Chapter 10: Charlie Meets Stefan

739 5 1
                                    

        Parang isang alarm clock ang utak ni Charlie nang magising siya nang saktong 7 am. Sa loob ng maraming taon ng ganitong routine, marahil ay nasanay na ang utak niya.

            Mabilis ang naging pagkilos niya. Agad siyang naligo at pagkatapos ay saglit na pinlantsa ang kanayng susuoting Polo. Ang sabi daw kasi ng Boss nila ay may darating na bisita sa Opisina kaya kailangan niyang manamit nang maayos.

            Hindi kalakihan ang bahay niya. Matagal na itong nabili ng Stepfather niya. May dalawang kwarto, isang banyo at maliit na mga sala at kusina. Wala namang kaso sa kanya ang ganitong kaliit na bahay dahil masaya naman sila noon ng kanyang Nanay, kinilalang Tatay at namayapang kapatid na si Jericho pero iba na ang lagay ngayon. Pakiramdam niya’y sobrang laki nito para sa kanya.

            Kinandado niya ang pintuan bago bumaba ng malaki at lumang kahoy na hagdan.

            “Oh Pare. Ayos ah. Papasok ka na?” Tanong sa kanya ni Baste nang makasalubong niya ito sa may Poso.

            “Oo Pre. May bisita daw sa office. Kailangang mag-ayos.” Paliwanag niya habang inaayos ang manggas ng kanyang polo.

            Tumango si Baste habang binobomba ang poso.

            Dumeretso na siya sa may main road kung saan ay nakasalubong niya si Agatha.

            “Hi. Charlie.” Mahinhing bati nito.

            Ngumiti lang siya. Hindi siya sumagot dahil ilang siya sa baabeng ito. Well, hindi naman ganito ang pakikitungo niya noon kay Agatha. Nagsimula lang mag-iba noong umamin itong may gusto ito sa kanya. Magkababata sila at kaibigan lang ang turing niya dito kaya mahirap tanggapin para sa kanya ang pag-amin nito.

            “Papasok ka na?”

            Tumango lang siya sabay bigay ulit ng awkward smile. Ramdam niyang nailang rin ito dahil saglit na tumingin si Agatha sa malayo.

            “Charlie, kalimutan mo na ang mga sinabi ko noon. Alam ko na nagpagulo sa’yo ang mga pinagtapat ko. I’m sorry. Hindi ko intensyon na maging mahirap sa’yo ang lahat.”

            Saglit siyang natigilan. Hindi niya alam kung anong itutugon dito sa paghingi nito ng tawad. Kung tutuusin, maganda at mabait naman si Agatha. Wala kang maiipintas dito pero wala talaga siyang nararamdaman para sa kababata.

            “Wala kang dapat ika-sorry. Hindi naman kasalanan ang magsabi ng totoo kaya lang....” Saglit siyang tumigil at tinitigan ang kaibigan. “Hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi mo. Bawat pagkikita natin, nagkakaroon na ng meaning. Lahat may malisya na. Sana maintindihan mo kung bakit umiiwas ako sa’yo.”

            Marahang tumango si Agatha at hinawi ang nagugulong buhok dala ng malakas na hangin.

            “Naiintindihan ko. Sana lang huwag magbago ang pagiging magkaibigan natin. Kahit iyon man lang.”

            “Oo naman. Mga bata pa lang tayo, tunay na kaibigan ang turing ko sa’yo. Hindi iyon magbabago.” Nakangiti niyang assurance dito.

            Di nagtagal ay huminto ang jeep sa tapat nila.

            “Alis na ako.” Paalam niya na tinanguhan ng dalaga.

            Naging balisa siya pagkasakay niya ng Jeep. Alam niyang nasaktan si Agatha sa sinabi niya. Kabigan niya ito at kahit kailan, wala siyang intensyong saktan ito. Gayun pa man, wala siyang maisip na tamang paraan para sabihin na wala siyang pagtingin para kay Agatha. Kung nagsabi ito ng totoo noon, dapat totoo rin ang sabihin niya.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon