Chapter 48: Love Until The End

1.1K 20 9
                                    

“Ma’am Cassandra ready na po sina Direk. Naka- stand by na rin po ang mga Artista natin.” Ang masiglang bungad sa kanya ni Thess nang dumungaw ito sa Control room truck kung saan siya nakasakay.

            “Sige. Bababa na rin ako, mayroon lang akong iche-check.” Nakangiti niyang tugon sa matapat na sekretarya na ikinatango naman nito bago lumisan.

            Binalik niya ang kanyang tingin sa mga Monitors sa kanyang harapan. Siniguradong tama ang timpla ng kulay sa mga Screens at tama ang anggulo ng mga Cameras.

            Limang Taon na ang nakakaraan nang suungin niya ang pinakamalaking dagok sa kanyang buhay. Ang buong akala niya’y hindi na siya makakabangon ngunit heto siya’t matatag at matagumpay pa rin sa bagong mundong kanyang ginagalawan.

 Sa ngayon, nagtatrabaho siya para sa LivFashion Cable Channel. Inalok siya ng bagong tatag na Cable Network na ito ng isang magandang posisyon upang makatulong na bumuo ng mga makabagong programa. Mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang kanyang swerte bilang Executive Producer at lahat ng mga shows na i-launch nila ay nagpa-shake ng Cable TV Ratings. It somehow surpasses some free to air shows’ ratings. Breakthrough ito at nagpapsalamat siya sa Diyos na naging maganda ang resulta ng kanyang pagtanggap sa trabahong ito.

            Kinuha niyang muli ang serbisyo ng kanyang pinakamamahal na Sekretarya. Nang maisipang magbalik trabaho, pinahanap niya si Thess dahil natitiyak niyang mas mapapagaan ang lahat kapag ito ang kanyang katuwang. Mabuti na lamang at pumayag agad ito at mabilis na pinakawalan ang trabaho sa isang Law Firm para lamang makasama siya.

            Kung ikukumpara niya ang posisyon niya ngayon bilang isang Executive Producer sa pagiging EVP niya noon sa FBC, masasabi niyang mas mahal niya ang trabaho niya ngayon. Dito, less ang stress at smooth sailing ang trabaho. Mababait ang kanyang mga staff at iisa ang kanilang taste pagdating sa programa.

            Sa totoo lang, hindi niya akalaing magkakasundo pala ang personalidad niya at ang Fashion Industry. Marami pala siyang alam sa linyang ito.

            Saglit siyang dumungaw sa labas ng Control Room Truck upang tignan ang paligid. Marami pa ring mga Setmen na nag-aayos ng mga kable at props doon. Maging ang ilang Staff ay paikot-ikot pa rin sa paligid. Marahil ay may mga final touches na lang at ready to go na ang shoot.

            “Ma’am! Good morning!”

            Napatingin siya sa gawing kanan nang makita si Ms. Reyes, ang dating Manager ni Charlotte. Buhat nang mag-retiro sa Showbiz si Charlotte upang ipagpatuloy ang Rehab nito sa Amerika, siya na ang sumalo kay Ms. Reyes. Batid niya ang dedikasyon nito sa trabaho kaya naisip niya na maaari niya itong kunin bilang Talent Coordinator.

            Sa ngayon, wala na siyang balita kay Charlotte. Ang huli niyang narinig, nakalabas na ito sa pang-apat na Rehab Center sa US. Hindi niya maiwasang manghinayang sa kinahinatnan nito. Para sa kanya, si Charlotte pa rin ang pinakamagaling na Artistang nakatrabaho niya. Umaasa na lang siya na magbabago na ito ng tuluyan at makapagsimulang muli.

            Kumaway siya kay Ms. Reyes nang may matamis na ngiti. Pinanood niya itong maglakad patungo sa isang Blue Tent kung saan namamalagi ang mga Artista nila.

            Bumalik siya sa kanyang Silya sa tabi ng kanilang Editor.

            “Ayos na ba ang lahat?”

            “Opo Ma’am. Pwede na po tayong mag-start.” Tugon ng lalaki sabay balik sa mga button na pinipindot.

            Napatango siya sa contentment sabay tingin sa kanyang harapan sa may gawing mesa. Nakita niya ang nakapatong doon na dyaryo. Agad niya iyong kinuha at binasa ang Frontpage ng Business section.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon