Prologue

4.4K 65 5
                                    

Jake's POV

Wala ako kahit anong dahilan kung bakit ako pumasok sa pagiging agent ng NBI. Hindi ko rin alam kung bakit pero masaya ako sa pagiging agent ko. Alam ko rin na dapat nag gagamot ako ng tao, hindi ang pumapatay ng tao pero hindi naman inosente ang mga taong kinakalaban namin.

Isa ako kilalang doctor sa labas ng head quarter na ito. At kung hindi ako nagkamali sumali ako sa pagiging agent when I was 25.

Marami na nga rin ako nasaksihan sa mga kasamahan ko. Kung paano na in love ang katulad ni Kurt kay Eunice, humingi pa ako ng tulong noon kay Zion para lang makausap ko si Eunice dahil ayaw kong makitang nalulungkot isa sa mga kaibigan ko. Sila kasi ang pamilya ko rito pero may pamilya rin naman ako sa labas.

Nakonsensya kasi ako sa nangyari dahil alam ko ako ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Kurt. Dahil sa isang katuwaang bet at hindi ko naman inaasahan tatamaan ng palaso ni kupido ang isang katulad ni Kurt na ayaw pumasok sa isang relasyon.

Minsan na nga lang ako umuwi sa bahay pero nabalitaan kong buntis ang nagiisang kapatid ko. Paano nangyari iyon? Alam kong may boyfriend siya at ayaw kong isipin ang boyfriend niyang panget ang ama noon. Sayang ang lahi namin sa pagkakataon.

"Hi, sis." Nakita ko si Eina nakaupo sa sofa habang pinapainom niya ng gatas ang anak niyang si Isaac. Dalawang taon na ang lumipas at mabuti na lang hindi ang boyfriend ni Eina ang ama nito pero hindi alam ng kapatid ko kung sino.

"Nakauwi ka na pala, kuya." Nakangiti sa akin ang kapatid ko at umupo na ako sa tabi niya.

"Nakita mo na ba ang ama ni Isaac?"

"Hindi pa nga. Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula. Ni pangalan nga niya hindi ko alam, kuya."

Nasaan na ba ang tarantadong lalaking iyon? Bubuntisin niya ang kapatid ko tapos hindi magpapakita. Kapag nakilala ko kung sino ang nakabuntis kay Eina ay malilintikan siya sa akin.

"I have to go." Sabi ko sabay tayo sa sofa.

"Pero kakarating mo lang."

"Marami pa ako kailangan gawin sa ospital ngayon." Pagsisinungaling ko sa kapatid. Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa kanila na hindi lang doctor ang ginagawa ko sa buhay dahil ayaw ko kung pati sila ay mapahamak. Kailangan ko rin protektahan ang pamilya ko sa labas ng head quarter.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng head quarter ay rinig na rinig ko na agad ang boses ng mga kasamahan ko. Ang iingay nila.

"Nandito ka na pala, Jake." Bungad ni Neil sa akin. Si Neil kasi ang pinaka maingay sa grupo.

"Bakit? Ano meron?" Lumapit na ako sa kanilang lahat.

"I'm glad you're here, agent Suarez." Sabi ni Kurt habang nakaupo ito sa harap ng desk niya.

"Bakit, Kurt?"

"May ibibigay akong misyon sayo." May folder siyang nilapag sa desk niya kaya agad ko naman iyon kinuha.

Binasa ko ang mga nakasulat sa folder pero kumunot ang noo ko at inangat ang tingin kay Kurt.

"Hindi ba ito yung misyon ni Mig na hindi natapos noon dahil sa nangyari sa kanya?"

"Oo, Jake at nakatanggap ako ng emergency na may kinalaman na naman sila sa pagpatay." Sagot ni Zion.

"Bakit ako? Bakit hindi na lang ulit si Mig?"

"Gusto mo na ba ako matulu--" Hindi natapos ang sasabihin ni Miguel dahil binato siya ni Kurt ng ballpen.

"Don't ever say that. Walang mamatay sa inyo kung marunong lang kayo magingat. Alam niyo naman kailangan natin maging alerto sa bawat misyon natin. Hindi natin alam kung kailan aatake ang mga kalaban." Galit na naman ang lolo namin. Kailangan ko bang tawagan si Eunice para kumalma si Kurt? Alam ko naman si Eunice lang ang nagpapalambot ng puso ng taong ito.

"Hello, Eunice." Napatingin kaming lahat kay Rocco habang nasa tenga niya ang kanyang phone.

"Aba, gago ito. Bakit mo naman tinatawagan si Eunice ah, Rocs?" Inis na tanong ni Kurt.

"Binibiro lang kita, bro. Wala naman akong contact number ng girlfriend mo kaya malabong tatawagan ko siya."

"Ako. Meron akong number niya." Sabi ko sabay lapit kay Rocco. "Gusto mo bang makuha sa akin?"

"Sige ba. Para naman matawagan minsan."

"Mga gago!" Napatingin kaming lahat kay Kurt kaya nagsitawanan na kami sa itsura niya. Halatang galit na galit sa ginagawa namin ngayon. Wala naman kaming balak agawin ang girlfriend kung sino man ang may relasyon sa grupo. Sina Kurt at Zion lang naman ang may girlfriend sa grupo. Si Rocco wala ng balak maghanap ng bagong asawa dahil si Daisy lang daw ang kailangan niya sa buhay. Ako naman, wala. Single pero bago pa lang ako pinanganak ay pinagkasundo na ako ng mga magulang ko sa isang babae na hindi ko pa nakilala. Ang akala nga ng mga kasamahan ko ay nagiimbento lang ako ng kwento.

"Sige, kukunin ko na ang bibigay mong misyon sa akin."

"Good." Kumalma na ang boses ni Kurt ngayon. Ibig sabihin nagiba na ang mood niya. Bipolar talaga ang lalaking ito kahit kailan. "Nandito ka na rin naman. Z, yung mga kailangan ni agent Suarez."

Tumayo na si Zion at lumapit sa akin para nilapag ang isang lalagayan ng iba't ibang klase ng baril sa desk ni Kurt.

"Zion, alam mo naman wala dito ang kailangan ko." Pagrereklamo ko. Isa kasi akong sniper sa grupo namin at ang kaya kong patayin ang target ko sa 150 yard ang layo.

"Siyempre hindi ko naman makakalimutan yun." May inabot siya sa akin kung ano talaga ang kailangan kong baril at binigyan din niya ako ng earpiece. "Buksan mo lang ang GPS mo para malaman ko ang location mo, Jake."

"Okay. No worries. Saan ko matatagpuan yung target ko?" Tumingin ako kay Kurt na ngayo'y tahimik na siya.

"Nasa Baguio ang target ngayon. Pero magiingat ka dahil maraming tao ang nagbabakasyon ngayon doon kaya mahihirapan kang patayin ang target natin." Sagot naman niya sa akin. Isang taon na ang lumipas noong naging misyon ni Miguel ito pero nandoon pa rin siya sa area na iyon. Tsk. "At sigurado akong babalik siya ng Ifugao."

"Okay. Alis na ako para magawa ko na ang misyon." Kumuha pa ako ng isa pang baril kahit ayaw ko gumamit nito. Just in case lang. Nilagay ko na sa may beywang ko ang baril.

"Good luck, Jake." Sabi ni Miguel sa akin.

"Umuwi ka ng buhay ah." Ani Neil.

"Uuwi talaga akong buhay dahil hindi ko naman pwedeng iwanan ang pamilya ko." Tumingin ako sa pwesto ni Kurt pero wala na siya doon.

~~~~

First part. Yay!

Pero ito lang ang anunsyo ko sa inyo. Basahin niyo muna ang mga sumusunod para maintindihan niyo.

1. 5 Ways To Love You (Rocco's story)
2. She's The Boss (Kurt's story)
3. Always Be With You (Zion's story)
4. Her Stalker (Eina's story)

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon