Ngayong araw ay humingi sa amin ng tulong si Zion para yayain na si Jessa magpakasal sa kanya at siyempre hindi mawawala ang mga kaibigan ni Jessa sa preparation ng dinner date ng dalawa. Sina Eunice at Sarah ang nagaayos ng venue pero tumutulong lang kami mga boys sa kanilang dalawa. Ang sabi ni Zion sa amin simpleng dinner date lang pero sa tingin ko mauuwi sa engrande ang dinner date nila ni Jessa dahil sa dalawa.
Nasa malayo kaming lahat habang pinapanood namin ang dalawa ngayon. Nakikita ko na ang pagluhod ni Zion sa harapan ni Jessa kaya yung dalawang kaibigan niya ay pinipigilan ang tumili. Mga babae nga naman.
"Wifey, huwag ka masyado maingay baka malaman ni Jessa nandito tayo ngayon." Sabi ni Rocco sa asawa.
"Babe, like what Rocs said." Sabi naman ni Kurt.
"Sorry, hindi lang namin mapigilan dahil kinikilig kami dito sa pangyayari. Ikakasal na rin sawakas si Jessa." Sabi naman ni Sarah sa kanila.
"Tama. Pangarap kasi naming tatlo na magpakasal sa lalaking mahal namin. Alam namin ni Sarah na gusto ni Jessa ang magpakasal kay Zion dahil mahal niya ang kaibigan niyo."
"Shh... Huwag na kayo maingay. Ito na ang maganda nangyari, oh." Mahinang sambit ni Neil.
Nakita ko na noong nagyakapan na sina Jessa at Zion. Sa tingin ko ay umoo na si Jessa sa pagpropose sa kanila ni Zion. I'm so happy for them.
Napatingin ako sa orasan dahil nakalimutan ko na may family dinner nga pala ngayon at kailangan kong sunduin si Trixie sa kanila.
"Guys, I have to go. Send my congratulations to them."
"Bakit naman? Hindi mo makikita ang magandang pangyayari nito mamaya." Tanong ni Kurt sa akin.
"May family dinner kasi kami at ngayon ko rin ipapakilala si Trixie sa pamilya ko." Sagot ko sa kanya at tinapik naman ni Rocco ang balikat ko para dahilan na lumingon ako sa kanya.
"Sige, ingat ka na lang ah."
"Huwag ka na muna umalis, Jake. Tapos na rin ang kasiyahan." Sabi ni Miguel sa amin.
Nakita ko ngang tapos na rin magpropose si Zion kay Jessa kaya pumalakpak na kami sa kanila. Masaya ako para kay Zion dahil nawala na rin ang takot niyang magpakasal. Mas takot kasi siyang mawala ang mag-ina niya.
"Woohoo! Congrats!" Sigaw ni Neil. Kahit kailan talaga ang lalaking ito. Akala mo pa naman nakalunok ng megaphone dahil sobrang lakas ng boses.
"Congrats, girl. Malapit ka na ikasal." Bati ng dalawang kaibigan ni Jessa.
"Hindi ko alam nandito rin pala kayo."
"Papahuli pa ba kami? Asawa namin ni Sarah ang dalawang kaibigan ng fiance mo." Sabi ni Eunice.
"Sinabi sa akin ni Rocco na may balak magpropose sayo ni Zion. I'm sure ganoon rin kay Eunice kaya tumulong kami magayos ng lugar na ito para sa inyong dalawa."
"Salamat, girls."
"Masaya ako para sa inyo, Z."
"Salamat, Kurt."
"Kailan niyo balak magpakasal?"
"Pagka panganak na lang siguro ni Jessa sa panganay namin."
"Panganay ah? May balak ka pa pala sundan." Natatawang sambit ni Rocco.
"Siyempre naman. Masaya magkaroon ng kapatid."
"Susunod kay Zion ay si Jake na." Ani Neil.
"Oo nga pala." Tumingin sa akin si Zion. "Alagaan mo ang kapatid ko ah."
BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...