Chapter 29: The Promise

519 5 1
                                    

Lantang gulay, namumugto ang mga mata, magulo ang buhok at humihikbing naglakad sa bicked floor ng Plaza si Cassandra.

            Katumbas ng kamatayan ang nararamdaman niya ngayon. Wala na siyang nakikita pang pag-asa para isalba ang kanyang pangalan sa mata ng mga dati niyang inaalipusta.

            Saglit siyang pumikit nang makarinig ng mga tawanan sa paligid. Naisip niya kung paano magdiwang ang mga tao sa Kumpanya. Nag-iinuman ba sila? Nagkakantahan? Pinagtatawanan at nire-reenact ba nila ang nangyari sa akin?

            Mabagal ang kanyang naging paglakad. Hinang-hina na ang kanyang tuhod. Wala na siyang lakas, mapapisikal o emosyunal man.

            Pabagsak siyang umupo sa isang sementadong bench. Pinagmasdan niya ang paligid. Maraming tao ngayon sa plaza at kay ingay ng mga kabataang estudyante sa kanyang kaliwa. Hindi tuloy niya maiwasang maalala ang mga panahong estudyante pa lang siya. Kahit na mahirap ang buhay bilang working student, isa iyon sa sobra niyang na-enjoy.

            “Gusto mo ng balloon?”

            Napukaw ang atensyon niya ng malambing na boses ng isang Ale.

            Tinitigan niya ang babae habang inaalok nito ang isang maliit na bata sa kanyang harapan. Nagtatatalon ang bata habang hinihintay na iabot ng tindero ang pulang lobo.

            Napangiti siya, hindi dahil sa katuwaan ng bata kundi dahil sa alaalang rumehistro sa isipan niya.

            Palasimba ang kanyang Pamilya noong buo pa sila. Sa tuwing natatapos ang misa, palagi silang binibilhan ng Mommy niya ng lobo habang ang Ama niya’y Cotton Candy naman ang bentahe.

            Nami-miss niya ang mga panahong iyon. Panahon kung kailan wala siyang problemang iniintindi, walang sakit na iniinda at walang galit na lumalamon sa puso niya.

            Ang kaninang nakangiting labi ay napalitan ng pangungulila. Ang mga luha niya’y muling dumaloy sa kanyang pisngi.

            “Ano nang nangyari sa akin?.....sa amin?...... Bakit nagkaganito ang lahat?” Himutok niya habang nagpapakalunod sa sariling luha.

            Yumuko siya. Ang kanyang mga balikat ay nag-aakyat-baba sa sobrang pag-iyak.

            Nag-ring ang kanyang cellphone kaya agad niya iyong kinuha sa kanyang bulsa.

            Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na pinatay ang telepono nang mabasang si Stefan pala ang tumatawag.

            Hindi man niya gusto pero ito talaga ang sinisisi niya sa mga pangyayari. Kung naging alerto at maingat sa bahay si Stefan, hindi malalaman ng asawa’t sister-in-law nito ang kanilang sikreto.

            Hindi niya ito kayang kausapin dahil tiyak niyang away lamang ang kahihinatnan ng pag-uusap nila. Naging pabaya ito’t kampante. Ang kanilang mga efforts para panatilihing lihim ang lahat ay nauwi sa wala.

            Hinawakan niya ang kanyang dibdib. Wala pa ring tigil ang kanyang puso sa sobrang pagkabog. Natatakot pa rin siya kahit na wala na sa harap niya si Suzanne.

            Ang galit ni Suzanne ay nakakakilabot. Sa tingin niya’y kayang-kaya siya nitong itumba at gulpihin.

            Kung kaya siyang saktan ng ganun ni Suzanne, ano pa kaya ang kayang gawin sa kanya ni Elizabeth na mismong Asawa?

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon