Trixie's POV
Nandito ako ngayon sa isang kwarto habang inaayusan ako ng baklang make-up artist. Palagi niyang sinasabi sa akin na mukha daw akong modelo dahil sa taglay kong ganda. Kung alam lang niya na dati akong modelo.
Habang inaayusan ako ay may narinig akong katok sa pinto at bumukas iyon. Hindi ko na nga inabala kung sino ang kumakatok.
"Ang ganda talaga ng ate namin." Huminto ang baklang make-up artist sa ginagawa niya kaya tumingin ako sa harapan ko. Sina Zion at Zen.
"Ang ganda ganda talaga ni ate." Sabi ni Zen saka lumapit sabay yakap sa akin.
"Ikaw ah. Tinuturuan mo ba ito kung paano mangbola, Zion?"
"Ate naman. Good boy kaya ako at bawal na iyan sa akin baka magalit pa sa akin si Jessa."
"Totoo naman pong maganda kayo, ate. Manang mana kayo kay mama kahit hindi ko siya nakita." Napatingin naman ako kay Zen. Hindi nga niya naabutan si mama noon dahil namatay si mama ay baby pa lang si Zen.
"Zion, alagaan mo ng maigi si Zen ah."
"Oo naman. At pangako kapag bakasyon ni Zen ay bibisitahin namin kayo sa resort."
"Talaga, kuya? Doon tayo magbabakasyon?"
"Oo. At gusto din naman ng ate Jessa mo na bumalik sa resort."
Naku, kapag nagsuot ng two piece swimsuit si Jessa ay walang wala na ang mga kababaihan sa kanya. Sa sobrang sexy pa naman ni Jessa. Talbog lahat na babae doon sa resort. At panigurado akong maglalaway si Zion. Baka nga masundan agad nila si Zoe.
"Ate, alam ko ang ngiting iyan." Sabi ni Zion. Tumayo ako para lapitan si Zion at niyakap.
"Ikaw na lang ang pag asa na bigyan ng maraming pamangkin si Zen." Bulong ko sa kanya.
"Ate." Singhal ni Zion. Kahit hindi ko tingnan ang kapatid ko ay alam kong namumula na siya ngayon. "Pero masaya ako para sa inyo ni Jake. Kung nandito lang sina mama at dad ay matutuwa sila para sayo."
"Pinapaiyak mo naman ako, Zion." Sabi ko sabay punas sa luha. Kung nabubuhay lang ang mga magulang namin ay paniguradong mauunang umiyak si mama ngayon at dadamayin siya ni dad.
"Sige. Guguluhin pa namin ni Zen si Jake ngayon. Kita na lang tayo sa simbahan ah." Paalam ni Zion at kumaway namab sa akin si Zen bago pa sila umalis sa kwarto.
Kahit isang araw lang hindi ko nakita si Jake ay sobrang miss ko na siya. Pinag bawal kasi magkita ang bride at groom bago ang kasal nila baka daw hindi matuloy ang kasal. Mas mabuti ng sumunod sa sinasabi ng mga nakakatanda kaysa naman mangyari.
Maya maya pa ay nakarating na ako ang sinasakyan kong kotse sa tapat ng simbahan dahil magsisimula na ang seremonya. Bumukas na ang pinto ng simbahan at nasa tabi ko na ngayon si Zion. Siya kasi ang maghahatid sa akin sa altar.
Nakita ko na si Jake nakatayo sa gilid habang nagpupunas ito ng kanyang mata. He's crying. Si Jazz naman ay karga ng mama ni Jake.
"Jake, on behalf of our father ay ako na ang magsasabi nito sayo. Basta alagaan mo lang ang ate ko at huwag na huwag mo siyang papaiyakin kung ayaw mo pati ang pagkakaibigan natin ay masira lang dito."
"No worries, pre. Hinding hindi ko iyan gagawin kay Trixie." Tumango si Zion sa kanya at binigay na ako kay Jake.
"You looks beautiful today." Bulong niya sa akin.
"You too. I mean you looks handsome." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jake. Aba, pinagtawanan ako. Bastos din ang lalaking ito ah.
Pagkatapos ng wedding ceremony ay dumeretso na kami ngayon sa reception. Karga ko na ngayon ang anak namin na si Jazz. Ang gwapo din ng anak namin, manang mana sa ama kahit kamukha ko siya.
Ang sabi ng iba ay male version ko daw si Jazz. Hindi naman lahat ay nakuha ni Jazz sa akin dahil may isa siyang nakuha kay Jake. Ang mga mata nito. Pareho sila ng mata ng kanyang daddy.
"Alam kong gwapo ako kaya na in love ka sa akin." Sabi nito kaya pinalo ko siya sa braso.
"Ang kapal mo din, no? Hindi kaya ako na in love sayo dahil gwapo ka."
"Sa tagal pa natin magkasama ay hindi ko pa alam kung bakit ako ang minahal mo noon."
"Kailangan ba ng dahilan para mahalin lang kita?"
"Hindi naman ako humihingi ng dahilan, Trixie. Ang tinatanong ko lang kung ano ang nagustuhan mo sa akin."
Hindi ko na siya sinagot dahil ayaw kong malaman niya kung ano ang nagustuhan ko sa kanya. Bahala siya sa buhay niya.
Pagkatapos kumain ay ang gusto ko ng umuwi kaso ang dami pang kalokohan ang mga kaibigan ni Jake. Pasimuno daw ng kalokohan na ito ang dalawa niyang kaibigan na sina Miguel at Neil. Napailing na lang ako sa kanila. Ang dami kasing alam.
"Oh, ngayon kasal na rin si Jake. Ibig sabihin isa sa inyo ang susunod." Sambit ni Kurt.
Kilala ko na rin naman ang mga kaibigan niya dahil palagi binabanggit sa akin ni Jake noon. Pero matagal ko na silang kilala dahil kay Zion.
"Basta hindi ako iyan." Ani Neil.
"Mas lalo na ako dahil wala naman akong balak magkaroon ng asawa, no. And beside, I'm enjoying being a single, right, Oliver?" Humarap si Miguel kay Oliver ng tanungin niya ito.
"Huwag niyo ko idamay diyan."
"So, ibig sabihin pala ay ikaw na ang susunod?" Tanong niya ulit.
"Wala akong sinabi ah. Wala pa isipan ko ang pumasok sa isang relasyon. Ang priority ko lang ang trabaho ko ngayon."
"Neil, kayo na lang ni atty. Ainsley." Sambit ng asawa ko.
"Gago ito. Hindi kami bagay ni Fannie at ayaw ko naman pumasok siya sa magulo kong buhay. Saka ang gusto ko sa isang babae ay maganda at sexy."
"Maganda at sexy naman si atty. Ainsley ah, Neil." Ani Zion.
"Hon." Sabay hampas ni Jessa sa asawa.
"What? I mean, sinasabi ko lang iyon para kay Neil. Huwag mong bigyan ng malisya, hon. Ikaw lang ang maganda at sexy sa paningin ko." Napailing na lang ako ng ulo. Ang mga lalaki talaga ay sanay sa bolahan. Kahit ang kapatid ko ay natuto na rin mangbola na hindi ko man lang alam.
"Well, I agree with Z. Maganda at sexy nga siya noong unang beses ko siya nakita sa kasal nila Z at Jessa."
"Aba, aba. Ang dating walang interesado sa babae ay ngayon iyan na ang sinasabi." Sabay nilang lahat. Mukhang pinagkakaisahan nila ngayon si Kurt.
"Kurt, sa sala ka matulog mamayang gabi." Sabi ni Eunice sa kanya.
"Babe, walang ganyanan."
Narinig ko naman pagtawa ng iba. Kawawang Kurt.
BINABASA MO ANG
Must Be Love
Roman d'amourAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...