Sinalansan ni Cassandra sa babasaging mesa ang kanyang Resume’, College Diploma, Credentials at ang Recommendation letter na hiningi niya kay Sir Alfredo noong isang araw.
Pinagmasdan niya ang mga iyon. Nawi-weird-uhan siya sa ginagawa niya.
“Bakit Ate? Anong problema sa mga papeles na iyan? May kulang ba?” Usisa ni Johnny nang mapansin ang kanyang pagkatulala.
Umupo sa tabi niya ang Kapatid paiwas sa Mommy niyang nagva-vacuum ng sahig.
“Wala. Bigla ko lang naisip na magsisimula na pala akong maghanap ng trabaho ngayon. Nakakatawa kasi sinet ko na ang mind ko na sa FBC ako tatanda’t magre-retire. Hindi ko na nakikita ang sarili ko na kakatok sa bawat Kumpanya para mag-apply. Ang weird lang ng feeling. Hindi ko matanggap.” Ang semi lungkot at semi ngiti niyang sabi.
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Johnny sabay sandal sa sofa.
“Ako nga kinakabahan din kapag naka-Graduate na eh. Hindi ko alam kung saan ako mag-a-apply.”
Napatingin siya sa Kapatid, nakapatong ang parehong kamay nito sa ulo. Never itong nag-share ng worries nito sa pag-a-abugasya. Masyado siyang naging busy sa kanyang buhay kaya hindi na niya natutukan ang future ng Kapatid.
“Naku! Nag-iisip ka na agad kung saan ka papasok. Bakit kaya di mo muna unahin ang pag-iisip na makapasa sa Bar Exam?” Singit ng Mommy niya na napatigil pa sa ginagawa.
“Ano ka ba Mommy? Puro ka kanegahan. Pwede bang positive na lang ang thinking mo? Pasasaan ba’t makakapasa rin ako.” Tugon nito na parang bilib na bilib sa sarili.
Hinawak niya ang kanyang kamay sa hita ng Kapatid. “May point si Mommy. Dapat pagka-graduate mo, seryosohin mo ang Bar Exam para maging Abogado ka na talaga. Kung iyong papasukan naman ang pinoproblema mo, madali na iyon.” Aniya pagkatapos ay taas-baba ng dalawang kilay ng sabay sa Kapatid.
Napaangat ang likuran nito sa pagkagulat sabay lapit sa kanya. “Anong madali na?”
“Oo nga anak. Paano ka nakakasiguro?” Dugtong na tanong ng Mommy niya sabay bitaw sa handle ng vacuum at tumabi sa kanya.
“Nakausap ko na si Daddy tungkol diyan. May kaibigan siya na malaking Abogado sa isang Law Firm. Pwede ka niyang ilakad doon. And syempre bilang magaling akong magplano, kung sakaling hindi mo type doon kasi alam kong maarte ka’t magiging choosy, may ni-recommend na sa akin si Sir Alfredo na Law Firm noong makausap ko siya the other day.” Aniya na parang wala lang ang kanyang binahagi. Habang nagsasalita, sinusuri niya ang kanyang mga papeles.
“Ta-talaga?! Thanks Ate!”
Hinawakan siya nito sa parehong balikat at madiin iyong pinisil.
“Aw! Alis na’t masakit.” Palag niya sabay kislot ng katawan upang alisin nito ang mga kamay sa kanyang mga balikat. “Pwede namang thank you lang nananakit pa.”
Tumawa ito sabay suntok sa hangin paitaas.
“Aba! Mukhang pati future ng Kapatid mo naplano mo na Anak ha.” Puri ng Mommy niya sabay tulong sa kanya na mag-compile ng ibang papel.
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomanceMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...