“Kita mo iyan?!” Tanong ni Sir Alfredo nang may ibato ito sa mesa malapit sa pwesto ni Cassandra.
Kinuha niya ang papel at binasa iyon. Isa itong Review tungkol sa show ni Charlotte.
“Napakababa ng ratings ng show ni Charlotte, Cassandra. Eight percent! Saan ka nakakita ng isang Primetime show na may Eight percent rating? Sa cartoons lang iyon at pang-midnight show! Ito pa ang malala, hindi ba’t kabilinbilinan ko na gawing thirty minutes lang ang airtime ng show niya? Bakit naging forty five minutes iyon?”
“Ah....sir, kasi po napag-meetingan po namin kasama ng mga Program Managers at Associate Producers ng show na huwag na pong baguhin ang Airtime ng show. Isang buwan na lang naman po ang hinihintay natin. Hayaan na lang po nating matapos ang show niya sa original plan nito.” Paliwanag niya sabay balik ng report sa mesa.
“Oo isang buwan na lang pero nalulugi na tayo sa kanya imbes na kumita.” Himutok ni Sir Alfredo sabay kinuha muli ang papel, binuklat ang pahina at may pinakita ulit sa kanya. “Kita mo ba diyan, sa forty five minute run ng show niya, may six gaps at sa six gaps na iyon, tigda-dalawa lang ang ads. This is an epic fail! Record breaking ito sa lahat ng Primetime shows sa lahat ng Networks.”
Bumuntong hininga siya. “Pero sir, wala ho tayong magagawa kundi sundin ang nakasaad sa contract ni Charlotte. Kailangan natin siyang bigyan ng at least one show a year spanning to three months. Alam ko po na basura sa rating game at sa finances natin ang show niya pero tali po ang kamay ko. May kontrata Sir Alfredo and I have to follow it.”
Sumandal si Alfredo sa kinauupuan nito at bahagyang ginagalaw pakanan at pakaliwa ang silya. “Malaking sakit sa ulo at bulsa si Charlotte. Ilang taon na akong sine-sermunan ng Board dahil sa negative effect ng mga issues niya sa kumpanya. Maraming taon na siya ang mukha ng Station natin kaya automatic na damay tayo sa mga kasiraan niya. Naaalala mo pa ba noong nahuli siya ng Pulis with cocaine?”
Tumango siya. Naalala niya kung paano bumulusok pababa ang ratings ng kasalukuyang show noon ni Charlotte na isang Religious themed drama show. Ilang buwan rin silang binatikos ng tao.
“Noong pumutok ang isue na iyon, halos iyon ang laging tinatanong ng mga kasamahan ko sa Polo Club. Nakakahiya! I think we reached the end for her career, Cassandra.”
Napatuwid siya ng upo. Alam niya kung anong pakahulugan nito.
“Sir.” Mahina niyang sabi sending a signal to her boss na alam na niya ang gusto nitong mangyari.
“Tinanong ko na ang Legal team natin about her contract. Patapos na pala iyon next month kasabay ng show niya. I decided not to renew her contract.”
Napayuko siya sa narinig. Hindi man siya si Charlotte, nakaramdam siya ng sakit at pagkalungkot sa narinig.
“Bakit? Ayaw mo bang tanggalin ang pasaway na iyon?”
“Sir.....” Saglit siyang tumigil to find the right words. “Noong nagsisimula pa lang tayo sa plano nating umarangkada sa Rating game, siya ang pinakamabilis na pumayag na gumawa ng show sa atin. Siya ang nagpa-number one sa FBC Sir. Marami nang pinagdaanan ang Creative team ko with her at masakit para sa akin na bigla na lang natin siyang bibitawan.”
BINABASA MO ANG
Cassandra's Second Chance
RomanceMeet Cassandra feira. Mayaman, maganda, sexy, matalino, sofistikada, at may sinasabi sa lipunan. Ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya ay BITCHERA. Bitch na etchosera. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, puno ng kalungkutan at kasawian ang kanya...