Chapter 37: Downfall

556 5 0
                                    

Masiglang naglakad papasok ng kanyang Opisina si Cassandra. Ang bakasyon na ginawa niya kahapon kasama si Charlie ay nagbigay sa kanya ng kakaibang energy. Pakiramdam niya, kayang-kaya niyang lagpasan ang mga susunod na hamon sa buhay niya.

            Kahapon  lamang ay kinulit-kulit siya ni Johnny na kasuhan ang mga dyaryong naglabas ng mga expose’ laban sa kanya. Sinabi rin nito na kasuhan din dapat sina Suzanne at Elizabeth sa ginawang pambubugbog at pamamahiya ngunit siya na mismo ang nagpahinto sa kapatid.

            Pinaliwanag niya na ang Kumpanya na ang bahala sa Media upang tumigil ang mga ito sa pagbabalita tungkol sa nangyari. Sa kaso naman ng magkapatid na kaaway niya, sinabi niya kay Johnny na wala siyang balak iakyat sa mas malaking gulo ang away nila. Pinabatid niya sa kanyang kapatid na siya pa rin ang may kasalanan at puno’t dulo ng gulo at natitiyak niya na lalo lamang siyang mababaon sa kahihiyan kapag kinasuhan niya ang dalawa.

            Yamot na um-oo sa kanya si Johnny. Naiintindihan nito na baka makasuhan siya sa pakikiapid kung babanggain niya sina Elizabeth. Naunawaan nito na tali ang kanyang kamay laban sa ligal na Asawa.

            Ngayong araw, isang bagong Cassandra ang masisilayan nila. Masigla, malakas at matibay. Malaking tulong ang habulan sa ulan at pagpapahinga sa dalampasigan.

Pakendeng-kendeng at pa-sway-sway pa ang kanyang kaliwang kamay habang naglalakad sa Corridor ng FBC.

            “Good morning po Ma’am.” Salubong sa kanya ni Thess nang makarating siya sa pintuan ng kanyang Office.

            Ngumiti siya. “Good morning Thess. Ready na ba ang lahat?”

            “Opo Ma’am. Papunta na po sila dito sa Office niyo.”

            “Good.”

            Agad pumasok sa loob si Cassandra. Binuksan niya ang apat na TV monitors at pagkatapos ay relax na relax na umupo sa kanyang trono.

            Ngayong araw kasi magaganap ang pinakamalaking meeting para sa renewal ng kontrata ni Julius Trinidad. Kailangan nilang makausap ang pinakamalaki nilang Artista upang ilatag dito ang mga plano nila para sa susunod na mga taon nito sa FBC.

            Para silang mga manliligaw at ang pinakamatamis na oo ni Julius ang kanilang gustong marinig. They have to keep him. Ito ang pinakamalaki, pinaka-bankable at nag-iisang Artista ng FBC na nagpapasok ng pinakamalaking pera sa Kumpanya.

            Batid ni Cassandra ang halaga ng meeting na ito pero walang kung anong kaba sa kanya. Naka ilang meeting na rin naman kasi ang kampo ni Julius sa kanyang staff kaya tiwala siyang magiging smooth sailing ang negosasyong ito.

            “Ma’am, nandito na po sila.” Ani Thess sabay bukas ng malaki sa pinto upang makapasok ang pinatutungkulan.

            Pinatay ni Cassandra ang mga TV at pagkatapos ay tinapat ang inuupuan sa pwesto ng mga papasok.

            “Good morning po Ma’am.” Nahihiyang bati ng isang babaeng hindi niya matandaan ang pangalan. May dala-dala itong suitcase katabi ang isa pang lalaki.

            “Good morning. You are...” Pormal niyang tanong sabay singkit ng mga mata.

            “Oh... I’m Atty. Natasha Andres and this is Atty. Roman Coltino. We represent the FBC legal team. We are here to help you with Mr. Julius Trinidad’s renewal of Contract.” Maikling sabi ng babae.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon