kagusto gusto. Kabagay-bagay sa tulad ni Zander. Naiisip ko palang na walang wala nako ay mas lumulubog ako. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa bisig niya. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin sakanila ang ganitong sitwasyon.

Nang kami ay nakalapit na. Halos lahat sila ay pinalibutan kami at mga nakatunghay na kay Zander. Binigyan lang ako ni Leah ng question look. Yeah! Alam kong madumi ang pag iisip niya about sakin dahil puro Bad comments ang naibibigay ko kay Zander kapag nahahagip siya sa usapan. Tapos makikita niya na halos magkayakap na kami sa harap niya at nila.

"Where's your manager?" Tanong ni Zander kela Kuya Vhong. Nagsimula nakong kabahan. Bakit niya hinahanap si Sir Brent. Nakita ko rin ang mga reaksyon nila at ang iba ay umalis para siguro tawagin si Sir. Si Leah ay nanatiling nakatayo at nakangisi sakin. Napalingon ako sa katabi ko na ngayon ay nakakunot habang nakahawak sa bewang ko.

Tinulak ko siya sa sobrang lapit namin. Tinitigan niya ako ng nakalayo ako ng bahagya sakanya.

"Anong problema mo sa Manager namin? Bakit mo hinahanap?" Nagtataka kong tanong dito.

Nakatingin lang siya sakin at parang walang balak magsalita. Kay imbis na tumahimik ako, tinalakan ko na naman siya sa sobrang pagkadismaya ko sakanya. Ano balak niya?

Lumakad ako papunta kay Leah, hindi ko nilingon si Zander. Baka nakakalimutan niya, may atraso siya sakin. Siya pa ang may ganang mang indian sakin. Siya nalang 'tong may kelangan ako pa paghihintayin niya?

"Alvery!" Matigas na tawag sakin ni Zander.

"Vera, tawag ka ni Sir Zander." Bulong ni Leah sakin. I ignored it. Bahala siya dyan.

Hindi ko nalang din pinansin yung ibang tao na nakiki chismis dito. Huminga ako ng malalim para gumaan ang tensyon sa aking katawan.

"Vera, ano bang meron at pinatatawag ni Sir Zander si Boss?" Bulong ni Leah sakin. Maingat akong humarap sakanya. Ayokong makita siya ni katiting manlang. "Hindi ko rin alam Leah." Mahina kong sagot rito. Hindi na siya muling nagtanong. Nag iisip ako kung aalis nako agad dahil 30mins nalang ang natitirang oras ko dito.

"Leah.. Uhm pwede bang ikaw na ang bahala mag dahilan sakanila." Sabi ko. Tumingin siya sakin at hinihintay pa ang sunod kong sasabihin.

"Uuwi nako. Ayokong makita si Zander dito. Pa'out na din ako kaya okay lang naman siguro." Halos pabulong ko ng sabi. Dahil nakita ng mata ko ang pagtitig ni Zander sa banda namin.

"Bakit? Tatakasan mo si Sir Zander?" Halos mapamura ako ng medyo malakas ang boses niya. Tinampal ko agad ang braso niya. "Sshhh. Hindi niya alam. Basta bukas ko ikekwento sayo. Basta ikaw na ang gumawa ng dahilan." Ako habang pinag lalaruan ang mga daliri ko.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon