“Aw...” Mahinang daing ni Cassandra nang magising siya.
Ang kanyang ulo’y kay bigat at parang binibiyak. Naningkit ang kanyang mga mata nang tamaan ito ng mainit na sinag mula sa bintana.
May kung anong malamig na hangin ang tumama sa kanyang katawan. Unti-unti niyang naririnig ang tunog ng makina mula sa isang eletric fan. Kay sarap ng hanging iyon sa pakiramdam at ang malambot na telang bumabalot sa kanyang katawan ay nagpapakislot sa kanya. Nais niyang manatili roon at huwag nang umalis.
Napamulat siya ng mata nang makarinig ng tilaok ng manok.
“Manok?....What the...” Mahina niyang sabi sa sarili sabay upo.
Nilibot niya ang kanyang tingin sa paligid. Pamilyar sa kanya ang kwartong ito dahil alam niyang nakarating na siya dito noon.
Muling nanakit ang kanyang ulo. Hindi siya tanga, alam na niya pagkakitang-pagkakita pa lang niya sa lumang Electric fan, nasa kwarto siya ni Charlie.
Bumuntong hininga siya sabay pikit. “Ano bang nangyari?”
“Kampay!”
Napamulat siya. Hindi niya alam kung saan niya narinig ang bagay na iyon at ang mas malala pa, wala siyang maalala.
Pakiramdam niya’y matagal ang kanyang naging pagtulog para maging tila naliligaw siya ngayon.
“Anong ginagawa mo rito Cassandra?” Naiinis niyang tanong sa sarili bago tumingin sa baba.
Nanlaki ang kanyang mga mata sabay kuha ng kumot. Itinabing niya iyon sa kanyang nakabuyangyang na dibdib.
“Bakit ako nakahubad? Anong ginagawa ko dito nang nakahubad?”
Takot at pagkalito ang pumuno sa kanyang isipan. Wala siyang maalala sa mga nakalipas na oras. Ang kanyang kasalukuyang kalagayan ngayon ay labis niyang kinakabahala.
Niyakap niya ang kanyang sarili. Nagpalinga-linga siya sa paligid upang hanapin doon ang clue na magpapanumbalik ng memoryang kanyang nakaligtaan.
Pumikit siya nang madiin. Wala siyang mahanap na sagot sa konsentrasyong ginawa.
Muli siyang dumilat kasabay nang pananakit ng kanyang sikmura.
“Aray. Bakit ba ang sakit nito?” Aniya sabay hawak sa tiyan. “Minsan lang naman mangyari ito. Iyon ay sa tuwing......”
Napahinto siya nang malaman ang sagot sa kanyang mga tanong. Parang mga maliliit na imahe ang sunod-sunod na pumasok sa kanyang isipan.
Ang paglalakad niya sa hagdan.....tawanan nina Baste at Archie......paghihiwa niya sa Manok......Pagchi-cheers nilang lahat ng mga hawak na beer........at ang pinakanakakagulat na bagay na kanyang naalala.
“No.” Mahina at di makapaniwala niyang sabi sabay talukbong ng kumot.
Naaalala na niya ang lahat.
Ang halikan nila ni Charlie.....ang pagsasabi niya dito ng I Love You.....ang pagkakadagan......ang pagtatalik.
Tinanggal niya ang kumot sa kanyang mukha. Parang mapapatid ang kanyang hininga sa sobrang pagkagulat.
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomansaMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...