Sabado. Walang pasok kaya kahit hindi man niya gustong gawin, nasa bahay lang si Cassandra’t nag-iisa.
Wala ang kanyang Mommy sa bahay. Hindi niya alam kung nasaan ito. Nang tanungin naman niya ang kanyang kapatid na si Johnny, sinabihan lang siya nito na huwag na munang intindihin ang kanilang Ina. Hanggang ngayon daw kasi’y hindi pa nito tanggap ang pinaggagagawa niya. Marahil ay tatagal pa ang cold treatment nito sa mahabang panahon.
Buti na lamang at agad siyang naintindihan ni Johnny sa lahat ng nagawa niya. Buong puso nitong tinanggap ang kanyang pagkakamali at hindi hinusgahan. Natutuwa rin siya dahil mula nang mangyari ang kanyang pagwawala, mas naging malambing at maasikaso na ito.
Sa ngayon, kahit walang pasok, umalis ng bahay si Johnny para makipagkita sa mga kaibigan nito. Dala ng kapatid niya ang audio tape recording ni Roxanne. Ikokonsulta daw nito ang lahat sa mga ekspertong kakilala para mapayuhan sila sa mga susunod nilang gagawin.
Hindi niya maikakaila na natatakot siya habang kapiling ang ebidensyang iyon. Baka sa sobrang galit ni Roxanne upang mawala ang tape, makagawa ito ng ikapapahamak nila. Maganda na ring may ibang nakakaalam tungkol sa bagay na ito na kakilala ni Johnny. Mga taong mas dalubhasa sa batas.
Sa totoo lang, wala siyang balak na gumawa ng ligal na hakbang laban kay Roxanne. Ang konsultasyong ginagawa ni Johnny ay isa lamang paghahanda sa posibleng mangyari. Maganda na iyong ready sila upang hindi ulit sila mautakan ni Roxanne.
Sa laki ng problema niya sa traydor na kaibigan, nakalimutan na niya ang kay Charlie.
Nitong mga nakaraang araw, panay ang tawag nito sa kanyang Cellphone. Hindi niya iyon sinagot dahil wala pa siyang lakas ng loob para harapin ang kaibigan. Ang pagtatalik na namagitan sa kanila’y nakadikit na sa kanyang memorya. Nahihiya siya, naiilang.
Lumabas siya ng bahay. Nagtungo siya sa Pool area’t umupo sa isang puting bench doon.
Bumuntong hininga siya sa katahimikan ng paligid. Ito ang nagpapalala ng kanyang kalungkutan. Tila wala siyang karamay.
Mahirap rin ang maging solo lalo na ngayon na nahaharap siya sa kabi-kabilang problema pero kanino ba siya sasandal ngayon?
Isang tao lang naman ang gusto niyang makita’t makasama. Ang lalaking sanhi ng kanyang pakikipag-away sa moralidad.
“Stefan.....I miss you.” Ang nangungulila niyang bulong sa hangin.
Hindi lamang iyon isang deklarasyon ng kanyang nararamdaman, iyon ay isa ring hiling na sana’y magpakita na sa kanya ang nobyo.
Batid niya na hirap na hirap na ito sa kanilang kalagayan. Kung siya’y nakikipagbuno sa isang traydor, si Stefan naman ay lumalaban at nagpupumiglas sa kadenang itinali dito ni Elizabeth.
Hindi niya mapigilang maawa sa nobyo. Nagmamahal lamang ito ng totoo pero bakit kailangan pa nitong magdusa?
Sa kanyang kanan, napatingin siya sa kanyang Cellphone. Gusto niya itong tawagan. Kating-kati na siya sa pagkakataong marinig ang boses nito. She wants it so badly.
“No.” Mahinang pigil niya sa sarili sabay pikit. “She might be there..... waiting.”
Alam niya na nakay-Elizabeth ang Cellphone ni Stefan. Sigurado siyang parang Agila itong nakamasid sa bawat kibot ng Asawa. Ito ang dahilan kung bakit ilang linggo na silang walang komunikasyon ng kanyang nobyo.
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomanceMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...