“Kumain ka na.” Mahinang yaya sa kanya ni Johnny nang pumasok ito sa kwarto niya dala ang isang tray ng pagkain.
Nilapag nito ang dala sa malapit na mesa sa tabi ng kanyang kama.
Tinitigan niya iyon. Nakaupo siya sa kanyang kama habang ang kanyang kumot ay nakakusot na nakabalot sa kanyang mga hita.
Wala siyang gana, walang balak kumain. Hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya ang tensyong nangyari kaninang umaga sa sala.
Sa totoo lang, hindi malinaw para sa kanya sa kung paano siya nakarating sa kanyang kwarto. Labis ang kanyang pagwawala’t pagtangis kaya naging unconcious marahil ang kanyang utak sa paligid.
“Ayos ka na ba? Hindi kita makausap kanina kaya binuhat na kita dito sa kwarto mo.” Kwento ni Johnny sabay upo sa gilid ng kama.
“Ikaw ang nagdala sa’kin dito?” Nanghihina niyang tanong. Ang kanyang mata’t ulo’y kay sakit pa rin.
“Oo. Natakot ako sa’yo kanina. Akala ko, tinakasan ka na ng bait sa sobrang pag-iyak mo.”
Tumungo siya. Nahihiya siya sa kanyang nagawa. Alam niya na kahit kailan ay never pa siyang nagwala at humagulgol ng ganun.
“Sorry ha. Naipon na kasi lahat ng mga kinikimkim ko kaya ganun. Hindi ko naman intensyon na galitin o idamay kayo sa mga problema ko.” Aniya sabay punas sa luhang tumulo sa kanyang mga mata.
“Hindi. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon, Ate....” Saglit na tumigil si Johnny para hawakan ang kanyang kamay. Pinihit rin nito ang katawan upang humarap ng buo sa kanya. “...sorry. Sorry kung matagal kang nagtiis nang dahil sa amin ni Mommy. Marami kang sinakripisyo pero ni minsan hindi namin nagawang magpasalamat o asikasuhin ka. Nagpakasasa kami sa mga binibigay mo. Tama ka na naging huthutan ka namin. Sinaid namin ang kabaitan mo kaya naiintindihan ko ang pagsabog ng emusyon mo.”
Muling tumigil si Johnny para punasan ang tumutulong luha. “Mula noon ikaw lang ang kasama ko pero binabalewala kita. Tine-take for granted ko lagi ang mga kabaitan mo. Alam ko na kahunghangan iyong iasa ko sa’yo ang College Fees ko. Kaya ko namang magtrabaho’t mag-aral tulad ng ginawa mo dati pero nagpaka-prinsipe ako. Sorry kung lumaki akong mahina’t palaasa.”
Hindi maiwasan ni Cassandra na maantig sa mga sinabi ng kapatid. Sa kabila ng paghingi nito ng tawad, sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili dahil nagpaulan siya ng mga katagang hindi naman niya mini-mean. Nakakagawa talaga ang isang tao ng malalaking pagkakamali sa tuwing punung-puno ng galit ang puso.
Inalis niya sa mga kamay ng kapatid ang tangan nitong kanang kamay niya. Inilapat niya iyon sa likuran ni Johnny at hinagod iyon.
“Alam mo....sa sobrang dami nang dinanas kong sakit at paghihirap, natutunan kong maging matapang at palaban. Kapag narating mo na ang pinakamababang parte ng buhay mo...iyong puntong wala ka nang ibang makakapitan kundi ang sarili mo, wala kang ibang gagawin kundi ang maging matapang. Sa mundong ito maraming pwedeng magpaligaya sa’yo, mga taong ituturing mong mga tunay na kaibigan at mga taong gusto mong makapiling habambuhay pero.....kailangan mong tandaan na nabubuhay rin tayo sa mundo ng pagpapanggap at inggit. Marami diyan na sasaktan ka, paluluhain ka at mag-iiwan ng pilat sa puso mo. Pilat na kahit kailan ay hindi na mabubura kaya Johnny....”
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomantizmMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...