Chapter 4: Her Online Friend

1.1K 11 0
                                    

        “Good morning Manong!” Masiglang bati ni Cassandra sa Guard nang pagbuksan siya nito ng malaking glass door.

            Napatingin sa paligid ang Guard upang marahil ay kumpirmahing siya nga ang binati niya.

            Nagpatuloy ang tila namamasyal na paglalakad niya papasok. Nagsu-sway pa ang isa niyang kamay habang ang isa’y tangan-tangan ang paborito niyang Orange Hermes Bag.

            “Good morning!” Bati niya sa mga nakakasalubong na empleyado.

            Hindi malaman ng mga ito kung paano sila sasagot sa kakaibang kilos ng terror nilang boss. Ang ilan ay tila nanigas sa pwesto habang ang iba ay di mapigilang mapabulong sa kausap sa himalang nakita.

            Blooming si Cassandra. Sa liwanag ng damit niyang Yellow, daig pa niya ang araw. Masaya siya at hindi niya iyon maitatanggi. Aminado siya na ngayon lang niya nasimulang pumasok ng Opisina na may ngiti sa labi.

            Huminto siya sa Elevator at doo’y naabutan na naman niyang nakatayo sa harapan ang dalawang tsismosang nakaaway niya kahapon.

            Napansin ata ng dalawa na may tao sa likod kaya agad siyang nakita.

            “Ma’am... sige po, una na kayo.” Ang nangliliit sa takot na paubaya ng isa.

            “No. Sabay-sabay na tayong sumakay. Ang laki-laki ng Elevator para ako lang ang makinabang. Kasya tayong tatlo diyan.” Malumanay niyang sabi.

            Nagkatinginan ang dalawang babae at natamemeng humarap muli sa pintuan ng Elevator.

            Ilang saglit pa’y bumukas na ang pintuan. Walang laman iyon kaya dire-diretso silang pumasok sa loob. Pasara na sana ang pinto nang may limang gusto sanang humabol.

            Napahinto sila sa pagpasok nang makita siya sa loob.

            “Ahm..... sa next na lang po kami.” Sabi ng isang lalaking hindi yata marunong kumilala ng suklay sa sobrang gulo ng buhok.

            “Sumakay na kayo. May space pa.” Aniya sabay usod sa may dulong bahagi para makapasok sila.

            “Seryoso po kayo?” Tanong ng isang babaeng puputok na ang uniform sa sobrang laki ng tiyan.

            “Oo naman.”

            Nagtinginan muna ang lahat bago nagsimulang pumasok. Nang sumara ang pinto’y nagsiksikan ang iba sa gilid palayo sa kanya.

            “Ano ba kayo? Wala naman akong sakit kaya bakit kayo umiiwas?”

            Napayuko ang ilan habang ang iba’y awkward smile ang binigay sa kanya.

            “Hay naku, para namang hindi tayo magkakatrabaho niyan. Hindi ba’t ang motto ng Network natin ay WORK AS A TEAM, SUCCEED AS ONE? Huwag na kayong mahiya.”

            Bahagyang lumakad papalapit ang ilan. Ilang segundo ring natahimik ang paligid.

            Napatingin sa kanyang kanan si Cassandra. Katabi niya ang lalaking gulo-gulo ang buhok.

            “Nagmadali ka bang pumasok? Late ka na ba?” Usisa niya sa lalaki.

            “Ahm.....hindi naman po.” Nahihiya nitong tugon sabay ayos sa damit.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon