Chapter 32

963 29 4
                                    

Before we start, gusto ko lang po malaman kung sino sa kanila ang gusto niyo isususnod ko after ng story ni Neil:

David Ferrer

Miguel Valle

Oliver Perez

And by the way, yung kwento ni David ay sequel siya ng 10 Rules of my boss. :)

~~~~

After what happened before ay naging tahimik na ulit ang buhay namin. Wala mg kalaban na gustong patayin ako at tinawagan ko si Zion para pumunta sa resort nila pero hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit ko siya pinapupunta dito.

"May naging problema ba kaya mo ko pinapupunta dito, Jake?"

"Wala namang problema. Kaya lang naman kita pinapupunta dito para sabihin sayo na balak ko ng magpropose kay Trixie mamayang gabi."

"That's good. Hindi naman ako tumututol sa inyo at kung gawin iyon ay baka sermon lang ang matitikim ko kay ate."

"Pero kinakabahan ako." Sabi ko sabay kamot ng ulo.

"Tangina. Huwag kang kabahan dahil alam ko namang oo ang sagot ni ate sayo. Mahal ka ng kapatid ko kaya wala siyang dahilan para humindi at saka may anak na kayong dalawa."

"Kakayanin ko ito." Sabi ko. Pinapalakas ko ang loob ko ngayon.

"Nandito na rin naman ako sa resort ay tutulungan kita sa paghanda para mamaya."

"Salamat, pre."

Kinagabihan ay nagaasikaso kami para sa dinner date namin ni Trixie with proposal pa mamaya. Pinasara talaga na muna ni Zion ang resort nila sa oras na ito para wala ibang tao ang pumunta maliban sa amin.

"Are you ready for later? Sa dinner date natin." Tanong ko kay Trixie habang yakap siya sa likod.

"Paano si Jazz? Hindi ko naman siya pwedeng iwanan dito sa bahay."

"Paiwan na muna natin siya sa mga staffs. Sila na muna ang bahala kay Jazz ngayon at saglit lang naman ito."

"Okay. Hindi naman ako maka hindi sayo, Jake." Humarap siya sa akin at binigay si Jazz. "Ikaw na muna ang bahala kay Jazz habang magpapalit ako ng damit."

Pumasok na sa loob ng banyo si Trixie kaya ito ako ngayon. Daddy mode na muna habang nilalaro ko si Jazz. Tuwang tuwa ang anak ko habang nilalaro ko siya kaso may naramdam ako parang init sa may diaper niya. Shit, tumae yata si Jazz ngayon.

Mabuti na lang ay tinuruan ako ni Trixie noon kung paano magpalit ng diaper ng sanggol kaya pagkatapos kong palitan ang diaper ni Jazz ay nakita kong lumabas na si Trixie mula sa banyo.

"Ano nangyari habang naliligo ako kanina?"

"He just pooped. Pero huwag ka magaalala ay pinalitan ko na ang diaper ni Jazz kanina."

"Mukhang kaya mo ng alagaan si Jazz kahit wala ako sa tabi mo ah."

"Aba. Siyempre, inaalala ko ang lahat na tinuro mo sa akin. Kung paano magpalit ng diaper at magtimpla ng gatas sa bote."

"That's good. Ikaw na muna ang bahala kay Jazz habang marami akong ginagawa sa resort. Hindi ka pa naman bumabalik sa Manila para trabaho mo, eh." Sabi niya habang nagsusuot ng damit. Sa harapan ko pa talaga ah, pero ayos lang dahil nakita ko na rin naman ang katawan niya noon.

Pero shit lang, sobrang tagal na noong huling may nangyari sa amin ni Trixie ay parang gusto ko maulit iyon. Tigang na ako. Hindi ko naman inakala na hanap hanapin ko ang pagiisa namin ni Trixie noon.

"What do you think?" Humarap na siya sa akin para ipakita ang suot niya.

"Kahit anong suotin mo ay maganda ka talaga, Trixie."

"Bolero ka talaga. Jazz, paglaki mo ay huwag na huwag ka maging katulad ng daddy mo ah." Sabi niya sa anak namin kahit hindi pa naman maiintindihan ni Jazz ang sinasabi ni Trixie.

Pagkarating namin ni Trixie sa restaurant ay wala na kahit anong tao maliban sa ibang staffs, kay Zion kung saan man ang taong iyon ngayon at sa amin ni Trixie.

"Bakit walang tao ngayon?"

"Dahil pinasara ko na muna ang resort niyo ngayong gabi. Special kasi itong dinner date para sa atin."

"Paanong special?"

"Ito ang unang beses na mag-date tayong dalawa kaya gusto kong memorable sa ating dalawa ngayong gabi."

Dumating na ang mga inorder ko kanina bago pa kami pumunta dito ni Trixie at sinerve na sa table namin. Nagsimula na rin kami kumain ni Trixie ng hapunan.

"Paano na pala yung trabaho mo sa Manila ngayon?" Tanong niya sa akin.

"Which one? Ang pagiging agent ko o doctor?"

"Hindi ko naman tatanungin ang pagiging agent mo, no. Siyempre, yung pagiging doctor mo. Ang dami kasi namatay na nurses, security guards at doctors sa ospital niyo noong inambush yung ospital."

Natigilan ako sa pagkain. She's right. Nawalan din ako ng mga kaibigan dahil namatay silang lahat noong may umatake sa ospital noon at nakakaawa nga din ang mga kamag anak ng namatayan. Hindi nila tanggap na ganoon ang mangyayari sa pamilya nila. Ang iba pa naman sa kasamahan ko ay may pamilya na binubuhay.

"Jake, ayos ka lang?"

"Medyo nalungkot lang ako sa nangyari sa kanila. Siyempre, sa tagal pa naman ang samahan ng ibang doctors at nurses sa ospital na iyon at ang iba naman ay mga kaibigan ko. Pero wala na tayo magagawa. Wala kasing lugar na ligtas sa panahong ngayon. Kahit saan tayo pumunta ay may panganib talaga."

"Ano ang balak mo? Babalik ka ng Manila para doon magtrabaho?"

"Hindi na siguro. Ang balak ko sana ay magpatayo ng maliit na clinic malapit lang dito sa resort at babalik lang ako sa Manila kapag may emergency sa head quarter. Ayaw ko kasi habang lumalaki si Jazz ay wala ako sa tabi niya kaya gumagawa na talaga ako ng paraan para makasama kayong dalawa."

Pagkatapos namin kumain ni Trixie ay biglang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Kinabahan talaga ako sa gagawin ko ngayon.

Tumayo na ako sabay luhod sa harapan ni Trixie.

"J-Jake? Tumayo ka nga diyan baka may makakita pa sayo dito."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Trixie dahil nilabas ko na ang maliit na kahon na kulay velvet at binuksan iyon.

"Zaira Patricia, will you marry me?" Kabadong tanong ko sa kanya. Nagtakip ng bibig si Trixie habang naluluha at nakita ko kung paano siyang tumango.

"Yes! I will marry you, Jake." Napangiti ako sa pagpayag niya kaya agad ko siyang niyakap. Sinuot ko na rin ang singsing sa daliri niya.

"Thank you, misis ko."

"Hindi pa nga tayo kasal. Misis na agad." Natatawang sambit ni Trixie sa akin.

"Soon. Diyan din naman ang punta natin." Sabi ko sabay halik sa tuktok ng kanyang ulo. "I love you."

"I love you too."

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon