Chapter 9: Meeting Charlie

963 9 0
                                    

         “Ate si Johnny to!”

        Nagising si Cassandra sa boses ng kapatid niya at sa panay na katok nito sa pinto.

        Tinanggal niya ang malambot na puting unan sa kanyang mukha at naniningkit na tinignan ang sinag ng araw sa kanyang bintana.

        Patuloy sa pagkatok sa pinto ang kanyang kapatid. Hindi siya makasagot dahil nakalutang pa rin ang kanyang isipan dala ng antok. Napapunas siya ng mukha gamit ang kanyang kamay at saglit na dinaing ang pananakit ng kanyang ulo.

        “Ate. Gising na!”

        Bumuntong hininga siya habang tinitignan ang pintuan.

        “Istorbo naman.” Bulong niya sabay upo at pagdabog na binaksak ang mga kamay sa kumot na nakabalot sa kanyang mga hita.

        “Pasok!” Naiinis niyang utos.

        “Morning! Tanghali na ah. Eight thirty na, wala ka bang pasok?” Bungad ni Johnny na umupo sa maliit na study table area katabi ng kanyang kama.

        “Hindi muna ako papasok ngayon. Late na kami natapos sa meeting kagabi. I can’t go to work early today. Feeling ko hindi ko kakayanin. Baka makatulog lang ako sa opisina.” Dahilan niya na muling sinapo ang ulo.

        “Ganun yata talaga pag nagkakaedad na ano? Hindi na kayang magpuyat.”

        Mabilis na nanlisik ang mga mata niya sa kanyang kapatid. Nakita niyang ngumingisi ito.        

        “May edad pala ha.” Dinampot niya ang kanyang unan at binato iyon kay Johhny.

        Hindi kalakasan ang naging pagbato niya marahil ay dala ng kanyang antok kaya madali itong nasambot ni Johnny.

        “Oh bakit? Totoo naman di ba? Wala ka na kaya sa kalendaryo.” Ang natatawa nitong tugon.

        Napanguso siya sa inis. Alam talaga ng kapatid niya kung anong ipang-aasar sa kanya. Ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang kanyang edad. Hindi niya mawari pero nakakaramdam siya ng lungkot kapag naririnig ang number na thirty two.

        “Teka, bakit ginabi ka na ng uwi. Matagal na noong huling nag-overtime ka sa trabaho mo. Anong nangyari?” Usisa nito sabay kalikot sa mga papeles niya sa study table.

        Parang mas lalong sumakit ang ulo niya nang ipaalala ng kapatid niya ang mga problema niya sa opisina.

        “May lintik na sumisira sa amin. May traydor na nag-leak ng mga confidential concepts namin at nakuha lahat iyon ng kalaban. Naku, kapag nalaman ko ang siraulong traydor na iyon, pupulbusin ko siya ng suntok.” Himutok niya sabay pakita ng kanyang kamay na unti-unti niyang tinutupi hanggang sa maging kamao.

        “Hinay hinay ka lang. Lalo kang tatanda niyan.” Muling asar nito.

        Mabilis siyang kumilos papunta sa pwesto ni Johnny at piningot ang tenga nito.

        “Hindi ka ba talaga titigil? Hindi mo ba alam ang kasabihang magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising?”

        Dumaing ng sakit si Johnny ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa. “Tama na. Oo na. Hindi na po. Hindi na.”

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon