Chapter 19

971 26 0
                                        

Ilang araw ang lumipas ay sobrang busy ko dahil inaalagaan ko si Trixie ngayon at hindi na rin naman ako binibigyan ng misyon ni Kurt ngayon para daw samahan ko si Trixie.

Galing kami ni Trixie sa OB niya para sa check up ay umuwi na rin kami pagkatapos pero may nakita kaming bata sa labas ng bahay nila. Nasaan ang mga bodyguards nila?

"Hello." Tumingin naman yung bata kay Trixie. "Sino ang kasama mo?"

"Ako lang po."

"Pasok ka na muna sa loob at..." Hinawakan ko ang braso ni Trixie para dahilan na lumingon siya sa akin.

"Ako na ang kakausap kay Zion at babalik na muna ako sa head quarter namin."

Pumunta na ako rin ako agad sa head quarter at lumapit na ako sa mga kasamahan ko.

"Guys, kailangan kong tawagan niyo si Zion ngayon."

"Bakit naman?" Tanong ni Neil.

"Nakita kasi namin ni Trixie ang anak niya sa labas ng bahay nila. Kailangan malaman ni Zion ang tungkol doon."

"Ako na ang magsabi sa kanya." Sabi ni Kurt sabay lumayo na sa amin.

Ang alam ko ay matatagalan pa ang balik ni Zion dito sa Pilipinas dahil ang layo ng London sa Pilipinas. Kahit sunduin pa siya ng helicopter ay aabutin pa ng ilang araw bago pa siya makarating dito. Sana nga lang maging maayos ang lahat dahil ang alam ko ayaw ni Zion sa bata. Hindi niya kasi tanggap na nagkaroon siya ng anak sa dati niyang nobya.

"Nasabihan ko na si Z na kailangan niya bumalik dito." Napatingin ako kay Kurt noong sinabi niyang sinabihan na niya si Zion.

"Mukhang lumayas sa kanila ang anak ni Zion." Sabi ko habang pinagkrus ko ang mga braso ko.

"Kung ano man ang dahilan ng anak ni Zion kung bakit siya lumayas sa kanila ay si Zion na ang makakagawa niyan." Sabi naman ni Rocco.

Ilang araw na kasi hindi pa rin bumabalik ng Pilipinas si Zion at mukhang wala na yatang balak umuwi ang gagong iyon. Hindi pa siguro niya mahanap si Jessa hanggang ngayon.

Nagpaalam na ako sa iba dahil baka hinahanap na ako ni Trixie ngayon. Ngayon ay alam na nila may priority na ako sa labas ng pagiging agent ko at nangako rin ako kay Zion na aalagaan ko ang kapatid niya.

Pagbalik ko sa bahay nila ay nakita ko ang anak ni Zion nakaupo lang sa sofa at binaling ko ang tingin kay Trixie na kumakain ng green apple.

"Nakabalik ka na pala." Sabi niya kaya lumapit na ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo sa isang bahay ang taong mahal at ang babaeng papakasalan mo.

"Maaga ako nagpaalam sa mga kasamahan ko ngayon at mabuti na lang pinayagan ako ni Kurt na umalis agad."

"Ano na pala ang balita? Nasabihan niyo na ba si Zion ngayon?"

"Yes. Sinabihan na siya ni Kurt na bumalik agad at may pinadalang helicopter doon sa London para sunduin si Zion. Hindi ko alam kung kailan makakabalik si Zion dito dahil malayo ang London sa Pilipinas." Tumingin na ulit ako sa bata na tahimik lang siya habang nakaupo pa rin sa sofa. "Kanina pa ba siya ganyan?"

"Oo. Hindi nga siya kumain kanina. Mukhang kailangan na talaga bumalik agad ni Zion dito para kausapin niya ang anak niya."

"Alam mo bang hindi tanggap ni Zion ang anak niya sa ex niya. Isa lang kasi ang gusto niya maging ina ng mga anak niya. Si Jessa lang." Isa pa kasi iyon tinamaan ng palaso ni kupido kaya ayaw na niyang mawala sa kanya si Jessa.

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon