Buong gabing hindi pinatulog si Cassandra nang naging usapan nila ni Carlos kagabi. Kung anu-ano na ang naiisip niya na para siyang baliw.
Nakaupo siya sa kanyang study table at nilaro-laro ang Cellphone niya. Kagabi pa niya gustong tawagan si Stefan pero hindi naman niya alam kung anong itatanong. Paano kung hindi totoo? Edi pinag-awayan pa nila ang mga maling hinala niya at iyon ang isang bagay na ayaw na ayaw niyang mangyari.
Inihilamos niya sa kanyang mukha ang kanyang dalawang palad pataas hanggang sa mahagod niya ang kanyang mahabang buhok patalikod.
Huminga siya nang malalim bago nilisan ang kwarto at dumiretso sa dining table para mag-almusal.
“Nasaan si Mommy at Johnny?” Tanong niya sa mga kasambahay na hinahanda na ang mesa.
“Tulog pa po ang Mommy niyo. Si Sir Johnny naman po ay naliligo pa.” Tugon ng isa bago sinalinan ng Juice ang baso sa kanyang kanan.
Nakailang kain na siya ng Hotdog pero pinagtatakahan na niya kung bakit tila hindi pa rin siya tine-text o tinatawagan man lang ni Stefan.
Ang sabi nito sa kanya’y tatawagan siya agad kapag nakarating na ito sa Bohol. Ang sabi pa, may tatlong araw daw itong mamamalagi doon para sa isang possible Business expansion.
Nagsialisan ang mga katulong matapos mailagay lahat ng pagkain sa mesa.
“Ma’am may sulat po kayo.” Bungad sa kanya ng isa pa niyang kasambahay na si Agnes na may strong Visayan accent na nanggaling sa direksyon ng sala.
“Kanino daw galing?” Tanong niya habang tinatanaw na makalapit ito sa kanya.
“Hindi ko po alam eh. Pink po iyong sobre tapos walang address ng pinanggalingan. Ang nakasulat, para sa’yo lang daw po.”
Kinuha niya ang sulat at binasa ang nakasulat sa may labas ng sobre. Nang masigurong tama ang nilitanya ni Agnes, minuwestrahan niya itong umalis, na siyang ginawa naman ng huli.
May red wax seal ang sulat kaya medyo nahirapan siyang alisin iyon. May katabaan ang sobre dahilan para maisip niyang hindi lang basta sulat ang laman nito.
Bago niya silipin ang laman, pinagtakahan niya kung kanino maaaring manggaling iyon. Hindi kaya mula kay Stefan?
Tinuloy niya ang pagsilip sa laman at nagulat siya sa nakita. Mga developed photos ang mga iyon. Hinatak niya lahat palabas at nanlaki ang mga mata niya sa unang litratong nakita.
Nanginig ang kanyang kamay at tila tinusok ng kung anong matulis na bagay ang kanyang puso.
“Hindi maaari....”
Si Stefan at isang babae ang nasa litrato. Pareho silang nakapangkasal at nakatungtong sa isang maliit na bridge sa ibabaw ng isang tingin niya’y man-made na ilog.
Mabilis niyang tinignan ang iba pang litrato. Pare-parehong Wedding photos ang nakita niya.
Binagsak niya sa mesa ang mga iyon at nagsimula siyang umiyak. Hindi niya maintindihan kung ano ang kanyang natuklasan. Nalilito siya at ang utak niya’y pilit sumasalungat sa katotohanang nasa harapan niya.
Pumikit siya. “Hindi. This is a joke or something.”
Napatukod ang dalawang kamay niya sa mesa. Nag-uumpisa na siyang makadama ng kakapusan sa paghinga.
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomanceMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...