Trixie's POV
Inabot ng apat na buwan ang pangliligaw sa akin ni Jake kaya sinagot ko na rin siya dahil doon ko napansin na talagang mahal ako ni Jake at mahal ko rin siya. Siya ang unang lalaki na pumasok sa buhay ko at hindi na rin kami bumabata.
Lalo nga naging sweet sa akin si Jake kahit sinagot ko na siya ay tuloy pa rin ang pangliligaw niya sa akin.
"Ate, papasok na po ako ah." Napatingin ako kay Zen at tumango sa kanya.
"Magiingat ka."
Inabala ko ang sarili sa ibang bagay para hindi ako mabored. Pumunta pa nga ako sa mall katulad ng ginagawa ko noon hanggang sa umuwi na ako ay gabi na.
Kumunot ang noo ko dahil tumunog ang phone ko. Wala naman magtetext sa akin maliban kay Jake o Zion. Pagbukas ko ng message ay mas lalong kumunot noo ko.
"Ano ibig sabihin nito?" Hindi ako makapaniwalang may ibang babae si Jake. Kaya pala hindi ko siya matawagan nitong mga nakaraan dahil may ibang babae na siya.
Tinawagan ko kaagad si Jake at wala pang isang ring ay sinagot na niya.
"Nasaan ka?"
"Nasa ospital ako ngayon. Marami akong pasyente ngayon."
"Magkita tayong dalawa. Pupuntahan kita ngayon din sa ospital."
"Huh?" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil binaba ko na ang tawag. Tingnan natin kung anong kasinungaling ang sasabihin mo sa akin.
Pagkarating ko sa ospital ay dumeretso na ako sa clinic ni Jake. Nagulat pa nga siya pagkakita sa akin.
"Trixie, hey."
"Huwag na huwag mo ko matatawagan na Trixie." Inis kong tugon sa kanya para dahilan kumunot ang noo nito.
"May problema ba?"
"Oo. Dahil ikaw ang problema ko! Hayop ka!" Pinagsasapok ko siya sa sobrang inis. Minahal ko siya tapos ganito ang gagawin niya sa akin.
"Aray. Ano ba nangyari? Ano ang ginawa ko sayo?" Pinakita ko sa kanya ang picture na may kasama siyang babae. "Shit."
"Ngayon handa ako makinig sa mga kasinungaling mo, Jake!"
"Nagkakamali ka ng iniisip. Wala ako ibang babae maliban sayo. Mahal ki--" Mabilis dumampi ang kamay ko sa pisngi niya at halatang gulat siya sa nangyari. "Ow. Trixie, please. Makinig ka naman sa akin."
"Ayaw ko na, Jake. Mas mabuti pang tapusin na natin itong relasyon. Mas masaya ako bago pa kita nakilala. Hindi ito ang gusto kong mangyari."
"Trixie." Hinawakan niya ang braso ko pero agad ko naman inagaw sa kanya. "What do you mean?"
"We're over, Jake! Ayaw ko na makita iyang pagmumukha mo at ito na ang huling pagkikita natin."
Lumabas na ako ng clinic niya at doon lang pumatak ang luha ko. Pinapangako ko sa sarili ito na ang huling araw ko umiyak sa lalaking iyon. Kakalimutan ko na lang ang tungkol sa kanya. Kung ano ang meron sa aming dalawa ngayon.
"Trixie!" Tawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.
Pagkarating ko sa bahay ay dumeretso na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Dito na rin ako umiyak. Ang sakit sobra ng ginawa niya. Ang akala ko pa naman ako ang mahal niya pero niloko lang pala niya ako.
Ano ba ang ginawa kong mali para gawin niya sa akin ito?
Hindi ko sinasagot ang mga tawag niya sa akin. Bahala siya sa buhay niya.
Busy? Busy sa ibang babae niya. Psh.
Kinaumagahan ay umalis ako sa bahay para pumunta sa ice cream parlor na palagi kong pinupuntahan. Kumakain na lang ako ng ice cream para mabawasan ang sakit nararamdaman ko ngayon. Ang akala ko nga kapag tinulog ko ito ay mawawala na kinabukasan pero hindi pala. Nandito pa rin ang sakit.
Napatingin ako sa phone ko dahil tumatawag sa akin si Zion.
"Ate."
"Zion, napatawag ka."
"Nasaan ka? Galing ako kanina sa bahay pero ang sabi ni Zen ay umalis ka daw."
"Dito ako sa ice cream parlor kung saan tayo pumupunta lagi para kumain ng ice cream."
"May problema ba? Hindi ka naman pumupunta sa ice cream parlor kung wala kang problema. Kilala kita, ate."
"Wala akong problema. Ayos lang ako." Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Zion ang nangyari dahil alam ko naman busy siya at pati rin sa girlfriend niya. Sana nga hindi makatulad sa akin si Zion. Kahit makita ko lang masaya ang mga kapatid ko ay okay na sa akin.
Nakita ko na noon umiyak si Zion dahil hindi sumipot sa kasal si Kelly. Nakikita sa mukha ni Zion kung gaano siya kasaya dahil ikakasal na siya sa babaeng mahal niya pero sa araw mismo ng kasal niya ay bigla na lang naglaho ang lahat. Hindi ko magawang magalit sa ginawa ni Kelly sa kapatid ko baka may dahilan kung bakit siya hindi sumipot. Kaso move on na ang kapatid ko ngayon dahil may bago na siyang girlfriend kahit hindi ko pa siya nakikilala.
Sana mabuting babae ang girlfriend ni Zion at kayang mahalin ang kapatid ko.
"Pupuntahan kita diyan. Huwag kang aalis." Hindi na nga hinintay ni Zion ang sagot ko dahil binaba na niya ang tawag.
Halos natikman ko na ang lahat na flavor ng ice cream dito maliban lang sa isa. Ang avocado ice cream. Hindi kasi ako mahilig sa avocado kaya hindi ko na pinili iyon.
"Ate." Tumingin ako sa harapan ko pero napatingin siya sa table na puro ice cream cup. "Stress eating?"
"Hindi ah. Gusto ko lang tikman ang mga flavors nila dito. Maliban lang sa isa dahil alam mo naman ayaw ko ng avocado."
"Come on. Hindi stress eating pero lahat na flavor ay tinikman mo na."
"Sabi ko nga sayo gusto kong tikman ang mga flavors nila ngayon." Naubos ko na ang kinakain kong mango flavor ng ice cream. "Bakasyon na rin naman si Zen ngayon kaya doon na muna ako sa resort natin kasama si dad. Tutulungan ko na rin si dad pagtakbo ng resort natin."
"Biglaan naman yata."
"Wala rin naman akong ginagawa sa bahay habang bakasyon si Zen at nakakasawa na magshopping araw-araw. Wala naman magandang damit na pwedeng bilihin."
"Kung magagandang damit lang pala eh, matutulungan ka ng girlfriend ko."
"Kailan mo ba papakilala sa amin iyang girlfriend mo?"
"Not now. Masyado kasi ako busy ngayon sa head quarter. Pero pangako papakilala ko sa inyo si Jessa."

BINABASA MO ANG
Must Be Love
रोमांसAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...