Chapter 36: Dilemma and the Savior

794 9 0
                                    

Lulan ng kanyang Kotse papasok ng trabaho, lumilipad ang isipan ni Cassandra habang nakatanaw sa bintana.

            Hindi tinatantanan ng mga pangyayari kahapon ang kanyang isipan. Parang isang pelikulang paulit-ulit niyang naaalala ang ginawa sa kanya nina Elizabeth at Suzanne. Halos hindi na nga siya nakatulog kagabi sa kaiisip.

            Sa totoo lang, hindi na niya alam kung saan siya kumukuha ng tibay at lakas ng loob para ipagpatuloy pa ang mga bagay na ginagawa niya. Kakapalan na ba ng mukha ito? Hindi niya alam.

            Kagagaling lang niya kahapon sa isang malaking gulo pero heto siya ngayon, balik trabaho na parang walang nangyari. Hindi niya maiwasang mapangiti sa kanyang angking galing sa pagtatago ng problema.

            Nitong mga nakaraang buwan, sunud-sunod ang mga pinagdaanan niyang pagsubok. Mapa-trabaho, Pamilya, Friendship o Pag-ibig. Halo-halong emosyon na rin ang kanyang naramdaman. Inilagay rin niya sa alanganin ang kanyang moralidad, integridad, dignidad at pangalan. Kumbaga, qouta na siya’t ano pa ba ang kailangan niyang gawin para maging masaya?

            Sa kabila ng lahat, kahit batid na ng lahat ang tungkol sa kanyang baho, na-manage na niyang isnabin at deadmahin ang panghuhusga ng ilan. Tila nasanay na ang tenga’t balat niya sa ganoong kalagayan. Wala na nga siguro siyang magagawa kundi masanay sa ganitong klaseng buhay.

            Kung meron mang dumagdag sa mga aalahanin niya ngayon, iyon ay ang katagang binitiwan sa kanya kahapon ni Charlie. Tumatak iyon sa kanya’t paulit-ulit niya iyong tinanong sa sarili.

            Worth it nga ba ang pakikipaglaban niya para kay Stefan?

            Hindi niya alam ang sagot. Mahal na mahal niya ito’t buong buhay niya’y pinangarap niyang makasal sa nobyo. Ito lamang ang kanyang hinahangad, wala nang iba pero ang mga binitiwan ni Charlie’y bahagyang nagpagulo sa kanya.

            Para siyang nakadama ng kakaibang takot, kawalan ng security mula sa nobyo at pagdadalawang-isip sa kanilang plano. Ngayon, tinitignan niya ang lahat sa kanyang paligid nang may malawak na tingin. Noon kasi’y kay Stefan lang siya nakatutok kaya hindi rin malawak ang kanyang isip.

            Natatakot siya. Wala na sa mga kamay niya ang mga nangyayari. Kung noon, sanay siya na nakokontrol ang lahat, ngayo’y palagian na siyang nagugulat sa mga kaganapan.

            Napatigil siya sa pag-iisip nang biglang tumigil ang kanyang Kotse. Sinilip niya ang paligid. Maging ang mga katabi nilang Kotse’y huminto rin.

            “Anong nangyayari Mang Nestor?”

            “Hindi ko alam Hija pero mukhang may build-up ng mga sasakyan sa parteng ito. Matatagalan yata tayo papunta sa Office niyo.”

            Napa-roll siya ng mga mata sabay buntong hininga. Wala na yatang pag-asa ang trapiko dito sa Pinas.

            Tumingin siya sa kanyang orasan. Mag-a-alas nuwebe na’t kailangan na niyang makarating ngayon sa FBC.

            Mayroon siyang appointment kay Sir Alfredo at hindi siya pwedeng ma-late sa pinag-usapang oras.

            Sa totoo lang ay wala siyang ka-clue-clue kung para saan ang meeting na iyon. Basta na lang siyang tinawagan kagabi ng Secretary ng kanyang CEO para sa isang Nine o’clock meeting.

            “Tsk...matagal pa ba ito? Kailangan ko nang pumasok.” Nagpa-panic niyang sabi sabay labas ng ulo sa bintana.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon