Chapter 7: Online Dare

804 8 0
                                    

        “Mag-ingat ka doon ha?” Bilin ni Cassandra kay Stefan sa kabilang linya habang nababa siya ng hagdan. Wala siyang pasok kaya sa bahay muna siya.

            “Huwag kang mag-alala. Ilang araw lang naman ako sa Macau kaya makakauwi rin ako.” Ang malambing na tugon ni Stefan.

            “Eh.... minsan na tayong naghiwalay Stefan, ayoko nang maulit pa iyon. Masisisi mo ba ako kung mag-alala ako sa pag-alis mo?” Malungkot niyang sabi habang tinatahak ang daan patungo sa Dining room.

            “Huwag ka nang matakot. Hindi na kita iiwan at lalong hindi na ako mawawala sa’yo kaya huwag ka na masyadong mag-isip pa.”

            “Ikaw naman kasi. Bakit kasi ayaw mo pa na ako ang maghatid sa’yo diyan sa Airport? Wala naman akong trabaho ngayon kaya free ang sched ko.” Himutok niya sabay upo sa Dining table.

            “Alam ko pero ayoko nang abalahin ka pa. Ngayon ka lang makakapagpahinga sa dami ng trabaho mo kaya gusto ko mag-relax ka na lang diyan sa inyo. Kaya ko naman ang sarili ko.”

            Hindi maiwasan ni Cassandra ang mapabuntong hininga. “Sige na. Baka ma-late ka pa sa flight mo. Ingat. I love you.”

            “I love you too. See you next Saturday.”

            Nakangiti niyang binaba ang cellphone. Nakaramdam siya ng kasiyahan sa puso nang maisip na mayroon siyang lalaking hihintaying umuwi. Matagal na buhat nang makadama siya ng ganito. Ilang taon na rin kasing wala siyang pakilalam sa mga taong nagpapaalam na aalis pero ngayon, para siyang nanonood ng teleserye na hinihintay ang muling pagbabalik.

            Napatingin siya sa pintuan ng Dining room nang pumasok ang Mommy niya.

            Tumingin ito sa kanya at dire-diretsong umupo sa harapan niya.

            Hindi sila nag-uusap dahil hindi sila sanay. Kung ang ibang mag-ina’y sanay na mag kwentuhan tungkol sa buhay-buhay, ibahin niyo sila. Para silang dalawang magkaibang taong hindi magkakilala. Ilang sa isa’t isa.

            Nagsipasukan sa loob ng Dining room ang ilang mga kasambahay dala ang mga almusal.

            “Nasabi sa’kin ni Inday na basang-basa ka raw na umuwi kagabi. Bakit? Anong nangyari sa’yo?” Wika ng Mommy niya habang kumukuha ng itlog sa isang malaking plato.

            Matalim siyang napatingin kay Inday na abala sa paglalagay ng Orange juice sa baso niya. Naiinis siya sa pagiging tsismosa’t pakialamera nito. Nakita ng katulong ang tingin na iyon dahilan para manatili itong nakayuko.

            “Nabasa kasi kami ng ulan kagabi.” Malamig niyang tugon.

            “Ang trabaho mo. Baka naman napapabayaan mo na.”

            Napatingin siya sa Mommy niya. Nahiwagaan siya sa tono ng pananalita nito. Hindi kasi pa-sermon ang paraan ng pananalita nito kundi isang boses na tila concern sa kanya.

            “Hindi po. Kaya ko namang i-supervise ang trabaho ko kahit na nandiyan si Stefan.”

            Hindi sumagot ang kanyang Ina at abala sa pagkuha ng Sinangag.

            Hindi niya maiwasang mapangiti. Napapansin niyang nitong nakaraang mga araw ay unti-unti nang nag-iiba ang ugali ng Mommy niya. Change for the better naman.

Cassandra's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon