Chapter 43: The Second Chance

598 7 0
                                    

“Sigurado ka bang gusto mo siyang puntahan?” Ang nag-aalangang tanong ng kanyang Mommy.

            “Huwag ka ngang kill joy diyan Mom. Hayaan mo si Ate.” Saway dito ni Johnny sabay sara ng binabasang libro.

            Nanginginig at hindi mapakaling nai-roll ni Cassandra ang mga mata nang marinig ang tila nagsisimulang away sa pagitan ng mga kausap.

            “Ikaw na naman siguro ang nagkumbinsi sa kanya ano?” Ang naiinis na hula ni Alicia sabay turo sa direksyon ng kanyang Kapatid. Nang hindi sumagot si Johnny, muli nitong binalik ang tingin sa kanya. “Anak, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Baka galit pa iyong tao sa’yo....syempre’t nasaktan mo siya. Kailangan mong humingi ng tawad sa kanya, oo pero.... huwag ngayon. Baka masaktan ka lang doon.”

            Naintindihan naman niya ang pangamba ng kanyang Ina kaya siya nito pinipigilan sa balak niya pero desidido talaga siyang umalis para kausapin si Charlie.

            Tumingin siya sa kabilang side ng Living room. Doon ay nakaupo ang kanyang Daddy at tahimik silang pinapanood.

            Tinitigan niya ito sabay kiling pakanan ng ulo. She’s giving a signal na kailangan niya ng suporta.

            Agad napatuwid ng upo ang kanyang Daddy nang tila na-gets nito ang pahiwatig niya. Saglit itong salitang tumingin sa kanya, kay Johnny at sa kanyang Mommy bago nagsalita.

            “Ahm...Alicia, I think we need to ahm.... trust our daughter with this.” Simula ng Daddy niya. Ramdam niya ang pag-aalangan sa boses nito.

            “Trust her? Ilang beses na siyang nadapa Renato. Nagkamali. Kaya ayokong mangyari ulit iyon sa kanya....na masaktan siya. Kung pwede ko siyang tutukan para di siya ulit masaktan, gagawin ko.” Masungit na sagot ng kanyang Ina na hindi na yata mababasag ang nabuong desisyon.

            Muli siyang tumingin sa kanyang Daddy. Tingin iyon ng saklolo upang huwag tantanan ang kanyang Ina.

            Umiling ang kanyang Ama. Nagpapakita na hindi siya nito kayang tiisin.

            “Alicia....Cassandra is old enough to decide on her own. Oo nga’t ilang beses na siyang nagkamali. Lahat naman tayo ay nagkakamali di ba.... tulad ko.”

            Napatingin silang lahat sa kanyang Ama nang gawing halimbawa ang sarili nito. This is the first time na ma-a-address ang issue ng Daddy niya after the reconciliation.

            “Alam niyo naman kung ano ang mga nagawa kong pagkakamali di ba? Pinagsisihan ko ang lahat ng iyon pero hindi naman ibig sabihin, ire-restrict ko na ang sarili ko na mag-desisyon muli. Hindi tayo dapat matakot magkamali dahil iyon ang magututro sa atin ng maraming leksyon. That’s a part of life.  Kung talagang natuto na si Sandra sa mga pagkakamali niya, let her do her thing. Dito natin makikita kung may natutunan nga ba siya o wala.”

            Hindi nakasagot si Alicia. Sa tingin ni Cassandra, naunawaan nito ang punto ng kanyang Daddy.

            Clap! Clap! Clap!

            Lahat sila’y napatingin sa gawi ni Johnny nang tumayo ito sa sofa’t nagpamalas ng napakabagal na pagpalakpak. Ang mukha nito’y tila manghang-mangha habang umiiling.

            “Good job Dad! See...We all got a point Mommy. Hayaan mo na si Ate. Malapit na ngang mawala sa Bingo iyan, pagbabawalan mo pa na parang teenager.”

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon