Walang may gusto magsalita sa amin ni Trixie habang nasa biyahe kami kaso may napapansin akong kotse na sumusunod sa amin kaya napatingin ako sa rear mirror.
"May problema ba, Jake?"
"Pakiramdam ko kanina pa tayo sinusundan ng kotse nasa likod natin simulang umalis tayo sa inyo." Lumingon si Trixie sa likod. Hindi ako sigurado kung sino sa aming dalawa ang sinusundan niya. Pwede rin si Trixie dahil anak siya ng mayor kaya marami rin naging kalaban ang ama niya.
"Sino ang mga iyan?"
"Hindi ko alam. Sa tingin ko mga kalaban sila." Sabi ko kaso napansin kong natatakot siya. "You have nothing to worry hanggat kasama mo ko ay hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo."
Hinawakan ko ang isa niyang kamay at pinisil ko iyon ng mahina. Hindi ko alam kung bakit pero sa sandaling magkasama kami ni Trixie ay magaan ang loob ko sa kanya hindi ko talaga hahayaan na may mangyaring masama sa kanya. Hindi na ito tungkol kay Zion dahil handa ako ialay ang buhay ko para lang protektahan siya.
Nang nakarating na kami sa bay ay hindi ko binibitawan ang kamay niya. Kapag kasama niya ako ay ligtas siya kahit may mga sumusunod sa aming dalawa ngayon.
"Gusto mo ba ng ice cream?" May nakita kasi akong naglalako ng ice cream malapit dito at tumango naman siya sa akin kaya pumunta na kami doon. "Teka, kumakain ka ba ng ganito?"
"Why? Ano meron sa ice cream na ito?"
"Dirty ice cream kasi ito. I mean street ice cream."
"Hindi pa ako nakakain ng ganitong klase ng ice cream." Napangiti ako sa isipan ko. Hindi na ako nagulat na hindi pa siya nakakain ng ganito. Si Zion nga rin noong unang kain niya ng dirty ice cream.
"I see. First time mo pa lang kumain ng dirty ice cream. Okay, then. Anong gusto mong flavor?" Tanong ko kaya tiningnan na niya ang mga flavor ng ice cream.
"Strawberry na lang akin." Nag-scoop na si manong ng ice cream at inabot kay Trixie.
"Sa inyo, hijo."
"Ah. Sa kanya lang, manong." Sagot ko. Hindi naman kasi ako mahilig sa matatamis katulad ni Rocco. Pareho kami ni Rocco na hindi mahilig sa matatamis. Binayaran ko na rin ang ice cream ni Trixie.
"Bakit hindi bumili para sayo? Nakakahiya naman."
"Hindi ako mahilig sa matatamis na pagkain."
Halatang ngang nag-enjoy si Trixie habang kinakain niya ang ice cream hanggang sa naubos na niya ito.
"Wait." Halatang nagulat siya sa pagpunas ko ng kanyang pisngi. "Para ka pa lang bata kung kumain ng ice cream."
"Che!" Inirapan lang niya ako. Natawa ako sa inasal niya ngayon. Ang cute niya.
"But I like it." Ngumiti ako sa kanya. Kaso huli na noong narealize ko kung ano ang sinabi ko sa kanya. Shit, ano ba ang nangyayari sa akin ngayon?
Nakita ko din kung paano mamula ang pisngi niya.
Hinawakan ko ang pisngi niya at bigla ko siyang sinunggaban ng halik. Hindi siya tumutugon sa bawat galaw ko pero narealize ko kung ano na naman ang ginawa ko. Ako na rin ang humiwalay sa amin.
"Sorry." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko dapat ginawa iyon dahil hindi ko naman girlfriend si Trixie. Wala kaming relasyon. "Hatid na kita sa inyo."
Pagkahatid ko kay Trixie sa kanila ay wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Ang laking tanga ko kasi kung bakit kong hinalikan si Trixie kanina.
Pagkaalis ko sa bahay nila ay heto na naman ang sumusunod na kotse. Ibig sabihin ako pala ang habol nila, hindi si Trixie. Sinuot ko ang bluetooth earpiece at tinawagan ko si Zion.
"Pre, I need your help."
"Bakit? Ano nangyari sayo?"
"May sumusunod sa akin kanina pa."
"Okay, sabihin mo sa akin ang saktong location mo ngayon para alamin ko ang nangyayari." Sinabi ko kay Zion ang location ko ngayon. "Malapit sa bahay namin iyan ah. Ano ang ginagawa mo diyan?"
"Wala tayong oras para sabihin ko sayo kung ano ang ginagawa ko rito. Tulung--" Mabuti na lang nakaiwas ako ng bigla nagpaputok sila ng baril.
"Ano iyon?"
"Gunshots malamang. Mukhang ako ang target ng mga ito." Kinuha ko na ang baril nakatago at binuksan ko ang bintana para paputukan rin sila ng baril.
Shit, apat sila sa kotse na iyon. Wala akong laban sa kanila dahil nagiisa lang ako. Bakit ngayon lang sila umatake sa akin? Pwede naman sila umatake habang kasama ko si Trixie.
Pagtingin ko sa harap ay hindi ko namalayan na may malaking puno na pala sa harapan ko kaya bumangga ako doon.
"Ano? Sa tingin mo ba patay na?" Rinig kong sabi ng isang lalaki.
"Siguro naman dahil sasabog rin naman ang sinasakyan niyang kotse." Sagot naman ng isa.
Ako nga talaga ang target nila. Sa anong dahilan kung bakit nila ako gusto patayin. At doon na rin ako nawalan ng malay.
Nagising ako nasa isang puti ang paligid ko. Nasaan na ako ngayon? Langit na ba ito? Hindi ko pwedeng iwanan ang pamilya ko.
"Mabuti naman naisipan mo pang magising." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Kurt.
"Nasaan ako?"
"You're in the hospital, Jake. Pinuntahan ka namin agad noong sinabi ni Z na hindi ka na sumasagot sa kanya. Inaalam din niya kung sino ang may gawa nito sayo."
Napahawak ako sa ulo ko dahil ang sakit. Tama, bumangga nga pala ako sa puno kanina kaya naaksidente ako.
"Maswerte ka na lang may mga taong nakakita sayo kaya niligtas ka nila bago sumabog ang kotse mo." Rinig kong sabi ni Rocco. Nandito rin pala siya.
"Guys, ang importante ay buhay si Jake. Head injury nga lang ang nakuha niya kanina." Sabi naman ni Neil.
"Tama si Neil, Kurt. Iyon naman ang mahalaga buhay si Jake." Pag sasang ayon ni Miguel.
"Wala naman akong sinasabi. Pero Jake, kailangan mo muna magpahinga dahil sa nangyari sayo kanina at kami na bahala tuklasin ang nangyari sayo."
"Okay. Gusto ko na ulit matulog. Bumalik na lang kayo dito bukas kung may balita na kayo kung sino ang may gawa nito sa akin. Kung bakit nila gusto ako patayin." Pinikit ko na ulit ang mga mata ko para makatulog na ulit.

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...