Nandito ako ngayon sa kasal nila Zion at Jessa. I'm with Trixie dahil alam na rin naman ng mga kasamahan ko kung sino ang girlfriend at future wife ko. Bakit ko pa itatago sa kanila? At saka wala naman akong balak itago sa kanila ang tungkol sa relasyon ko with Trixie. Kahit malaki na ang tyan niya ay ang sexy pa rin ng girlfriend ko at sa susunod na buwan pa ang kabuwanan na niya. Hindi na ako makakapag hihintay na makita at makarga ang magiging anak namin.
At sa susunod na linggo naman ay nagpasya na magpakasal sina Eina at Gael. Mabuti naman nagkaayos na ang dalawa. Masaya ako para sa kapatid ko pero subukan lang ni Gael na paiyakin si Eina ay matitikman niya ang baril ko.
Pinaupo ko na muna si Trixie dahil hindi naman siya pwedeng nakatayo ng matagal habang hindi pa nagsisimula ang kasal ng kapatid niya at ang future wife ni Zion na si Jessa.
"Umiiyak si Zion. Ang bakla mo naman!" Rinig kong sambit ni Miguel.
"Pag ikaw ang kinasal at nakita kitang umiyak din, pagtatawanan kita." Ganti naman ni Zion sa kanya.
"Wala akong balak magpakasal. I like being single."
"Sinasabi mo lang iyan dahil hindi mo pa nakilala ang babaeng mamahalin mo. Katulad ko, hindi ako naniniwala sa love pero noong nakilala ko si Eunice ay nagbago ang lahat na pakitungo ko." Proud pa si Kurt. Pasalamat pa dapat siya sa akin kundi sa ideya kong bet noon ay hindi niya makikilala si Eunice at wala pa din siyang Kent hanggang ngayon. Kahit nakaka konsensya ang nangyari sa kanya noon. Kasalanan ko rin naman.
"Sus, in love ka kasi. Sa ating lahat ikaw lang iyong nagkasakit dahil sa pagmamahal." Natatawang sabi ko kay Kurt.
"Gago..."
"Language, Kurt. Nasa tapat tayo ng simbahan." Saway naman ni Rocco.
"Sorry. Si Jake kasi pinaalala pa sa akin ang nangyari 2 years ago."
Tumawa naman ang iba kong kaibigan pero nabaling ko ang tingin sa direksyon kung saan ngayon si Neil. May kasama siyang babae. Siya yung abogado na tumulong kay Zion sa kaso ni Clay noon.
"Mig, tingnan mo ngayon si Neil abalang abala sa abogado na kasama niya ngayon." Sabi ko kay Miguel habang nakaakbay sa kaibigan.
"Ano meron sa kanila?" Tanong ni Rocco.
"Pre, kahit hindi sabihin sa atin ni Neil ang tungkol sa relasyon nila at halata siya. Sa tagal pa naman natin magkakasama sa trabaho, kulang na lang ay doon na rin tayo mamatay." Sabi ko naman sa kanya.
"Ang gusto mo bang iparating na may gusto si Neil sa abogado na iyon?"
"Exactly, Rocs."
"Kilala natin si Neil noon pa lang. Siya yung tipong nagkakagusto sa magaganda at sexy'ng babae." Singit naman ni Kurt. "Mig, do you remember noong pinadala ko kayo sa Las Vegas noon ni Neil?"
"Hm, yeah. Ano meron doon?"
"Hindi ba may biktimang babae siyang napupusuan doon?"
"Oh, yeah! Oo, meron nga pero hindi naman niya nilapitan pagkaligtas namin sa kanila noon dahil umalis agad si Neil. Hindi ko nga alam kung saan siya pumunta noon kasi naman hindi ko na rin alam kung anong oras siya nakabalik sa hotel."
Hindi ako makapaniwala na tatanggihan ni Neil ang ganoong bagay. Unang una nakita ko siyang wala sa sarili kaya sinabi ko babae lang ang katapat noon kaso tumanggi siya. Hindi siya yung kilala kong Neil na tumatanggi sa grasya. Babae iyon. Lahat na babae pinapatulan niya basta maganda at sexy.
"Alam kong lahat tayo ay gusto malaman ang totoo pero hintayin na lang natin na sabihin ni Neil sa atin ang lahat." Sabi naman ni Rocco.
May punto naman doon si Rocco kaso sa amin yata ay ako lang ang walang dahilan kung bakit ako sumali sa pagiging agent.
"Malapit na magsimula at parating na rin ang bride." Sabi noong wedding planner nila. Tumingin ako kay Trixie at hinawakan ko ang isa niyang kamay dahil nahihirapan siyang tumayo.
Nakita ko na si Jessa pumasok sa loob ng simbahan. Naiimagine ko tuloy na si Trixie ang naglalakad sa aisle habang naghihintay naman ako sa harap ng altar. Tumingin ako sa direksyon ni Trixie habang nakangiti siya sa pagdating ni Jessa. Nakikita kong masaya siya para kay Zion.
Pagkatapos ng wedding ceremony ay nagkatuwaan lang kaming lahat dito sa table namin. Mga gago talaga ang mga kasamahan ko ngayon pero si Neil lang wala dito sa table. Ewan ko kung saan pumunta iyon.
"Good afternoon, ladies and gentlemen."
Tumigil kami sa paguusap nang marinig namin ang boses ni Kurt at nasa harapan na pala namin siya. Hindi ko alam pangarap pala ng kumag na ito ang maging emcee sa tuwing may kasal.
"Congrats sa bagong kasal. I'm happy for you, Zion. Alagaan mo ng mabuti ang mag-ina mo dahil magagalit sayo si Eunice kung makita niyang umiiyak ang kanyang kaibigan."
"Not only Eunice! Kahit rin ako magagalit kay Zion." Sigaw ni Sarah.
"See? Even Sarah, pre."
"Don't worry, hindi ko iyan gagawin habang nabubuhay ako. Mamahalin ko ang mag-ina ko."
"That's good. Nakahanda na ang pagkain kaya pwede na tayo kumain lahat, dahil gutom na tayo." Umalis na si Kurt sa harapan para bumalik sa table namin.
Pagkatapos kumain ay pumupunta na ang bagong kasal sa mga table ng mga bisita nila at kami talaga ang hinuli nilang pinunta.
"Congrats Zion, Jessa." Sabi ko sa kanila.
"Thank you, Jake." Nakangiting sabi ni Jessa sa akin.
Napansin ko ang pagtayo at paglapit ni Trixie kay Zion.
"Pwede ba kita makausap, Zion?" Tanong ni Trixie sa kanya.
"Sure, sis." Humarap naman si Zion sa asawa niya. "Excuse us, guys, hon."
"Okay. Dito na muna ako."
Maya maya pa ay nakita ko ng bumalik na sila magkapatid sa table namin. Hindi na kasi ako nakikinig sa pinaguusapan na ng iba dahil ang isip ko ay na kay Trixie ngayon. I was worried dahil ang tahimik niya simulang nagsimula ang kasal.
"Ano ang pinagusapan niyong magkapatid?" Tanong ni Jake.
"Some private matter." Sagot naman ni Trixie. I respect her answer dahil ayaw ko naman magaway kaming dalawa. Buntis ang girlfriend ko ayaw ko naman mawala ang mag-ina ko sa akin.
"Eh, kayo ano ang pinaguusapan niyo habang wala ako?"
"Susunod na ikakasal." Sagot ni Miguel. Ang susunod na ikakasal pala ang pinaguusapan nila kanina. Hindi kasi ako nakikinig sa kanila, eh.
"I think si Jake at ate Trixie ang susunod ikakasal."
"Aba, oo naman."
"Isa-isa na kayo kinakasal. Sino kaya ang susunod kay Jake?" Tanong naman ni Oliver.
"Neil?"
"What?!" Narinig ko ang sambit ni Neil. Nakabalik na pala siya kung saan man siya pumunta kanina. "Hindi ako. Wala nga akong girlfriend o nililigawan."
"Wala pa pero magugulat na lang kami na may nabuntis kang babae diyan ah."
"Hubby." Saway ni Sarah sabay palo sa braso.
"Nagsasabi lang ako kung ano ang pwedeng mangyari, wifey."
"Wala. Imposible." Depensa ni Neil. Walang imposible kung lahat na babae na kasama ni Neil ay kinakama na niya at kung hindi lang siya nagiingat. Pwedeng may mabuntis siyang babae na hindi niya alam.

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...