Chapter 1: Bitchera!

3.8K 36 6
                                    

Copyright

This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is coincidental.

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval system, without the prior written permission of the publisher.

Chapter 1 “Bitchera!”

            Uy! Si Ma’am.” Ang natatakot na bulong ng isang empleyada sa kanyang kasamahan nang pumasok ng main building si Cassandra Feira. Siya ang Executive Vice President for Entertainment Operation ng FBC Television.

            Marami ang hanga sa kanyang galing at talino dahil sa edad niyang 32 ay nakuha agad niya ang pinakamataas na posisyon ng kanilang departamento. Maraming negang nagsasabing nakuha lang niya ito by luck at mayroon namang mga bitter na nagkakalat ng tsismis na type daw kasi siya ng kanilang CEO kaya mabilis siyang na-apoint sa pwesto.

            Maganda at sexy naman si Cassandra ngunit walang lalaki ang nangahas na ligawan siya. Kilay pa lang, malamang tatakbo na sila. Kilala siya sa kanilang opisina bilang talakera, mapanglait at masungit na boss kaya kahit anong ganda niya, natatakluban iyon ng masama niyang ugali.

            “Good morning po.” Ang nahihiyang bati ng isang babae.

            Napatigil sa paglalakad si Cassandra at diretsyong tumingin sa ID ng babae.

            “Intern. Wala bang nagsabi sa’yo kung sino ako?” Taas kilay niyang tanong.

      Binuka ng babae ang bibig nito. Gustong magsalita ngunit nauunahan ng takot at pagkataranta.

       “Kung gusto mong tuluyang makapasok dito sa FBC, rule no. 7, ayaw ko nang may bumabati sa’kin lalo na kung hindi ko personal na kilala.” Dugtong niya na tila pupulbusin na ng tingin ang kaharap.

            Walang nagawa ang babae kundi ang yumuko.

       Inayos ni Cassandra ang pagkakalagay sa braso niya ng kanyang Hermes bag habang tinititigan mula ulo hanggang paa ang babae at nang makuntento na sa bagsik na binigay niya, naglakad na siya papaalis.

            “Panira ng araw.” Bwisit na sabi niya sa sarili.

           Mabilis niyang narating ang Elevator at nadatnan doon ang dalawang empleyado na nakatayo at naghihintay sa pagbubukas ng pintuan.

            “Oo Mare. Ang cute nga ng anak mo eh. Ang ganda ng binyagan niyo kahapon.” Ang humahagikgik na sabi ng babae sa kasama nito.

            Napa-roll ng kanyang mga mata si Cassandra.

            “Naku! Wala iyon. First baby namin ni Pare mo iyon kaya todo kami ng gastos.” Ang nagmamalaking tugon ng isa sabay lapit sa kausap. “Alam mo, kung may anak na siguro si Ma’am Cassandra, malamang mabawasan ang kasungitan niya.”

           Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Pare-pareho kasi silang nakaharap sa pintuan ng Elevator at siya’y nasa likuran kaya hindi siya nakita ng dalawa.

            Nagkikiskisan na ang kanyang mga ngipin sa galit. Lalo pa iyong tumaas nang makarinig siya ng nakakainsultong tawa mula sa dalawa.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon