Jake's POV
I wasn't expected to see her. Inaamin kong hindi ako sang ayon sa kagustuhan ng mga magulang ko na ipakasal ako na kahit sino na hindi ko naman kilala pero noong nakilala ko siya kanina ay nagbago ang lahat na iyon. Dahil siguro kapatid siya ng kaibigan kong si Zion. Ayaw ko kasi masira ang pagkakaibigan namin ni Zion dahil lang dito.
Pagkatapos namin kumain at magusap ni Trixie ay bumalik na ako sa head quarter para mag-report kay Kurt doon sa misyon na huli niyang binigay sa akin. Kanina pa lang kasi ako nakabalik galing misyon, eh.
"Nakabalik na si Jake!" Sigaw ni Neil pagkakita sa akin.
"Good to see you again, agent." Salubong sa akin ni Kurt.
"Musta ang misyon?" Tanong ni Miguel sa akin.
"Everything's fine. Dahil sinabi mo naman sa akin dati, Kurt mahihirapan ako gawin ang misyon dahil maraming tao nagbabakasyon ngayon sa Baguio."
"Yeah, marami talaga nagbabakasyon ngayon doon lalo na kung mainit ang panahon dito sa Manila." Sabi ni Kurt sa akin. Tama naman kasi siya at malamig talaga sa Baguio kaya marami may gusto pumunta doon.
"Medyo nahirapan nga akong hanapin siya pero inabangan ko na lang siya kung saang hotel siya tumutuloy at doon ko siya pinatay mismo sa hotel room niya."
"Good job, agent." Tinapik ni Kurt ang balikat ko.
"Ang galing talaga ni Jake." Hinakbayan ako ni Miguel.
"Aba, siyempre. Hindi mo naman ako katulad, no." Sumimangot naman ito kaya natawa na lang ako sa reaksyon niya.
Nandito ang lahat na kasamahan ko maliban kay Rocco dahil siya lang ang wala. Baka kasama niya ngayon ang kanyang anak na si Daisy. Nakilala ko na noon ang anak niya pero isang beses lang.
Tumingin ako kay Zion na abala sa laptop niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na kapatid niya ang babaeng papakasalan ko. Ayaw ko masira ang pagkakaibigan naming dalawa ni Zion. Importante rin sa akin ang pagkakaibigan naming lahat. Sa tagal pa naman namin magkakasama.
"Guys, let's celebrate dahil successful ang misyon ni Jake." Sabi ni Neil sa amin.
"Game ako diyan." Pag sasang ayon ni Miguel sa kanya.
"Tara. Club tayo!"
Wala na rin naman ako magagawa kaya sumama na rin ako sa club. Alam ko naman ang balak ng dalawang ito, eh. Ang maghanap ng babae.
Katulad ng ginagawa namin sa club ay nakaupo lang kami sa stool malapit sa bar. Umorder na rin ako ng maiinom ko. Pagkarating na pagkarating namin ng club ay babae na agad ang inatupag ng dalawang iyon.
"Himala yata hindi ka sumama sa dalawa." Sabi ni Zion habang abala ako sa iniinom ko.
"I'm here to celebrate pero wala naman akong balak maghanap ng babae ngayon."
Alam ko sina Kurt at Zion ay hindi sila maghahanap ng babae dahil may girlfriend na sila. Isang taon na nilang girlfriend sina Eunice at Jessa.
Napatingin ako sa phone ko dahil biglang tumunog iyon. Nakita kong unregistered number. Kaninong contact naman kaya ito? Nagpaalam ako sa dalawa ko pang kaibigan na sasagutin ko itong tawag.
Pagkalabas ko ay doon ko pa lang sinagot ang tawag na ito.
"Hello. Who's this?"
"Jake, si Trixie ito."
"Oh, Trixie. Napatawag ka. May problema ba?" Tanong ko kaso walang sumagot sa kabilang linya. Tiningnan ko kung naputol pa ang tawag pero hindi naman. "Trixie, are you still there?"
"Oo. Sorry, may iniisip lang ako kanina kaya hindi ako nakasagot agad."
"It's okay. Mukhang may problema ka ngayon. Wait me there, pupuntahan kita."
"Hindi mo nga alam kung saan ako nakatira."
"Oo nga pala." Napakamot ako ng ulo dahil may balak akong pumunta tapos hindi ko naman ang address niya. "Can you give me your address para mapuntahan kita diyan?"
Binigay naman niya sa akin yung address at alam ko kung saan iyon kaya madali lang ako makapunta sa kanila.
"Okay, wait me there. I'll be there within an hour."
Bumalik na ako sa loob para magpaalam sa mga kasamahan ko.
"I have to go."
"Ang aga naman." Sabi ni Neil na may kasama na siyang babae ngayon.
"May emergency lang sa ospital kaya kailangan kong pumunta doon." Pagdadahilan ko kaya tumango lang sila sa akin.
Nagmamadali ako magmaneho para makarating agad sa bahay nila Trixie. At wala pa ngang isang oras ay nakarating na agad ako kaya tinawagan ko na siya.
"Nandito na ako sa labas ng bahay niyo."
"Okay, hintayin mo ko. Lalabas lang ako." Binaba na niya ang tawag. Hindi naman ako matagal naghintay dahil may kumatok sa bintana ng kotse ko kaya binaba ko iyon.
"Get in." Binuksan ko na rin yung lock sa passenger's seat.
Sumakay na rin siya sa passenger's seat at halata ngang may problema si Trixie kumpara kanina.
"I'm here to listen to your problem."
"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko ngayon. Kahit gusto ko ng umalis si Zion sa pagiging agent niya dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya. Ayaw ko kasi may mamatay ulit. Simulang namatay si mama ay lumipat ng tirahan si Zion tapos nabanggit niya rin sa akin na pumasok siya bilang NBI agent."
"Sorry. Gusto sana kitang tulungan kaso wala akong alam kung ano ang dahilan ni Zion kung bakit siya pumasok sa pagiging agent. Ni minsan ay hindi pa niya kinukwento sa amin at handa naman kami maghintay hanggang maging handa siya."
"Ikaw. Ano ang dahilan mo kaya pumasok sa pagiging agent?" Natigilan ako sa tanong ni Trixie. Ano nga ba talaga ang dahilan ko kaya ako sumali?
"Actually, wala akong dahilan kung bakit ako pumasok. Maybe I just want to help all victims. Siguro nga kilala ako bilang doctor. Isang doctor na dapat gumagamot ng mga tao, hindi ang pumapatay pero hindi naman inosente ang pinapatay namin." Napansin kong natatakot si Trixie sa sinabi ko sa kanya. O baka iniisip niyang may pinatay na si Zion. "Kung iniisip mo na may pinatay na noon si Zion ay ito lang sasabihin ko sayo... hindi namin binibigyan ng misyon si Zion dahil siya ang nago-operate ng location ng kalaban para malaman namin kung saan sila matatagpuan. In other word nasa head quarter lang siya."
"Jake." Hinawakan niya ang kamay ko dahilan napalingon ako sa kanya. Bigla na rin bumilis ang tibok ng puso ko. "Kung ayos lang sayo na bantayan mo si Zion. Nagaalala kasi ako para sa kapatid ko."
"You have nothing to worry, wala mangyayaring masama kay Zion. May tiwala ako sa kaibigan ko at sana ganoon ka rin para sa kapatid mo."
"Natatakot lang ako."
"Walang mangyayaring masama kay Zion." Pinatong ko ang isang kamay ko sa kamay niya. "Kahit sabihin natin delikado itong trabaho pinasok namin pero hindi naman gusto ng superior namin ang may mamatay isa sa amin."
"Sorry sa lahat nangyari ngayong gabi. Ikaw lang kasi ang pwede kong kausapin."
"It's okay. I understand. Dahil diyan ipapasyal kita para mawala ang problema mo kay Zion."
"Ipapasyal mo ko sa ganitong oras?"
"Magandang mamasyal pag gabi, Trixie." Pinatakbo ko na ang makina ng kotse ko.

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...