Chapter 44: The Bitchera In Need

546 9 0
                                    

Walang lakas na binuksan ni Cassandra ang malaking glass door ng Bar na kanyang pinuntahan. First time niya dito at wala siyang ibang kasama.

            Tumingin siya sa paligid. May mangilan-ngilang Customers doon kahit maaga pa. Sa tingin niya, magkakatulad silang lahat na may dalahing problema.

            Saan pa nga ba pupunta ang mga tao kapag hindi na kaya ang mga problema? E di sa lugar kung saan umaapaw ang alak.

            Nilisan niya kanina ang bahay ni Charlie nang tumatangis. Hindi na niya napansin kung nakita ba siya nina Baste, Agatha at Lola Trina na umiiyak. Sa sobrang sakit kasi ng kanyang nararamdaman, hindi na niya naisip ang kanyang paligid. Ang tanging gusto lamang niya ay ang lumayo sa lugar na iyon.

            Matamlay siyang naglakad papalapit sa bar section. Bumwelo siya upang upuan ng maayos ang pagkataas-taas na stool doon. Hindi niya alam kung mataas lang sadya ang upuan o kapos lang siya sa height.

            “Margarita.” Aniya nang mapatingin sa kanya ang Bartender.

            Nakatulala siya habang pinapanood kung paano gawin ng Bartender ang kanyang in-order. Kahit doon nakatutok ang kanyang mga mata, wala naman doon ang kanyang isipan.

Ang paulit-ulit niyang nakikita ay ang ginawang pagtataboy sa kanya ni Charlie. Wala na yatang titindi pa sa kasawiang kanyang nararamdaman.  Sa tingin niya’y manhid na siya. Sa lahat ng klaseng sakit na kanyang naranasan, himalang kinakaya pa niya ngayon. Para siyang isang taong gumagalaw ang katawan ngunit nilisan na ng kaluluwa.

            Kapag narating na pala ang puntong katapusan na ng huling pag-asa sa taong minamahal, nakakablangko ng sistema. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Hindi na niya alam kung paano ang buhay niya ng wala si Charlie.

            Ang kanyang mata ay bahagyang napatingin sa gawing kanan nang mapansin ang kamay ng isang babae. Magkatabi lang sila kaya ayaw niyang tignan ito sa mukha. Naiilang siya.

            Palihim niyang pinanood kung paano paglaruan ng babae gamit ang kamay nito ang baso ng Cosmopolitang iniinom. Sa tingin niya, may problema rin ito.

            Bumuntong hininga siya sabay isip kung bakit ba siya nangingialam sa buhay ng iba. Dapat ay mag-focus siya sa kanyang sariling problema dahil wala na atang mas bibigat pa sa dalahin niya ngayon.

            “Here’s your Margarita Ma’am.”

            Tinitigan niya ang nilapag na baso ng Bartender. Ang ganda ng likido sa loob nito. Nakakahalina. Ang sarap inumin.

            Dinampot niya ang baso at nang aakto na sana siya para uminom, na-interrupt siya sa kanyang katabing babae.

            “Isa pa nga! Bilisan mo ha?”

            Napakunot ang kanyang noo. Ikinainis niya kung paano nito utusan ang Bartender. Wala man lang manners. Kahit sinong mahilig pumunta ng bar, alam na may proper etiquette sa pagtawag at pag-order sa barista.

            Tumingin siya dito habang nakataas ang isang kilay. Handa siyang gumyera ngayon.

            “Excu-... Roxanne?”

            Nagulat siya sa kanyang nakita. Katabi niyang umiinom ang babaeng naging dahilan kung bakit siya natanggal sa FBC.

            Nakatungo ang hitad habang pinagmamasdan ang baso nitong wala nang laman. Tila hindi siya nito narinig dahil hindi man lang ito gumalaw.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon