Panaginip lang ba ang lahat ng ito? Namamalikmata? Katotohanan ba o kasinungalingan?
Nanginginig si Cassandra. Di niya mawari kung anong gagawin habang nakapako ang kanyang mga mata kay Stefan. Ang lalaking matagal niyang pinagdasal na makita’y narito ngayon sa kanyang harapan.
“Stefan. Ikaw ba talaga iyan?” Nanghihina niyang tanong.
Tumitig sa kanya ang naka-Amerikanang lalaki. Bahagya itong ngumiti at inalis ang reading glass sa mata nito.
“Sandra.”
Napahinga siya ng malalim. Parang kumawala sa dibdib niya ang kanyang puso sa narinig. Ang boses na iyon at ang paraan kung paano siya tinawag ang nagkukumpirmang totoo ang nasa kanyang harapan.
Parang kidlat sa bilis niyang niyakap si Stefan. Mahigpit iyon. Isang yakap ng pagkasabik at pangungulila.
Makaraan ang ilang sandali ay dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap at pagkatapos ay tinitigan ng malapitan ang mukha nito. “Nagbalik ka.”
“Oo. Kababalik ko lang kahapon.”
Ngumiti si Cassandra at bahagyang lumayo dito. Kinundisyon niya ang kanyang sarili. Marami siyang gustong malaman sa naging buhay nito buhat ng maghiwalay sila. Hindi niya alam kung saan magsisimula.
“Ah....ha-halika. Maupo muna tayo.” Ang nauutal at nasasabik niyang yaya.
Umupo sila sa isang mahabang sementadong bench di kalayuan. Walang salita ang lumalabas sa bibig niya. Ang daming tanong ang nasa isipan niya ngunit parang napipi siya sa kanyang nakikita.
Hindi niya maitago ang sayang nararamdaman. Daig pa niya ang nanalo sa lotto at nakapasa sa Bar Exam nito. Ang lalaking sa panaginip lang niya nakikita ay katabi na niya ngayon at kausap.
“Kamusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita.”
“Eto, ayos naman. Busy sa trabaho kaya medyo tumanda na ang itsura.” Ang natatawang tugon ni Stefan habang inaalis ang dulong butones ng suot na coat para makaupo ng maayos.
“Hindi naman ah.” Aniya na sinipat pa ang mukha nito.
Para sa kanya’y walang nagbago sa itsura nito. Kung anong pagkakaalala niya sa mukha ni Stefan noong huli silang nagkita ay ganun pa rin ito ngayon.
“Ikaw, you still look lovely and.....powerful.” Balik puri ni Stefan.
Napangiti siya pero pinilit niya ang sarili na itago iyon. Baka mahalata kasi ng kanyang kausap na kinikilig siya.
“Bakit nandito ka sa Garden? May event din ba kayo dito?” Usisa niya.
Umiling ito. “May....ahmmm.. invited kami sa Trade Launch ng network niyo.”
Napatango si Cassandra habang bukas ang bibig. “Kaya pala. Saang kumpanya ka na nagta-trabaho ngayon? Huwag mong sabihing iniwan mo ang trabaho mo sa Amerika. Di ba....matagal mo nang pangarap ang makapasok sa Adrenarush?”
“Hindi ako nag-resign. Sa Adrenarush pa rin ako nagtatrabaho yun nga lang, ako ang pinadala nila dito para i-manage ang local distribution nila. Ako ang CEO dito.”
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomanceMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...