Chapter 23

943 28 0
                                        

Trixie's POV

Masaya ako para kay Zion dahil kinasal na siya sa babaeng mahal niya. Ako kaya? Kailang ako tatanungin ni Jake na magpakasal? Hindi na rin kasi kami bumabata na dalawa ngayon.

Nandito lang ako sa kwarto ko habang nakasandal sa head board ng kama ko at hinihimas ang umbok ng tyan ko. Sa susunod na buwan pa ako kasi manganganak sa baby namin ni Jake.

"We can't wait to see you, baby at palagi mong tandaan ay mahal na mahal ka namin ng daddy mo." Nakangiting sabi ko. Iniisip ko tuloy kung sino ang magiging kamukha ng anak namin ni Jake. Ako ba o ang kanyang daddy?

"Hi." Napalingon ako noong marinig ko ang boses ni Jake. "Sorry kung ngayon lang ako dahil may inasikaso pa ako sa ospital at dumeretso din sa bahay pagkatapos. Abala rin kasi ang mga tao ngayon dahil sa paglapit na ikasal si Eina."

"Kailan mo ba yayain magpakasal, Jake? Baka ang gusto mo lang ay magkaroon ng anak sa akin pero ang magpakasal..."

"Hey, huwag mong sabihin iyan." Umupo sa gilid ng kama si Jake at hinimas din ang umbok kong tyan. "Baka marinig ka ni baby. At hindi totoo iyan."

"Kailan mo ba balak tanungin ako magpakasal sayo?"

"Soon. Sa ngayon ay yung mga kapatid na muna natin ang magpakasal."

"Kahit man lang propose na muna? Jake, propose."

"Bakit ka ba excited na magpropose ako sayo ah?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Hindi na kasi tayo bumabata at gusto ko na rin ang magkaroon ng sariling pamilya." Lumabi ako kaya hinalikan ako ni Jake sa labi. Isang mabilis na halik lang ang binigay niya. "Naunahan pa tuloy ako ng sumunod sa akin."

"Maghintay ka lang kung kailan ako magpropose sayo, gorgeous."

"Hindi ako maganda. Tingnan mo nga ang taba ko kaya." Pinagkrus ko ang mga braso ko dahil naiinis ako. Binobola pa ako. Hindi na lang niya sabihin sa akin na panget ako at mataba.

"Hindi ka naman mataba ah. You're sexy and gorgeous."

Hindi ko na pinansin si Jake dahil inirapan ko na lang siya. Ayaw pa kasi umamin na mataba na ako, eh. Hindi na lang niya kailangan ang magsinungaling sa akin.

Kinabukasan ay nagising ako na may brasong nakapatong sa akin kaya napatingin ako sa katabi ko. Ngayon lang ulit na natulog sa tabi ko si Jake dahil sobrang busy na niya nitong mga nakaraang araw pero binibisita naman niya ako kapag may oras siya. Naiintindihan ko naman kung madalas siya wala sa tabi ko.

Tinitigan ko lang ang mukha niya habang ang himbing ng tulog niya. Inaamin kong gwapo si Jake, matangos ang ilong, mahabang pilik mata at kissable lips. Sarap kasing halik halikan ang mga labing ito.

Wala naman siguro masama kung nanakawan ko siya ng halik habang tulog.

Dinikit ko ang labi ko sa labi niya pero naramdam ko ang pagtugon ni Jake kaya agad akong humiwalay sa kanya. Nakita ko rin ang pagdilat ng mga mata niya sabay ngiti sa akin.

"Ang sarap naman ng almusal ko."

"Kainis ka!" Hinampas ko siya sa braso.

"Ikaw ang nagnakaw ng halik sa akin kaya hindi ko iyan tatanggihan, Trixie."

"Bumangon ka na diyan." Pagiiba ko ng topic dahil nakakahiya ang nangyari. Nalaman niyang hinalikan ko siya kanina. "Alam mo naman siguro na bawal ako palipasan ng oras."

"Anong oras na ba?"

"It's already 11:45pm." Sagot ko sa kanya. Tinanghali na naman ako ng gising at sa totoo lang ayaw ko talaga bumangon sa kama ngayon. Tinatamad na nga ako, eh. Pero alam ko naman papagalitan ako ni Jake kapag nalipasan ako sa oras para kumain. Ang hirap talaga magkaroon ng boyfriend na doctor dahil palagi niya binabantayan ang bawat ginagawa ko. Busy nga siya sa trabaho niya pero may pares ng mga mata ang nakabantay sa akin. Walang iba kundi si Zen. Binilin kasi ni Jake kay Zen na bantayan ako habang wala siya.

Sabay na kami bumaba ni Jake papunta sa kusina. Natanaw ko rin si Zen habang kumakain na ng agahan niya.

"Good morning, ate at kuya Jake." Bati sa amin ng kapatid ko.

"Good morning, Zen."

Nauna na natapos kumain si Zen dahil may pasok ka siya ngayon kaya nagpaalam na siya sa amin papasok na sa paaralan.

"Next week na pala ang kasal ni Eina."

"Oh. Ano ang gusto mong gawin ko?" Naiinis ako dahil pinaalala na naman niya sa akin ang tungkol sa kasal. Tsk.

"Iniimbitahan ka rin ni Eina na dumalo sa kasal niya at para na rin may kasama ako doon."

Hindi ko naman iisipin na ma-out of place ako doon dahil alam ko naman welcome ako sa pamilya ni Jake sa simula pa lang kahit hindi pa kami pinapangak na dalawa. Si Jake na talaga ang future husband ko sa simula pa lang. Hindi ko naman kasi inaasahan na makikilala at mamahalin ko siya. Siya ang first boyfriend ko at siyempre last na rin dahil kami talaga ang para sa isa't isa.

Hindi ko talaga makakalimutan ang unang araw na nakilala ko si Jake. Nahulog ako agad sa kanya dahil sa sobrang bait niyang tao kaya lang pinagbintangan ko siya na maraming babae noon kaya naghiwalay kami. Nagkahiwalay man kaming dalawa ay nagkaayos na rin naman kami agad. Ngayon ay magkakaroon na kami ng anak.

Kahit alam na pala namin ang gender ng magiging anak namin ay hindi pa pala kami nagiisip kung ano ang ipapangalan namin kay baby.

"Jake." Humarap siya sa akin habang kinakagat ang toasted bread. "Isang buwan na lang lalabas na ang baby natin kaso wala pa tayo naiisip na ipapangalan sa kanya. May naisip ka na ba na magandang pangalan?"

"How about Jasper? We can call him Jazz or Jax. O baka naman may naisip ka rin na magandang pangalan."

"Ang naisip ko kasing pangalan ay Tyrone."

"Maganda rin ang Tyrone. Okay, ganito na lang ang gawin natin. Bakit hindi na lang natin pagsamahin ang naisip nating pangalan para sa baby natin? Jasper Tyrone o Tyrone Jasper. Ano ang mas maganda sa dalawa?"

"Mas gusto ko yung Jasper Tyrone." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Jasper Tyrone Suarez."

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon