Chapter 21: True Friendship

747 7 0
                                    

        Nakatulala at lumilipad ang isip na nakaupo sa sementadong bench sa may Plaza si Cassandra. Ang kanyang mga mata ay nakapako sa Wishing Fountain.

        Mula nang palihim silang nagkikita ni Stefan, naging balisa at matatakutin na siya.

        Kahapon nga lang ay nag-date sila sa isang restaurant na pinasara pa ni Stefan para lang sa kanilang dalawa. Hindi sila makapag-concentrate sa isa’t isa dahil panay ang pagtunog ng Cellphone nito at si Elizabeth ang tumatawag.

        Nahihirapan na siya sa ganoong set-up. Tago dito, tago doon. Daig pa nila ang mga kriminal na nagkukubli sa dilim dahil sa sitwasyon nilang ito, si Elizabeth ang kinakatakutang batas.

        Hapon nang maisipan niyang tumambay doon. Gusto niyang mapag-isa at ang Plaza ang sa tingin niya’y makapagbibigay ng katahimikang kanyang nais. May kainitan pa ang sinag ng araw na tumatama sa maputi niyang balat pero hindi niya iyon alintana.

        “Ma’am, bili po kayo ng lobo. Mura lang po.” Singit ng isang lalaking dalawang t-shirt ang pinagpatong na suot.

        Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya dito at muling binalik ang mga mata sa Fountain. Hindi nagtagal umalis ng tahimik ang lalaki.

        Walang ibang laman ang isip niya kundi si Stefan. Ang mga mata nito, labi at maiinit na bisig. Mga bagay na kanya lamang naangkin sa patago at hiram na oras.

        Bumuntong hininga siya at bahagyang tumingala para ilabas ang bigat na nadarama.

        Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at dahan-dahang naglakad patungo sa direksyon ng Fountain.

        Dumukot siya ng isang barya sa kanyang bulsa at itinapat iyon sa kanyang mga mata. Tinignan niya ang estatwa ng malaking anghel sa itaas na bahagi ng Fountain.

        “Please, ibigay mo na sa’kin ng buong-buo si Stefan. Ayoko nang makihati pa sa iba. Mahal ko siya at pakiusap.....hayaan mong makasama ko ang lalaking mahal ko.”

        Agad niyang inihagis sa tubig ang Coin. Tulad ng nauna na niyang ginawa noon, pinanood niya hanggang sa maabot nito ang sahig ng fountain.

        Umaasa siya na matutupad ang hiling niya para tuluyan na siyang maging masaya. Para maging malaya na sila.

        Naglakad siya sa bricked pathway papuntang Park. Ang bawat gilid ng nilalakaran niya’y puno ng mga matataas na puno na bumabalakid sa sinag ng araw. Nagdadala iyon ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Magkahalong kapanatagan at pangungulila.

        Kinuha niya sa Hermes bag niya ang kanyang Cellphone nang ito’y tumunog. Agad niya iyong sinagot nang makitang si Charlie ang tumatawag.

        “Hi! Musta, bakit ka napatawag?”

        “Ah..... busy ka ba?”

        “Hindi naman. Bakit?”

        Saglit siyang naghintay. Katahimikan ang tanging naririnig niya sa kabilang linya.

        “Punta ka dito.....sa bahay.” Sabi nito na tila may pag-aalinlangan ang boses.

        “Huh? Bakit? Anong meron sa inyo?” Usisa niya habang inaaliw ang Mata sa pagtingin sa paligid.

        “Fiesta sa’min. Naisip kasi kita. Alam kong broken hearted ka pa rin hanggang ngayon kaya naisip ko na baka gusto mong pumunta dito para maki-Fiesta.” Magiliw at mukhang tuwang-tuwa ito sa naisip na ideya.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon