Tumahimik na ang kapaligiran at sa tingin ko ay umalis na ang mga kasamahan ko kaya makakatulog na ulit ako. Anong oras na rin kasi. Sa tingin ay around 3 na ng madaling araw.
May narinig akong kumatok at bumukas ang pinto. Baka nurse lang iyon para i-check ako.
"Halos kakatulog lang niya." Rinig kong sambit ni Miguel. Akala ko umalis na sila nandito pa rin pala.
"Ah, ganoon ba? Babalik na lang mamaya." Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses niya. Ibig sabihin ay bumisita rin siya. Pero paano niya nalaman nangyari sa akin? Imposible naman tinawagan siya ng mga kasamahan ko. Hindi naman nila alam ang tungkol kay Trixie.
"Hindi pa ako tulog. Patulog pa lang." Sabi ko saka dinilat ang mga mata ko. Binaling ko silang lahat. Si Rocco pa lang ang umalis sa kanila dahil nandito pa rin ang iba.
"Sige, Jake. Alis na rin kami." Paalam ni Kurt. Mabuti naisipan niyo ng umalis. Ang akala ko pa naman may balak sila bantayan ako rito.
Nang makaalis na ang mga kasamahan ko sa agent ay tumingin ako kay Trixie.
"Ang alam ko tapos na ang visiting hour at masyado ng late." Nakita kong sumimangot siya sa akin. Shit, Jake wrong move.
"Ano ba nangyari sayo? Nagaalala ako sayo noong may tumawag sa akin galing sa ospital."
Bumangon na muna ako sa kama at umupo sa gilid saka hinawakan ang isa niyang kamay.
"Tandaan mo na may sumusunod sa atin kanina?" Tumango siya sa akin. "Gusto nila ako patayin kaso bigo sila. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi sila umatake habang kasama kita kanina."
"Jake naman." Nagulat ako nang may luhang pumapatak sa mata niya. Agad ako napatayo para pahidin ang luha niya.
"Shit. Sorry, kung nagaalala ka talaga sa akin." Kinakabahan ako dahil hindi pa naman ako marunong sumuyo ng babae. Hindi ko sinusuyo si Eina noon dahil palagi naman ako wala sa tabi ng kapatid ko.
Napatingin ako sa mga labi ni Trixie at napalunok dahil naalala ko ang nangyari kanina. Nahalikan ko siya at ang lambot ng mga labi na iyan. Para bang ang sarap halik-halikan.
"Jake.." Tumingin ako sa mga mata niya at ngayon ko lang napansin maganda pala iyon. Kung magkaroon man kami ng anak ni Trixie ay ang gusto ko makuha ang mga mata ng kanyang mommy.
What the hell? Wala pa nga kayo tapos iyan na agad ang iniisip mo?!
"I'm sorry. I really sorry, Trixie." Bulong kong sabi.
"Magiingat ka na sa susunod dahil natatakot di--" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil sinunggaban ko siya ng halik at nagulat na lang ako noong tumugon siya sa akin. Ako na rin ang humiwalay baka saan pa kami makarating at mawala sa isipan ko nasa ospital kami ngayon. "B-Bakit mo ko hinalikan ulit?"
"Kailangan ba may dahilan kung bakit kita hinalikan?"
"Of course dahil first kiss ko iyon. I mean yung hinalikan mo ko kanina." Napangiti ako sa sinabi niya dahil ako ang first kiss ni Trixie. Ibig sabihin ba niyan wala pa siya naging boyfriend?
"Ibig sabihin ba wala ka naging boyfriend?" Tanong ko saka umupo sa gilid ng kama.
"Wala dahil masyadong strict si dad sa amin kaya wala may gustong mangligaw rin sa akin. Kung meron man kailan humarap kay dad kaso lahat na magbalak na mangligaw sa akin ay takot sa kanya."
"Paano ba iyan balak ko rin sana ligawan ka at mukhang kailangan ko rin harapin si mayor para pumayag siya maging first boyfriend mo."
"S-Seryoso ka?" Bakas sa mukha niya na hindi naniniwala sa sinabi ko. Sakit noon ah.
"Yes. Balak ko sana pagkalabas ko rito sa ospital ay doon kita sisimulang ligawan."
"Kaso palaging wala si dad sa bahay dahil nasa resort na siya tumutuloy."
"Resort?" Tumango siya sa akin. Sa daming resort sa Pilipinas. Saan doon?
"Hindi ba sinabi sayo ni Zion na may resort ang pamilya namin?" Mabilis akong umiling sa kanya. Wala kasing binabanggit si Zion tungkol doon. "Sky Island ang pangalan ng resort. Sa totoo niyan si mama talaga ang nagaalaga sa resort namin pero wala na si mama ngayon kaya si dad na."
Sa nakikia ko ay ganoon kamahal ni mayor Alfred ang asawa niya na kaya niyang talikuran ang pagiging mayor niya. Kaya ko rin ba gawin ang katulad ng papa ni Trixie? Makakaya ko rin kaya talikuran ang pagiging agent ko para sa kanya? Sasabihan ba niya ako na umalis sa pagiging agent kapag kinasal na kami?
"Pahinga ka na, Jake. Anong oras na rin at malapit na sumikat ang araw."
"Uuwi ka na ba?"
"Mamaya pa ako uuwi dahil pinauwi ko yung mga bodyguards ko at wala din akong kotse na dala." Kumuha siya ng isang silya at nilagay sa tabi ng hospital bed bago pa siya umupo. "Babantayan kita."
Ngumiti ako at humiga na rin para makapag pahinga na ako. Tama nga kasi si Trixie na malapit na sumikat ang araw. Ang bilis talaga ng oras.
Nagising ako ay may araw na sa labas at hindi ko alam kung gaano kahaba ang tinulog ko kanina pero ang nangyari ay iyon ang magandang nangyari sa akin. Maliban na lang sa naaksidente at may gustong patayin ako.
Tumingin ako kay Trixie na ngayon ay tulog pa rin siya kaya bumangon ako at binuhat siya para ilagay sa couch. Kinuha ko na rin ang kumot at nilagay sa kanya para hindi ginawin si Trixie.
This is not me. Hindi ko ito ginagawa noon. First time kong gawin ito sa babae. Hindi naman ako babaero katulad ni Neil pero hindi ko kayang saktan si Trixie. Hindi na ito tungkol sa pagkakaibigan namin ni Zion. Basta ang alam ko lang ay ayaw kong masaktan si Trixie dahil sa pagkakataon ay ako ang unang lalaking pumasok sa buhay niya.
I think, I'm in love at hindi ko kayang mawala sa akin si Trixie.
Maliban sa pamilya ko ay mahalaga na rin sa akin si Trixie at handa ako makipag patayan para lang protektahan siya.
"I love you." Bulong ko kahit alam ko naman hindi niya ako maririnig. Sa himbing pa naman ng tulog niya. At mabilis ko siyang hinalikan sa labi.
BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...