Chapter 23: A Place To Remember

774 4 4
                                    

        “What?! Are you insane?!” Sigaw ni Sir Alfredo habang hawak ang isang bola ng Basketball. Nakatayo ito malapit sa bintana.

            “Sir, believe me. We have to keep her.” Seryoso niyang sagot. Nakaupo siya sa Client’s chair sa harap ng desk ng Boss niya.

            Napangiti si Sir Alfredo at bumuga ng hangin. Halatang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya at sigurado siyang iniisip nito na kalokohan ang kanyang minungkahi.

            Matapos siyang i-blackmail ni Charlotte, hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Pinuntahan agad niya si Sir Alfredo para hilinging huwag putulin ang kontrata ng diva-diva-hang artista.

            Lahat gagawin niya para lang makuha ang Oo nito huwag lang gumawa si Charlotte nang ikakapahamak nila ni Stefan.

            Pinanood niya si Sir Alfredo  na maglakad pabalik sa upuan nito.

            “Tell me, anong nagpa-decide sa’yo para gawin mo ito? Hindi ba’t napag-usapan na natin na papakawalan na natin siya? She’s worse than a ship wreck and I don’t want this Network to suffer a downfall just because of her.”

            Naintindihan niya ang mga sinabi ng Boss niya. Maging siya’y iyon rin naman ang opinyon ngunit determinado siyang ipanalo ang usapang ito. Kailangan niyang mapapayag si Sir Alfredo whatever it takes.

            “Sir, she’s FBC. Unang naiisip ng mga tao kapag naririing ang Network natin ay si Charlotte. She’s our biggest talent. We can’t just dump her like that.”

            “Oh yes we can!” Mabilis na sigaw ni Sir Alfredo. Alam niyang naiirita na ito.

            “Sir please, listen to me. I’m afraid na baka bumalik sa’tin ang lahat kapag pinakawalan natin siya.” Mahinahong paliwanag niya.

            “”Huh?”

            “Sir, kilala niyo naman ang babaeng iyon. Sigurado akong mag-iingay siya. Sisiraan niya tayo. Mas malaking problema ang haharapin natin kapag...-“

            “So we will just keep her to avoid bad publicity? Hindi ko alam na ganyan ka pala kaduwag, Cassandra.” Putol ni Sir Alfredo sabay ikot sa isang kamay ng hawak na bola.

            Hindi siya nakapagsalita dahil nainsulto siya sa sinabi nito. Hindi siya takot kay Charlotte. Sadyang wala lang talaga siyang pagpipilian.

            “Sir, hindi lang ito tungkol sa bad publicity. It’s about the Network’s wellfare. Unang una, anong iisipin ng mga Artista natin kung ibagsak na lang natin ng ganun si Charlotte? Iisipin nila na kapag nalagay rin sila sa matinding issue ay bigla rin natin silang iiwan. They will have the wrong impression na we can’t support them all the way.”

            Tumahimik si Sir Alfredo. Pakiwari niya’y pinag-iisipan nito ang kanyang sinabi.

            Naging tahimik silang dalawa. Pirmi siyang naghintay sa muling sasabihin ng nakatatandang Boss. Panay ang lunok at dasal niya na sana’y sumang-ayon sa kanya ang lahat.

            “What’s your plan then.” Mahinang sabi nito.

            Hindi niya maitago ang kasiyahang lumalabas sa labi niya ngunit agad niya iyong tinago. Pinilit niyang maging pormal ulit.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon