“Nice dress! Sinong designer niyan friend?” Puri ni Roxanne sa suot na violet gown ni Cassandra habang nahihirapang papirmihin sa isang pwesto ang anak nitong three years old.
“Si Abigail Padilla. Iyong gumawa rin ng Gown ko last year.” Walang gana niyang tugon.
Tumingin siya sa malayo at tinanaw ang mga bisitang nagkakasiyahan sa Anniversary party nila. Bahagyang naniningkit ang mga mata niya sa lakas ng mga nagsasayawang ilaw.
Sa totoo lang ay hindi siya makahinga sa dami ng tao. Hitik sa mga Artista, Politiko, Empleyado, Advertisers, at Executives ang event. Malaking selebrasyon na nagbigay rin sa kanya ng matinding sakit ng ulo dahil mahirap pagsama-samahin ang mga Artistang may kanya-kanyang lakad at schedules.
“Huwag malikot anak. Dito ka lang.” Malambing at mahinang saway ni Roxanne sa anak.
Hindi maiwasan ni Cassandra na mapatingin sa kanila dahil naririndi na siya sa ingay ng bata na walang kapararakan ang mga sinasabi na hindi mo naman maintindihan.
“Nasaan ba si Pare? Nasaan ang kakambal niyang inaanak ko?” Usisa niya sabay tingin sa paligid.
“Hay naku Friend, nandoon sa labas. Naiyak kasi yung kakambal nito dahil nag-away sa laruan.”
“Ang hirap namang magkaanak. Imagine, kambal pa iyang sa’yo.”
“Mahirap pero masaya. Kahit anong kulit nitong kambal ko, iba yung joy na nararamdaman ko friend. Kahit pagod ako sa opisina, makita ko lang silang magkatabing matulog sa gabi, nawawala lahat ng stress at pagod ko. Parang recharged agad.”
Ngumiti lamang siya sa sinabi nito.
“Mag-anak ka na kasi Friend para naman ma-gets mo ang sinasabi ko sa’yo. I’m telling you, mas fulfilling ito kaysa sa trabaho natin.”
Natigilan siya habang tinititigan ang inaanak. Naisip niya kung ano nga ba ang pakiramdam ng magkaroon ng sariling anak. Sa edad niyang ito, dapat ay nagsisimula na siya ng plano na bumukod at bumuo ng sariling Pamilya pero paano niya gagawin iyon kung ayaw pa ng lalaking mahal niya? Marahil matagal pa ang hihintayin niya bago matupad ang gusto niya.
“Eh teka, nasaan ba ang lalaking magbibigay sa’yo ng anak? Nasaan si Stefan? Hindi mo ba siya inimbitahan?”
“In-invite ko kaso hindi daw siya pwede dahil may meeting daw sa mga big Bosses niya from US. Alam ko namang mahalaga sa kanya iyon kaya ayokong makihati pa sa oras niya.” Ang walang ganang tugon niya.
“Nag-e-enjoy ba kayo?” Sabi ni Sir Alfredo nang dumating ito sa kanilang pwesto.
“Okay naman po Sir.” Tugon niya.
“Good evening po.” Bati ni Roxanne sabay baling sa anak. “Say Good evening anak.”
“Ang cute naman ng anak mo Roxanne. Parang kailan lang eh nag-leave ka para sa panganganak mo, nagyon eh pwede nang pumasok sa Prep iyan ah!” Masiglang puna ni Mr. Siegfried Roxas. Kanilang Chief Operating Officer.
Tumawa si Sir Alfredo sabay lapag ng kamay sa bumbunan ng bata. “Ang sarap tignan na lumago ang buhay at Pamilya mo sa loob ng kumpanyang ito. Masaya ako para sa’yo Roxanne.”
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomanceMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...