“I knew it!” Nagdidiwang na sabi ni Cassandra habang hawak-hawak ang Entertainment page ng binabasang dyaryo.
Nakasulat kasi doon ang mga positive reviews sa pagbubukas ng Reality show ni Charlotte na may title na New Beginnings.
Pilot episode pa lang, nakakuha na ito ng 28 percent sa Mega Manila Household ratings at trending topic rin worldwide sa Twitter. Isa itong malaking tagumpay para sa kanila at masaya siya na siya mismo ang tanging nakaisip ng palabas na ito para sa papalubog na si Charlotte.
Napailing siya nang maalalang hindi ito mababalitaan ng siraulong diva-diva-han dahil isolated pa ito sa rehab. Tiyak niya na kung nasa labas ito ngayon, hahagalpak iyon sa tagumpay na nakadikit sa pangalan nito.
“Pasok.” Aniya nang makarinig ng mahinang katok sa pinto.
“Ma’am, pinapatawag daw po kayo ni Sir Alfredo sa office niya.” Malumanay na sabi ni Thess.
Napangiti siya dahil natitiyak niyang alam na ng boss niya ang magandang balita.
Inayos niya ang kanyang damit, f-in-lip patalikod ang mahabang buhok at taas noong nilakad ang daan patungo sa Opisina ni Sir Alfredo.
“What do you think Sir?” Aniya nang maabutang nagbabasa ng parehong pahinang hawak niya kanina ang matandang boss.
Bahagyang binaba ni Sir Alfredo ang itaas na bahagi ng diyaryo upang makita ang kanyang mukha. Nakangiti ito at ang mga mata’y kumikislap. Saglit siya nitong tinignan bago tuluyang binaba ang dyaryo sa mesa at relax na relax na sinandal ang likod sa kinauupuan.
“Sa maraming beses at sa halos ‘di ko na mabilang na pagkakataon, pinatunayan mo ulit Cassandra na tama ang mga desisyon mo. Honestly, I’m surprised that the viewers love the show. The pilot was a success!” Nanginginig sa tuwa nitong sabi habang ang isang kamay ay bahagyang nakataas at pinapakita ang kulubot na kamao.
Hindi siya tumugon bagkus ay nagpakita ng proud na proud na ngiti. Sa totoo lang, ang magandang balitang ito ay hindi lang maganda para sa Network kundi para rin sa kanya dahil muli niyang napatunayan ang angking galing niya pagdating sa pagbuo ng mga shows.
Hindi rin siya napahiya dahil tumama ang lahat nang naipangako niyang kahihinatnan ng suntok sa buwan na project na ito.
Lalong lumaki ang ngiti sa labi niya nang matantong muling bumango ang pangalan niya kay Sir Alfredo.
Umiling ang matanda habang nakatitig sa kanya. “You’re born to do Television Cassandra. It’s in your DNA. You have the gift! Wala na tayong pag-asa noon kay Charlotte pero nagawan mo ng paraan para masakyan natin ang pagka-adik niya. That’s impressive!”
Tumayo ang matanda at naglakad patungo sa isang maliit na glass table. “Isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito hija.....we need to celebrate!”
Kinuha nito ang isang malaking Champaigne bottle at binuhos iyon sa mga naghihintay na glasses.
Tumayo siya’t lumapit sa pwesto ng matanda.
“One for you.” Wika nito sabay abot ng baso sa kanya. “And one for me.”
“Sabi ko naman sa inyo noon Sir hindi ba? Magtiwala lang kayo sa akin dahil kaya kong solusyunan ang lahat.” Malambing ngunit nagmamalaki niyang sabi habang inaamoy ang laman ng basong hawak niya.
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomanceMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...