Nagmamadaling naglakad papuntang Conferrence room si Cassandra. Sa labasan ay nakita niyang takot na takot ang ilan sa mga staff niya.
“Anong nangyayari?”
“Ma’am, sinabi namin ang news tungkol sa show niya pero hindi niya nagustuhan kaya nagwala siya. Hindi kami makapasok sa loob. Natatakot kami sa kanya.” Ani ng kanyang Program Manager.
Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay buong lakas na binuksan ang pintuan.
Nagulat siya sa dami ng kalat sa loob. Ang mga upua’y nagkabale-balentong na’t sa iba’t ibang parte ng kwarto nakalagay.
Nakita niya si Charlotte Perez na nakatayo sa isang sulok at sapu-sapo ang magulong buhok habang ang Manager nitong may edad na’y nakaupo sa kabilang sulok at nangangamote.
Isang big star sa Network nila si Charlotte. Well, dati pala. Dating sikat at malaking artista. Child star siya’t laman ng mga malalaking Pelikula at shows sa kalabang Network. Nang magdalaga ito’y lumipat ito sa kanila. Sa loob ng sampung taong talent nila si Charlotte, naging top rater ang mga shows nito, blockbuster ang mga Pelikula at naging household name.
Siguro’y lumason na sa utak nito ang sobrang kasikatan na naging dahilan kung bakit ito bumaksak. Malaking bagay ang drug issue nito kaya halos lahat ng mga shows na pino-produce nila na ito ang bida’y lagapak sa ratings at walang ads. Laging lugi ang kumpanya kapag si Charlotte ang may soap.
“Anong nangyayari sa’yo Charlotte?” Wika niya habang naglalakad papalapit sa praning na artista.
Napatingin sa kanya ang babae at iyon ay nanlilisik.
“Bakit ka nanggulo rito?” Muli niyang tanong at pagkatapos ay tinignan niya ang Manager na naluluha na.
“Sorry po Ma’am.” Sabi ng Manager.
“Anong sorry? Hindi ka dapat mag-sorry sa babaeng ito! Ang kapal ng mukha niyong ipaputol ang soap ko samantalang seven months ang pinirmahan kong kontrata para dun!” Himutok ni Charlotte.
Hindi nakasagot si Cassandra pero bahagyang napaangat ang ulo niya nang maunawaan kung ano ang kinapuputok ng butsi nito.
Hindi siya nagpakita ng pagkabahala at concern sa kaharap niya. Gusto niyang makausap ng masinsinan ang dalawang ito bilang sobrang tagal na nilang nagtitimpi sa magaspang na ugali ng artistang ito.
“Why not umupo ka muna rito’t mag-usap tayo. Nang maayos.” Yaya niya sabay kuha ng isang natumbang upuan at doon ay umupo.
“Bakit ako makikipag-usap sa inyo kung ako’y binabalewala niyo?” Pagmamatigas nito sabay hampas sa pader.
“Ano ka ba? Nandito na si Ma’am para kausapin tayo kaya huwag ka nang mag-inarte diyan.” Ang nahihiya at nahihirapang pangungumbinsi ng Manager.
Mukhang natauhan yata’t dahan-dahang sumunod sa paghatak ng sariling Manager. Umupo sila sa tapat ni Cassandra. Ilang dipa rin ang pagitan nila.
“Kung may problema ka, bakit hindi ka humingi ng meeting sa akin? Bakit kailangan mo pang guluhin ang mga properties namin dito sa Opisina? Alam mo ba kung anong pwedeng i-sanction sa’yo lalo na kung malaman ito ni Sir Alfredo?” Mahinahong wika niya.
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomanceMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...