Simula

1.3K 33 37
                                    

Simula

First Impression

Napasabunot ako sa ‘king buhok ng marinig ko ang nakaka-irita at panirang tunog ng alarm clock na nasa tabi ng aking higaan. Naramdaman kong may mga mutang nasama sa ‘king itaas na mata ng imulat ko na ito. Kinusot ko ito ng kaunti upang matanggal ito.

            Tinatamad akong bumangon, kinuha ang alarm clock at pinangigilan, habang tumatayo ako’y sinarado ko uli ang aking mata. Pero nang ito’y buksan ko ay literal akong nagulat at napahiyaw—akala ko halimaw. Na-ibato ko ang alarm clock sa halimaw—esteng tao na nasa harapan ko at nanlaki ang mata ko nang nakita kong ‘yong ina ko pala ang halimaw—este tao na natamaan ko.

            “Ano ba ‘yan, anak. ‘Di ka marunong mag-ingat. Walang hiya ka. Pa’no na lang kung  masayang ‘tong beauty ko na ‘to?” pagmamaktol niya at hinawakan pa ‘ko sa braso, pero agad ko itong ipinakawala at umirap. Nababaliw na namana ng ina ko. Mukhang kailangan ko na talagang ipa-mental.

            “Ma’ naman, ilang beses ko na po bang sabihin sa inyo na huwag na po uli kayong magsasalita ng mga ganiyang kataga kasi lumalakas lang ang hangin?!” bulyaw ko sa ina ko at dumiretso na sa baniyo, malakas ko itong sinarado na narinig ko pa ang hiyaw ng aking ina—mukhang nagulat.

            “AFAMELA JENINA KLONITA—ESTE ANINA!” sigaw ni ina. Napasapo na lang ako sa noo ko, alam kong nangaasar ‘yan kasi alam naman niyang ayaw kong natatawag ako sa buo kong pangalan. Sapat na ang Anina.

            Nang matapos ito ay nag-ispiya muna ako dahil baka nandiyan ang inay ko, pero natuwa ako nang wala na. Iniligpit ko na ang gamit ko at bumaba ng maalala kong may appointment pa pala ako sa boss ko. Kailangan kong mag-apura dahil hindi ganito kadali ang trabaho ko kahit isang hamak na ekstra lang ako.

            Isa akong artista—pero sandali, hindi ‘yong artista na bumibida sa mga palabas, pelikula o kung ano man ang pumapasok sa inyong isipan. Isang hamak na ekstra lang ako, ‘pag nakatrip-an lang tsaka ako isasabak. Pero hindi ko ito pinagsisihan marahil dahil dito naging masaya ako at syempre, pratically, nagkakapera na rin ako.

            Habang nagdadrive ako ay ilang beses akong napamura at napabusina dahil sa sobrang katraffic-an ng daan, halos hindi na umusad ang bawat kotseng naririto ngayon. Sumigaw ako sa loob ng kotse ko. Naiinis ako dahil baka mapagalitan ako dahil late ako.

            Wala pang ilang oras ay nakarating na ‘ko sa opisina namin, nagmamadali kong in-off ang kotse, kinuha ang susi at ang bag ko, tumakbo na ‘ko sa looob na halos madapa na ‘ko, binati ako ng ibang staff pero hindi ko na sila pinansin dahil nag-a-apura ako.

            Tumingin ako sa elevator, nakita kong pasarado na ito pero ‘di ako papatalo dahil siguradong matagal na uli ito baba kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko papunta roon.

            Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay naka-abot ako pero dahil masyado akong nagmadali ay nadapa ako at naisama ko ro’n ang lalaking tahimik na naka-earphone lang, nadaganan ko siya at natanggal niya agad ang kaniyang earphone, halata sa mukha niya ang pagkakagulat.

            Nahihiya akong tumayo, magsasalita pa lang sana ako ng biglang tumunog ang elevator, hudyat na nandito na. Tumakbo na ‘ko papunta sa silid na sinabi ng aming boss.

            Ipinangako ko ngayon sa sarili ko na hinding-hindi na kami magkikita dahil sa kahihiyan na naidulot ko.

            Nang makarating ako ro’n ay kinamayan agad ako ni boss, nagtaka ako sa inasal niya, madalas naman kaming magkita pero ba’t ganito ang kaniyang ini-asal? Nakangiti siyang kumindat sa ‘kin at pinaupo ako.

            “O, ano na ba me’ron?” naiiritang tanong ko sa kaniya dahil paniguradong isa na naman akong hamak na ekstra ipapatawag pa ‘ko?

            “Sandali, hintayin mo ang iyong partner.” Napa-‘huh?’ ako sa kaniyang sinabi pero hindi niya iyon pinansin.

            FAMOUS KA? KUNG MAKA-SNOB KA, A.

            Kahit kinukulam ko na ang boss ko sa loob-loob ay nginitian ko na siya ng pagkatamis tamis na gusto ko siyang agkaroon ng diabetes. Pakyu po.

            Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, “Andiyan na pala siya.” Usal ni boss, tumingin ako sa likod at napaatras ako.

            Siya ‘yong lalaki sa elevator. . .

            “Ayan! Magkamayan at magpakilala muna kayo sa isa’t-isa.” Nanginginig akong lumapit sa kaniya at nakayukong ngumiti.

            “A-Ako si Afamella Jenina Klonita but call me Anina.” May pagkanginig sa bawat katagang binbigkas ko. “Pasensiya na nga pala sa kanina.”

            “Oh, it’s nothing. Ako ang may kasalanan kasi hindi ko ‘yon napansin, by the way, I’m Kluney Cortez.” Hinawakan niya ang kamay ko at mas lumakas ang pintig ng puso ko…masyadong kaba na ‘to.

            “Guys, you’re gonna be the lead roles in upcoming movie, Anina, it’s your first time. We’re gonna be working with Director Sean and TimeHopper productions!” nagagalak na wika niya.

            Nasiyahan at nasabik ang puso ko sa sinabi niya…finally! I’ll be leading, too!

            “Magiging love team kayo.”

            “Magiging love team kayo.”

            “Magiging love team kayo.”

            “Magiging love team kayo.”

            Paulit-uli na bumagabag sa isipan ko ang mga katagang iyan at panandaliang nahilo.

            Ang hirap ‘ata nito.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon