Nandito ako ngayon sa balcony at pinagmamasdan ang dagat mula sa kwarto ni Jake. Ang lalaking iyon, ayun tulog pa pagkatatapos na may nangyari sa amin.
Nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko at halik sa batok.
"J-Jake." Nahihiya ako baka may makakita sa amin dito.
"Ano ang iniisip mo ngayon?"
"Wala akong iniisip. Tinitingnan ko lang ang dagat mula rito." Nilingon ko siya at may ngiti sa mga labi nito. "Ano ang nginingiti mo diyan?"
"Wala. Masaya lang ako ngayon. Kinausap ko noon si Zion na kausap ka. Sorry dahil si Zion lang ang pwede kong lapitan. Wala pang alam ang mga kasamahan ko sa trabaho ang tungkol sa atin pero alam nilang may fiancee na ako. Kaso mukhang hindi ka pa kinakausap si Zion kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan."
"So, sinusundan mo nga ako dito."
"Ano kasi..." Umiwas siya ng tingin sa akin sabay kamot sa ulo. "Parang ganoon na nga. Gusto kita makausap para maayos na ito."
"Ayan, gusto mo kong kausapin dahil hindi pa tayo nagkakaayos pero may nangyari na sa atin."
"Galit ka ba?" Tumingin sa akin si Jake ng tanungin niya ako.
"Hindi ako galit sayo o doon sa nangyari sa atin kanina."
"Mabuti naman ganoon dahil hindi ako hihingi ng sorry sa nangyari." Sumimangot ako dahil bwesit siya.
"Natatakot lang ako sa mangyayari. Paano kung magkaroon ng bunga sa nangyari?"
"Kung magkaroon nga ng bunga ay pananagutan kita. Hindi naman kita tatakasan."
"Siguraduhin mo lang ah."
"Mas gugustuhin ko pang magkaroon ng anak sayo"
"Talaga?" Natuwa ako sa sinabi niya dahil sa kagustuhan niya magkaroon kami ng anak.
Hindi na siya sa sumagot sa akin dahil sinunggaban na niya ako ng halik kaso humiwalay din ako agad noong tumunog ang phone ko.
"Sorry." Kinuha ko ang phone ko para tingnan. Galing ito sa school ni Zen. Bakit naman kaya?
"Ano nangyari sayo?"
"Pinapupunta ako sa school ni Zen ngayon. Nasa principal's office siya ngayon na hindi naman nagyayari noon."
"Let's go."
Nasa kalagnitnaan kami ng biyahe ni Jake pero ang isip ko ay kung bakit nasa principal's office ngayon si Zen. Hindi naman siya pumupunta doon dati. First time na may tumawag sa amin ang principal nila.
"Jake, huwag mong sabihin kay Zion ang nangyari ngayon ah. Alam ko naman marami na siyang problema at baka magalit pa siya kay Zen kung ano ang ginawa ng kapatid namin ngayon."
"Okay, hindi ko sasabihin kay Zion ang nangyari."
"Salamat."
Nang nakarating na kami sa school ni Zen ay dumeretso na kami ni Jake sa principal's office.
"Zen." Lumapit na ako sa kapatid ko.
"Ate."
"Ano ba ang nangyari?"
"Ms. Montemayor, kaya ko kayo pinapunta dito dahil nakipag away ang kapatid niyo sa kaklase niya." Sabi ng principal nila.
"Sir, hindi naman gagawin iyon ni Zen ng walang dahilan. Kilala ko ang kapatid ko dahil ako na ang nagpalaki sa kanya." Sabi ko bago tingnan ang isang bata na may pasa at pumutok din ang labi nito. Humarap na ulit ako kay Zen. "Ano ba ang ginawa mo? Hindi ka naman ganito ah."
"Nag sasabi kasi siya ng masasakit na salita tungkol kay dad." Natigilan ako sa sinabi ng kapatid ko. Alam kong away bata lang ito pero kung pinasok sa away nila ang pamilya namin ay ibang usapan na iyon. "Sinabi niya kasi masamang tao si dad at mas mabuting namatay siya. Hindi naman masamang tao si dad, hindi ba, ate? Alam ko iyon kahit minsan ko lang siya nakikita sa bahay."
Gusto kong umiyak dahil ako na ang nahihirapan dito. Ang dami ko ng problema simulang namatay si dad tapos nakipag away pa si Zen sa kaklase niya.
"Hindi naman tama ang ginawa ng kaklase ni Zen dahil mali din ang ginawa niya para husgahan ang isang tao na hindi niyo naman kilala ng lubusan." Napatingin ako kay Jake noong nagsalita siya. Ang seryoso ng mukha niya ngayon.
"Ano gusto mong iparating sa akin na hindi ko tinuturuan ang anak ko, mister?" Galit na tanong ng magulang ng kaklase ni Zen.
"Wala akong gusto iparating sa inyo, ma'am. Ang nais ko lang sabihin sa inyo naparito ang mga bata sa paaralan para magaral at matuto ng magandang asal."
Wala nagpapatalo sa kanilang dalawa hanggang sa sumuko na yung nanay ng kaklase ni Zen. Halatang sanay si Jake makipag debatehan sa ibang tao at hindi marunong magpatalo.
"Salamat kanina ah."
"Ginagawa ko lang ang tama. Hanggat alam kong tama ako ay ipaglalaban ko talaga." Napangiti ako dahil sa ginawa niya at tumingin na ako kay Zen. "Zen, sa susunod huwag ka na makipag away sa kaklase mo ah."
"Sorry po, kuya Jake. Sorry din, ate."
"Sumama ka na sa amin." Sabi ko kay Zen.
"Babalik ka ba ulit sa resort niyo?" Napatingin ako kay Jake nang tanungin niya ako.
"Dito na muna ako. Babalik lang ako doon kapag may emergency nangyari sa resort o may kailangan gawin."
"Hatid ko na muna kayo sa inyo bago pa ako tumuloy sa ospital ngayon."
Sumakay na kami sa kotse ni Jake sa kotse niya para hatid na niya kami ni Zen sa bahay.
"Sorry kung nasira ko ang bakasyon mo."
"It's alright. Pwede naman ako bumalik ulit sa resort niyo para magbakasyon."
"Siguraduhin mo lang magbabakasyon ka doon. Hindi maghanap ng ibang babae."
Rinig ko ang pagtawa niya habang ang tingin ay deretso lang sa daan.
"Talagang iniisip mong magagawa ko iyan? Trixie, siguro nga ineenjoy ko ang pagiging single ko dahil hindi ko na magagawa ang mga ginagawa ko ngayon kapag kasal na tayong dalawa. Inaamin kong maloko akong tao pero seryoso naman ako sayo."
"Mabuti dahil puputulin ko iyang alaga mo." Pabulong kong sabi. Baka kasi marinig ni Zen.
"Aish... Don't you dare, Trixie. Mawawalan ka ng kaligayahan kapag ginawa mo iyan." Namula bigla ang pisngi dahil ang bastos ni Jake. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana.
Hindi naman nagtagal ay nandito na kami sa tapat ng bahay namin kaya bumaba na kami at nagpaalam sa kanya. Kailangan na kasi niya bumalik agad sa ospital ngayon o baka naman pupunta siya sa head quarter nila mamaya. Masyadong busy si Jake pero nagawan niya ng paraan para pumunta sa resort namin.
Gusto ko sana tumira na sa resort kaso hindi ko naman maiiwanan dito si Zen. Marami rin ginagawa si Zion sa buhay niya para alagaan niya si Zen at alam ko rin naman inaayos niya ang gulo nangyari sa kanila ni Kelly. May anak sila pero naawa rin ako para kay Jessa. Siya ito ang girlfriend ni Zion pero may naging anak sa dati niyang nobya.

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...