Chapter 21

235 13 0
                                    

Kinaumagahan hindi pa man ako dumidilat ay may naamoy nakong familliar na pabango. Napabalingkwas ako at muntikan ng madikit ang ulo ko sa baba niya. Nakita kong ngumiti siya. I smiled too. Tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

"You miss me huh?" With husky voice.

"Bakit ngayon ka lang?" Malambing kong tanong sakanya. Hindi niya alam na nag-alala ako sakanya. Pano niya nagagawa na yung mga kilos na parang wala siyang ginawa kahapon. Hmmp.

"Answer me first, you miss me huh? Baby." Iniangat niya ang mukha ko sa pamamagitan ng paghawak niya sa baba ko.

Hindi nalang ako umapila. Kahit pa wala pakong hilamos at suklay o toothbrush manlang ay hinayaan kong iharap sakanya ang mukha ko.

"Are you mad?" Seryoso niyang tanong. Nakapikit lang ako. Habang nilalanghap ang pabango niya.

"Alvery, please talk to me." Pang aamo niya sakin. Idinilat ko ang mata ko pero agad ko rin ipinikit ng makitang nakatitig siya sakin. Nahiya ako bigla. Akmang babawiin ko yung mukha ko sakanya ng mas inilapit niya pa ito sa mukha niya.

"Nagtatampo lang. Pero slight lang naman." Pag-aamin ko. Nagtatampo ako kasi hindi manlang niya ako tinext. I mean syempre diba, girlfriend na niya ako dapat medyo updated ako sakanya. Kahit hindi medyo. Kasi obligasyon naman ng mag jowa iyon diba.

Naramdaman kong hinapit niya ang bewang ko papalapit sakanya.

"I'm sorry. Masyado lang talagang maraming ginawa sa company ni Daddy. Hindi ko nga nakuhang mahawakan sandali yung phone kaya hindi ako nakatawag sandali sayo." Paliwanag niya. Actually, alam ko naman na ganon nga ang posibleng nangyari kaya hindi niya ako nacontact. Siguro masyado lang ako nag expect? Na dahil girlfriend ako may oras siya para sakin. Hays ano ba 'tong iniisip ko.

"Ayos lang. Naiintindihan kita. Hmm, pagod na pagod ka siguro?" I asked. Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo.

"Goodmorning. Love." Tsaka ulit ako hinagkan at tumayo. Nagulat ako ng may bitbit siyang tray. Ewan ko kung san niya 'yon nakuha o dinala niya?

"Breakfast in bed my princess." Naramdaman kong namula ang mukha ko kaya tumagilid pa ako para hindi niya 'yon nakita. Kinilig naman ka naman Vera!

"Nag abala kapa talaga Zander." Pakipot ko. Hay nako, bat ba ang arte ko.

"Zander?? Hmm. Can you please call me husband?" Halos muntikan ko ng maibuga ang isinubo kong fried rice sa sinabi niya.

What?

"A-ahh." Naghahanap ako ng sasabihin. MyGosh!

"Kasi, uhm.. I mean.. Whoa haha. Hindi pa naman tayo mag-asawa so bakit husband? Tsaka--"

"Doon din naman ang punta nito. So what's the matter?" Pagsusuplado niyang sagot sakin. Nangisi nalang ako sa inasta niya. Hindi naman sa ayaw ko ah. Pero hindi ako sanay.

"Okay. My husband." Bago pa niya marealize yung sinabi ko agad akong sumubo at binaling sa pagkain amg atensyon ko.

Ramdam kong nakatitig siya sakin at nahihirapan akong balingan 'yon.

"What did you say?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala sa narinig.

"Isang beses ko lang sasabihin." Kunyare hindi ako apektado sa tanong niya. Kainis naman bat kinikilig ako.

"No, say it again Alvery." Malamig niyang sinabi. Ako naman 'tong eng eng inulit pa.

"My husband." Kapag sabi ko ay sinunggaban na niya ako ng halik sa labi. Buti nalang at naubos ko na yung nginunguya ko.

Faithful. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon