Chapter 25: The New Family

603 5 0
                                    

Pinawi niya ang kanyang mga luha. Huminga siya ng malalim at inayos ang kanyang pustura. Tinuruan si Cassandra ng panahon upang maging matapang at matatag kaya sinikap niyang ayusin ang kanyang sarili.

            Napansin niyang may mga aninong gumagalaw sa may kusina.

            “Kayo! Lumabas nga kayo diyan!”

            Natatakot na nagsiultawan ang mga katulong at humilera sa kanyang harapan.

            “Alam kong narinig niyong lahat ang nangyari dito kanina at alam ko rin kung gaano katabil iyang mga dila ninyo. Ito ang pakatandaan niyong lahat, kapag may narinig akong tsismisan dito sa Village tungkol sa mga nakita niyo, sisiguraduhin ko na mawawalan kayo ng trabaho at wala na kayong mapapasukan pa. Naiintindihan niyo?” Ang humihikbi niyang banta.

            Takot na nagsitanguan ang lahat.

            “Sagot! Naiintindihan niyo ba?”

            “Opo.” Ang tila choir na puno ng takot na sagot ng lahat.

            “Iligpit niyo na iyang mga iyan at wala nang kakain. Kung gusto niyo..... kainin niyo, diyan naman kayo magaling di ba?” Utos niya habang kinukuha ang bag niya sa isang silya. Dire-diretsyo siyang lumabas ng Dining room patungong garahe.

            Siya na mismo ang nagbukas ng gate at mabilis na pinaandar paalis ang kotse.

            Umiiyak siyang nagmamaneho. Pakiramdam niya’y walang taong nakakaintindi at nagmamahal sa kanya. Buong buhay niya, parang lagi siyang lumalaban mag-isa.

            Salit-salitan niyang hinahawak sa manibela ang kanyang dalawang kamay upang punasan ang kanyang mga luha.

            Kung ang destinasyon ang iisipin, hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang hinagpis. Mabilis niyang pinreno ang kotse dahilan para mapasubsob ang mukha niya sa manibela.

            Saan nga ba siya pupuinta? Kay Charlie? Umiling siya.

            Kay Stefan? Napapikit siya’t muling tumangis. Ang lalaking minamahal niya’y nasa piling ngayon ng asawa nito. Wala ito upang tulungan siyang kalamayin ang kanyang loob.

            Kung kay Roxanne kaya. Kinamot niya ang kanyang ulo. Hindi siya pupunta doon. May Pamilya ang kaibigan niya’t ayaw niyang makaistorbo ng ganitong oras. Maliliit pa ang mga inaanak niya kay Roxanne at alam niyang puyat lagi ang kanyang kaibigan. Malaking abala kung doon siya pupunta.

            Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at tinanaw ang daan. Maraming sasakyan ang nag-o-ovetake sa kanya. Sa kanyang kanan ay may mangilan-ngilang naglalakad sa mga sidewalk at pilit na umiiwas sa mga stalls. Napukaw tuloy ng mga mata niya ang mga Night Market Vendors na abala sa dagsa ng mamimili.

            Napaisip tuloy siya, lahat ba ng taong nakikita niya ngayon ay nakakaranas rin ng sakit at pagdurusang tulad ng sa kanya?

            Napayuko siya’t muling lumuha. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa siya nilulubayan ng kalungkutan. Buong buhay niya, sinikap niyang hanapin ang kaligayahan. Gusto niyang maging masaya. Gusto niyang makaahon sa pagdurusang ito.

            Pinaandar niyang muli ang kotse. Ngayon, alam na niya kung saan siya pupunta.

            “MA’AM gabi na po. Bakit po kayo napabalik dito sa Opisina?” Salubong sa kanya ng Guard habang tangan ang isang malaking flashlight.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon