Chapter 33: Alone and Lonely

516 4 0
                                    

“Ma’am bakit ngayon lang po kayo? Hinahanap po kayo kagabi pa ng Mommy niyo.” Ang may pag-aalalang salubong sa kanya ng kanilang katulong nang bumaba siya ng kanyang Kotse.

            Pagkagaling niya sa isang mainit na pakikipag-usap kay Elizabeth, umuwi muna siya para maligo bago tuluyang pumasok ng Opisina. Agad siyang nagpasabi kay Thess na mamayang hapon na lang siya pupunta ng FBC para sa isang naka-schedule na meeting.

            “Hinahanap? Bakit daw?”

            Hindi nakasagot ang katulong na hirap sa paglalakad. Sinisikap kasi nito na habulin ang may kabilisan niyang lakad.

            Napangiti siya sa itsura nito. Maaaring nahihiwagaan ito sa kanyang naging tanong. Para kasi sa kanya’y isang himala ang pag-aalalang pinakita ng Mommy niya. Ilang linggo na silang hindi nagkikibuan kaya kinagulat niya ang mga tanong ng Katulong.

            “Si Mang Nestor tumawag na ba? Ilang linggo na nung umuwi siya sa kanila ah. Kailan daw siya babalik?”

            “Ay naku Ma’am, tumawag siya kagabi. Ang lakas daw po ng bagyo sa kanila’t sarado lahat ng mga daan. Kapag daw po humupa na ang baha, makakaluwas na siya.” Maikling eksplika nito sabay tingin palagpas sa gate.

            Sinundan niya ang tinitignan nito. Isang morenong lalaki ang nakatayo sa labasan at nakangiting kumakaway dito.

            “Ah...eh excuse lang po.” Ang kinikilig na paalam nito sabay lakad papalabas ng gate.

            Napailing na lang siya sa nakita’t dumiretsyo na ng lakad. Tahimik sa paligid at kay sarap ng simoy ng hangin. Nakakatanggal ng pagod at problema.

            Napatigil siya sa paglalakad nang makarating siya sa mini garden sa harap ng main door. Tumunog kasi ang kanyang Cellphone.

            Kinuha niya iyon sa kanyang bag at natuod siya nang makita ang taong tumatawag sa kanya. Si Charlie iyon at alam niya kung anong lalamanin ng magiging usapan nila. Kahit na sinabi niya dito kanina na gusto niyang manatili ang kanilang mabuting pagkakaibigan, hindi pa rin niya kayang kausapin ito sa ngayon na parang walang nangyari. Naiilang pa rin siya at ang pakikipagtalik dito ang tanging pumapasok sa kanyang isipan.

            Agad niyang d-in-ecline ang tawag at pagkatapos ay pinatay ang kanyang Cellphone. Sa ngayon, gusto muna niyang dumistansya sa kaibigan hanggang sa makalimutan na niya ang namagitan sa kanila.

            Pagkalagay niya ng kanyang Cellphone sa bag, agad siyang lumapit sa kaharap na pinto at iyon ay binuksan.

            “Nandito ka na pala.” Taas kilay na salubong sa kanya ng kanyang Ina.

            Napaatras nang bahagya ang kanyang ulo’t naitaas pa ang kanang kamay sa sobrang pagkagulat.

            “Mom, bakit ka nanggugulat?” Ang medyo natatawang tugon niya sabay lakad papasok.

            “Huwag mo akong tatalikuran dahil kinakausap pa kita!” Sigaw ng Mommy niya sabay hila pabalik sa kanyang braso.

            Bahagya siyang na-out of balance nang sapilitan siyang ikutin paharap ng Ina.

            “Ano ba? Kung ang kinaiinis mo ay ang hindi ko pag-uwi, then I’m sorry. Pwede Mom, ipagpaliban mo muna ang pagtataray sa’kin kasi sobrang dami ko nang pinoporblema.”

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon