Chapter 9

1K 30 0
                                    

1 year later...

Halos ilang buwan din ako nasa resort namin para tulungan si dad ay bumalik na rin ako ng Manila.

Katulad ng ginagawa ko noon ay pumunta ako sa mall para mamasyal na magisa. Wala naman ako masyadong kaibigan para samahan ako mamasyal.

Nagpasya na rin ako umuwi sa bahay dahil wala naman magandang bilihin ngayon sa mall.

"Nandito ka pala, Zion." Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan uuwi si Zion ngayon at napatingin ako sa kasama niya. "Siya na ba ang sinasabi mong girlfriend noon?"

"Yes, ate. Si Jessa, girlfriend ko."

"Akala ko wala ka ng balak pakilala sa amin ang girlfriend mo." Kunwari nagtatampo ako sa kapatid dahil 2 years na rin kaya iyon.

"Sorry. Pero kilala na siya ni dad dahil nakita ko siya sa resort 2 yeara ago at nandoon rin kami ni Jessa."

"Hindi na masyado umuuwi rito si dad halos doon na nga iyon tumutuloy sa resort. Kaya malamang makikita at makikita mo talaga iyon doon." Sabi ko. Iyon kasi ang sabi ng ibang staff ng resort.  "Ewan ko lang kung uuwi iyon ngayon. Wait, tatawagan ko. Baka umuwi kapag malaman niyang may family reunion tayo."

Lumayo na ako sa kanila at dinial ang contact number ni dad.

"Napatawag ka, Trixie."

"Busy po ba kayo?"

"Hindi naman. Bakit?"

"Pwede po bang umuwi na muna kayo kasi nandito si Zion at yung girlfriend niya. May family reunion."

"Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin ang tungkol diyan?"

"Sorry, dad. Biglaan lang din po ang uwi ni Zion ngayon."

"Sige, sige. Uuwi ako. Hintayin niyo lang ako ah." Binaba na ni dad ang tawag kaya bumalik na ako sa iba.

"Zion." Nilingon naman ako ng kapatid ko. "Mamaya nandito na si dad dahil ang sabi ko ay may family reunion tayo. Nagalit nga sa akin dahil biglaan."

"Sorry kung biglaan ang punta namin rito."

Pumunta na ako sa kusina para utusan ang mga maids namin na magluto na bago pa dumating si dad. Ngayon lang kami magkakasamang lahat.

Mga ilang oras din kami naghintay pero wala pa rin si dad. Dapat nga sa ganitong oras ay nandito na siya. Ano na kaya nangyari kay dad? Sana wala nangyaring masama sa kanya.

"Jessa, dito ka lang ah. May pupuntahan lang ako saglit lang ito." Hinalikan ni Zion ang pisngi ng girlfriend niya. Nakakainggit dahil nakahanap na ang kapatid ko ng babaeng mamahalin niya.

"Jessa, right?" Nilingon naman niya ako.

"Yes po."

"Huwag mo masasamain ang sasabihin ko sayo ah. Sa tingin ko masyado ka pang bata para kay Zion." Nginitian lang niya ako. Ano ang ibig sabihin ng ngiti na iyon?

"Tama po kayo. 22 years old pa lang po ako." Napakurap ako dahil 10 years ang agwat ng edad nilang dalawa. And Zion doesn't care about it.

"Ang sabi ni Zion sa akin noon isa ka daw fashion designer."

"Yes po. Iyon po ang pangarap namin ng mga kaibigan ko at pagkatapos namin grumaduate ay nagtayo kami ng sariling boutique."

"Talaga? That's nice. Magkakasundo tayo diyan. Mahilig ako bumili ng magagandang damit kaso wala naman maganda sa mga mall ngayon."

"Pwede ko kayo gawan ng magandang damit. Punta lang kayo sa boutique namin."

"Sure, sure. I just want to see all dresses na gawa ninyo. Kung modelo pa siguro ako hanggang ngayon ay baka irarampa ko ang mga gawa niyo sa stage."

"Model po kayo?"

"Yeah, noong panahon ko pa. Nalaos na rin ako simulang natapos ang contract ko."

"Ate!" Napalingon ako kay Zen nang tawagin niya ako. "Halika kayo rito! Nasa balita si dad ngayon."

Agad naman ako pumunta sa sala para panoorin ang balita. Oh my God! May nangyari kay dad. This can't be! At tinawagan ko na si Zion ngayon.

"Zion, have you watch the news?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. Kailangan natin pumunta sa ospital, ate."

"Okay. Magkita na lang tayo sa ospital, Zion."

Binaba ko na ang tawag at lumapit na ulit kay Zen.

"Zen, dito ka lang ah. Pupuntahan ko lang si dad sa ospital."

"Sasama na po kayo sa inyo baka nalaman na rin ni Zion ang nangyari kay tito." Tumango ako kay Jessa dahil mabuti pa. Baka ano pa ang gawin ng kapatid kong iyon.

Kinausap ko ang isang bodyguard na ipag drive niya kami sa ospital ngayon dahil kailangan ko pumunta agad.

Pagkarating namin sa ospital ay pumunta na ako sa front desk para magtanong.

"Excuse me, nasaan dinala si mayor Alfred Montemayor?"

"Nasa operation room po siya ngayon."

"Salamat." Nagmamadali na akong pumunt sa operation room at nakita ko na si Zion ngayon.

"Zion!" Nilingon na ako ng kapatid ko.

"Ate.." Niyakap niya ako.

"Shh... Alam mo naman kung gaano matapang si dad, diba? He is our hero."

Ayaw ko makita ni Zion na umiiyak din ako. Kailangan kong lakasan ang loob ko dahil naniniwala akong lumalaban si dad sa kamatayan ngayon.

Mama, huwag niyo po muna kunin si dad sa amin. Kailangan pa siya ni Zen.

"I keep blaming myself kung may mangyaring masama kay dad. Kung alam ko lang nasa resort siya ay sana doon na lang tayo nagkita kita."

"Shh... Don't say that. Walang mangyayari kay dad."

Pinunasan ko ang luha ko na kanina pang pumapatak. Traydor talaga ang luha kong ito. Napatingin ako kila Jessa at Zion habang naguusap silang dalawa. Alam na pala ni Jessa ang tungkol sa pagiging agent ni Zion.

"Hi, Trixie." Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Kunot noo akong nakatingin sa kanya.

"What are you doing here?"

Bakit ngayon ko pa nakalimutan na kaibigan nga pala siya ni Zion. Kaso sa dami niya kasama sa agent ay bakit siya pa talaga.

"Ate, magkakilala kayo ni Jake?"

"Of course not! Nagkamali lang ako ng tao. Akala ko siya yung kilala ko." Sagot ko at iniwanan ko na muna sila. Ayaw ko pa siya makita kahit isang taon na rin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan si Jake.

Umupo ako sa bench dito sa garden ng ospital at doon na ulit pumatak ang luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.

Dad, lumaban po kayo para kay Zen. Kailangan niya kayo.

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon