Chapter 24: The Past Returns

723 6 0
                                    

Ilang buwan na rin ang nakakaraan ng mag-propose si Stefan kay Cassandra. Kapag naiisip niya ang gabing iyon, panaginip pa rin ang turing niya doon. Hindi pa rin siya makapaniwala. Parang sasabog ang puso niya sa tuwa.

Sa pagkakataong ito, siya na ang pinakamasayang babae sa mundo. Kuntento na siya at wala na ring maisip na malaking bagay na hinihiling pa sa buhay.

            Ngunit bago pa man niya makuha ang happy ending na ninanais niya, kailangan niya munang magtiis sa paghihintay sa Annullment nina Stefan at Elizabeth. Tatlong taon na lang naman ang kailangan niyang bilangin pero hindi niya maitatanggi na hindi na siya makapaghintay. Para siyang isang runner na nauuhaw sa finish line.

            Gusto niyang isigaw sa mundo na ikakasal na siya. Gusto niyang malaman ng lahat na may lalaking handa siyang pakasalan at hindi na siya tatandang mag-isa tulad ng inaasahan ng iba pero ang malungkot na katotohanan na kailangan niyang tanggapin ay walang ibang taong dapat makaalam ng bagay na ito.

            Walang makakaintindi sa kanila ni Stefan. Alam niya na sa mata ng lahat, imoral siya’t maninira ng isang Pamilya.

            Ang sakit isipin na ang isang napakasayang yugto sa buhay niya’y kailangan niyang sarilinin. Maski ang Pamilya niya’y hindi niya magawang pagsabihan. Hindi niya kaya dahil nasisiguro niyang magiging kumplikado lang ang lahat.

            Isa pang alalahanin niya ay si Charlie. Maraming beses na niyang sinubukang sabihin dito ang lahat sa tuwing nagkikita sila pero pinangungunahan siya ng takot. Ang Online friend niya ang numero unong umo-oppose sa kanilang relasyon kaya batid niyang negatibo ang sasabihin nito pag nagkataon.

            Napagpasyahan na lang nila ni Stefan na ia-announce na lang nila ang kanilang engagement kapag na-annull na ito kay Elizabeth. Sa ganoong paraan, less na ang dapat niyang harapin na problema.

            Sa ngayon, back to work mode siya. Marami siyang dapat asikasuhin sa Kumpanya. She can’t afford to be lazy dahil malaki ang responsibilidad niya bilang Executive Vice President for Entertainment Operations. Higit sa lahat, kailangan pa rin niyang kumita ng pera.

Pinirmahan niya ang lahat ng papeles sa kanyang mesa. Agad niya iyong tinupi at nilagay sa dulong harap.

            “Dalhin mo na iyan kay Roxanne. Kailangan na niya iyan ngayon.” Utos niya kay Thess habang inaayos ang ilang laman ng drawer niya.

            “Opo.”

            Hindi pa man naaabot ng kamay ni Thess ang mga folder, napalingon ito sa pinto nang makarinig ng mahinang katok. Agad naglakad ang sekretarya at binuksan ang pintuan.

            “Who is it?” Aniya matapos maayos ang kanyang drawer.

            “Ako ito Friend.” Sabi ni Roxanne na dire-diretso nang pumasok sa loob at agad umupo sa client’s chair.

            “Anong kailangan mo? Ipapaabot ko na sana kay Thess ang mga papers na ito sa’yo.” Usisa niya sabay turo kay Thess na nasa labas na ng opisina niya’t maingat na sinasara ang pinto. “Tutal nandito ka naman na, kunin mo na iyan.”

            “Hay naku friend, huwag mo na munang problemahin iyan. Madali lang iyang mga papel na iyan. Ang dapat mong problemahin ay ang finale show ng Greatest Warrior.” Sabi nito na may pagkayamot at taranta sa boses.

            “Huh?”

            Ang Greatest Warrior ay ang Reality Show nila na ang mga Contestants ay binubuo ng dalawampung Martial Arts fighters na dumadaan sa kakaibang challenges and Moral issues. Isa ito sa mga shows na may pinakamataas na rating sa kanilang weekend primetime block.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon