Binaba ni Cassandra ang kanyang tangang box nang mapahinto siya sa main door ng kanyang bahay. Wala man lang katulong na sumalubong sa kanya. Maging si Mang Nestor ay no show rin dahil umalma ito kaninang madaling araw na may lagnat kaya hindi siya naihatid sa huling meeting niya sa FBC.
Binuksan niya ang pinto. Madilim sa loob at parang walang tao. Naisip niya na baka nasa Tondo na naman ang Mommy niya habang si Johnny ay nasa school pa. Nangako ang kanyang kapatid na pagkagaling nito sa school, ito na ang kukuha ng mga naiwan niyang gamit sa Opisina.
“Hello? Wala man lang bang sasalubong sa’kin diyan? Agnes?”
Wala pa ring tumugon. Nagtaka siya kung saang lupalop pumunta ang mga pasaway nilang katulong.
“Baka nasa kabila na naman iyon at nakikipag-tsismisan.” Yamot niyang sabi sa sarili.
Bumuntong hininga siya sabay dampot sa box. Pagkapasok niya sa loob, nilapag niya ang kanyang dala sa maliit na babasaging mesa bago tinungo ang switch ng ilaw.
In-examine niya ang paligid. Bilang praning siya, may kung anong katangahan siyang naisip na baka may intruder na naghihintay sa kanya sa loob.
Mula sa kanyang kinatatayuan, sinilip niya ang mga bahagi ng bahay na naaabot ng kanyang mga mata.
“Ay!! Sino iyan?!” Gulat at natatakot niyang tanong nang makarinig ng pagkalantong ng kung anong bagay. Sa tingin niya’y sa Dining room iyon nanggaling.
Hindi kaya may nakapasok habang wala ang mga kasama niya sa bahay?
Baka hawak nito sina Mang Nestor at ang mga Katulong kaya walang sumalubong sa kanya sa gate.
Kinabahan siya sa kanyang naisip. Hindi niya alam kung anong gagawin. Gusto niyang ihakbang ang kanyang mga paa para pumunta sa Dining room at silipin kung anong meron doon pero natatakot siya.
Paano kung bigla na lang siyang saksakin ng Magnanakaw?
“God! Help me...please.”
Winagwag niya ang kanyang mga kamay upang alisin ang tensyon at takot na nararamdaman. Pumikit siya. Kailangan niyang mag-isip ng tama kaya pinilit niya ang kanyang sarili na pigilin ang pagpa-panic.
Kailangan niyang maging matapang. Siya lamang ang nandito at kung hindi siya gagawa ng paraan, baka mamatay siya.
Tumingin siya sa paligid. Nakita niya ang isang payong na nakalagay sa holder nito sa gilid ng pinto. Batid niyang hindi iyon ang mabisang panlaban sa kaaway pero wala siyang ibang mahanap na mas hihigit pa doon.
Agad niya iyong kinuha. Tinapat sa kanyang harap na parang espada.
Humihingal siya kahit wala pa namang nangyayari. Labis ang kaba sa kanyang dibdib at pakiramdam niya’y nahihilo siya.
“God...kayo na pong bahala sa’kin.” Bulong niya sabay abante.
Bawat hakbang niya’y lalong nagpapadagdag sa kanyang kaba. Daig pa niya ang sesentensyahan nito.
“Sinong nandyan? Magsalita ka!”
Walang sumagot. Lalo siyang kinabahan.
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomanceMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...