Chapter 2

1.4K 34 0
                                        

Nagorder siya ng makakain namin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nagugutom na ako. Bahala na. Ang importante ay makakain ako.

"It's my treat." Sabi niya pagkaalis ng waitress.

"Huh?"

"Sabi ko libre ko na ito."

"No, no. Nakakahiya naman kung ikaw na agad ang magbabayad ng mga pinagkainan natin. Kakakilala pa lang natin ngayon."

"Ayos lang. Ako ang lalaki dito, ako dapat ang magbabayad." Palihim ako napangiti dahil ang sweet naman niya. "At hindi ba kakain din ang mga kasama mong bodyguards?"

Napatingin ako sa labas dahil nakalimutan ko na yung dalawang bodyguards na kasama ko ngayon.

"Okay, never mind. Mukhang nakalimutan mo yatang may kasama kang dalawang bodyguards ngayon."

"Paano mo nalaman? Hindi ko alam marunong ka rin pala magbasa ng isip ng tao."

"Hindi ka kasi nakasagot agad kaya iyon ang naisip kong sasabihin." Tumango lang ako sa kanya.

"Ano pala ang kinaabalahan mo ngayon? Wala ka naman sigurong misyon ngayon, no?"

"Actually, kakatapos ko lang sa misyon ko noong nakita mo ko kanina. Pinapupunta nga ako agad ng superior ko para sa report."

"I'm sorry. Baka kailangan ka na doon."

"No, ayos lang. Pwede ko naman sabihin sa kanya na may emergency lang kaya ako natagalan."

"Alam ko naman biglaan lang ang pagkikita nating dalawa. Sikat ka ngang doctor pero hindi ko alam kung saang ospital ka naka destino o makikita."

"Here." May inabot siya sa akin na maliit na papel. Calling card pala ito. "You can also call me kung gusto mo makipag kita sa akin."

Dumating na ang orders namin kaya nagsimula na kami kumain ni Jake. Sa totoo lang masaya pala siyang kasama.

"How about you? Ano ang kinakabaalahan mo ngayon?"

"Wala. Nagbabantay sa kababatang kapatid ko since ako na ang tumayong ina sa kanya simulang namatay si mama."

"Sorry to hear that."

"Ayos lang."

Pagkatapos namin kumain ay nagorder ulit siya ng pagkain. Kulang pa ba sa kanya ang kinain namin? Sabagay, lalaki nga naman siya kaya madami sila kung kumain.

"Kulang pa ba ang kinain mo kanina?"

"Not for me, for them." Tinuro ni Jake ang mga kasama kong bodyguards. "Baka kasi nagugutom na rin sila."

"Hindi mo naman kailangan gawin ito, eh. Pagkatapos kumain ay uuwi na rin naman kami."

"It's fine. Hindi ka nila mapoprotektahan kung walang laman ang tyan nila."

Dumating na ang bill para bayaran na niya ang kinainan namin pati na rin ang tinake out ni Jake bago pa kami lumabas sa restaurant.

"Mga boss, baka nagugutom na kayo kaya kain na muna kayo bago niyo iuwi ang ma'am Trixie niyo." Inabot ni Jake ang tinake out niyang pagkain. Napatingin ako kay Jake dahil ang bait niyang tao para gawin ito sa iba kahit ngayon lang niya nakilala.

"Salamat po, sir." Kinuha ng isang bodyguard ang inabot ni Jake sa kanila.

"Sige, kailangan ko na umalis. Nice to meet you, Trixie."

"Ingat. Salamat sa oras mo kahit busy kang tao." Ngumiti siya sa akin bago umalis sa harapan ko.

Nang natapos na kumain ang dalawa kong bodyguards ay hinatid na nila ako para makauwi na.

"Ma'am, ang bait naman po ng kasama niyo kanina. Boyfriend niyo po ba iyon?" Tanong ng isa kong bodyguard.

"He is not my boyfriend. Ngayon ko nga lang siya nakilala." Dumungaw ako sa labas ng bintana. Doon rin kasi ang punta ng relasyon namin ni Jake. Magiging boyfriend ko siya balang araw at magiging asawa.

Ngayon pa lang mukhang nahuhulog na ako sa kanya. Unang una siya ang nagbayad sa kinain ko tapos inorder pa niya ng pagkain ang mga bodyguards na kasama ko. Sino ba ang babaeng hindi mahuhulog sa katulad niya?

"Ma'am, nandito na po tayo." Bumalik ako sa katinuan noong marinig ko ang boses ng isang bodyguard ko. Tumingin ako sa labas dahil hindi ko namalayan nandito na pala kami sa tapat ng bahay.

Pagkapasok ko sa bahay ay sinalubong ako ni Zen. Hindi naman niya ako sinasalubong noon ah.

"Bakit ngayon lang kayo, ate? Dumaan dito kanina si kuya at hinahanap kayo."

"May kinausap lang akong tao kanina. At bakit ako hinahanap ni Zion?" Binigyan ako ng kibit balikat ni Zen.

"Hindi niya sinabi sa akin kung bakit ka niya hinahanap, ate. Noong sinabi ko kasi na wala ka ay umalis siya agad." Tumango ako sa kapatid ko. Tatawagan ko na nga lang si Zion.

Wala pang isang ring ay sinagot naman agad ni Zion ang tawag ko. Mukhang hindi siya busy ngayon sa ginagawa niya.

"Ang sabi ni Zen kanina ay hinahanap mo daw ako. Bakit?"

"Nothing, ate. I'm just checking if you two are okay." Kahit malayo sa amin si Zion ay palagi naman niya kami binabantayan. I know my younger brother.

"Okay lang naman kami ni Zen dito sa bahay. Why? Dahil ba kay tito Franco?"

"Yes. Hindi talaga titigil ang taong iyong hanggat hindi mapapabagsak si dad sa posisyon niya kaya hindi rin ako titigil hanggat hindi masira ang pangalan ng Luciano na iyan."

"Zion, please. Stop what you want to do. Ipapamahak mo rin ang sarili mo kung itutuloy mo ang plano mong gawin." Nagaalala ako para sa kapatid ko kahit alam ko naman hindi siya makikinig sa akin. Mom died, kaya ayaw ko na may mamatay pa.

"No, ate. Buo na ang desisyon ko dahil ayaw ko may mapahamak pa sa inyo dahil sa kanila. He killed our mother. Hindi sapat na makulong ang taong iyon sa pagpatay kay mama. Ang gusto ko ay patayin rin siya."

My God. What should I do? Hindi ito ang kilala kong Zion. Naging ganito ang kapatid ko simulang namatay si mama.

I can't stop my brother what he wants to do. Wala akong magawa para pigilan man siya. Alam kong sinabi niya sa akin noon na may kinalaman si tito Franco sa pagkamatay ni mama pero wala kaming ebidensya para patunay na may kinalaman nga ito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko para maibalik ang dating Zion na kilala ko noon. Ang masayahin at mapagmahal na kapatid.

Kung pwede nga lang bumalik sa nakaraan ay matagal ko ng ginawa. Babaguhin ko ang lahat. Maibalik ko lang ang buhay ni mama at hindi pumasok bilang agent si Zion.

"Ate, what's wrong?" Pinunasan ko agad ang luha ko ng marinig ko ang boses ni Zen.

"Wala naman, Zen. Namiss ko lang si mama." Pagsisinungaling ko sa kapatid. Ayaw ko masangkop si Zen kung ano man gulo ang napasok namin. Masyado pang bata ang kapatid ko.

"Kung saan si mama ngayon ay sigurado akong binabantayan niya tayo." Niyakap ako ng kapatid ko kaya napangiti ako. Sana balang araw ay hindi makatulad si Zen kay Zion. "Kahit nga rin si dad ay namiss ko na."

"Gusto mo bang tawagan natin si dad?" Mabilis na umiling ang kapatid ko.

"I know he's busy kaya ayaw kong isturbuhin siya."

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon