Kinabukasan ay umuwi na muna ako sa amin para kausapin si Eina kaso ang sabi ni mama ay wala siya ngayon. But it's weekend. Paanong wala dito ang kapatid ko? Ang alam ko din walang pagpasok si Eina kapag weekend. At sinabi na rin ni mama nasa Tagaytay ngayon si Eina kasama si Gael para puntahan ang simbahan na pinili nila.
So, Tagaytay pala ang nagpasya nila magpakasal.
Malayo pero kung doon gusto ng kapatid ko ay hindi ako pwedeng magreklamo dahil hindi naman ako ang ikakasal. Kahit naman ako ang ikakasal ay hindi din ako pwede magreklamo.
Wala na rin naman ako ibang choice kaya tatawagan ko na lang si Eina at sana nga lang ay hindi siya busy ngayon.
"Napatawag ka, kuya. May problema ba?"
"Hindi porket tumawag ako ay problema na agad." Kahit wala dito si Eina I know she's rolling her eyes.
"Bakit ka ba kasi tumawag?"
"Nandito kasi ako ngayon sa bahay para kausapin ka pero ang sabi ni mama ay wala ka daw ngayon at nasa Tagaytay."
"Yes, I'm with Gael. Why? Ano ang kailangan mo sa maganda mong kapatid?"
"Seryoso ka na ba diyan? Hanggat maaga pa ay pwede ka pa hindi pumunta sa araw mismo ng kasal mo."
"What the hell? I'm serious to marry Gael, kuya. Kung ito lang ang tinawag mo ngayon ay ibaba ko na ito."
"Ito naman. Hindi ka na mabiro. Kaya lang naman ako tumawag sayo ngayon para sabihin sayo na hindi makakapunta si Trixie sa kasal niyo."
"Why? I was expected you're coming with ate Trixie on my wedding day. I thought you're already told her."
"Oo pero sa hindi inaasahan ay nanganak siya wala sa oras. I mean napaaga ang panganganak niya."
"Wow. Really? Isa ka na pa lang ganap na ama ngayon, kuya. Congrats. And I understand why ate Trixie can't come on my wedding day. Bibisita na lang kami ni Gael kay ate Trixie."
Hindi na ako makaangal sa gustong gawin ni Eina. Isasama niya ang lalaking iyon para bisitahin si Trixie. Wala na rin naman ako magagawa dahil magiging bahagi na rin naman siya ng pamilya namin kapag kinasal na silang dalawa ni Eina.
Pinuntahan ko na si mama sa kusina para tulungan siya sa ginagawa niya.
"Pumunta ka lang ba dito para kausapin ang kapatid mo? Wala ka bang balak sabihin sa akin na dumating na pala ang apo ko. Kung hindi ko lang narinig kanina ang sinabi mo kay Eina ay hindi ko malalaman, Jake." Ngumiti ako kay mama. Nagtatampo tuloy siya.
"No, ma. Sasabihin ko rin naman po sa inyo nanganak na si Trixie kahapon."
"Napag usapan niyo na ba ni Trixie ang tungkol sa kasal niyong dalawa?"
"We're planning to get married next year. Magpropose pa lang ako sa kanya this year."
"Kailan mo naman balak magpropose sa kanya?"
"Pagkalabas na pagkalabas niya sa ospital with baby Jazz."
"Ano pangalan ng anak niyo?"
"Jasper Tyrone, ma pero tinatawag namin siyang Jazz."
"Sigurado ako kapag nalaman ng papa niyo ang balita ay matutuwa iyon."
"Kailangan po ang uwi ni papa?" Tanong ko. Alam kong hindi papalampasin ni papa ang araw ng kasal ni Eina.
"A day before your sister's wedding ay uuwi na ang papa niyo pero sa Tagaytay na lang natin siya hintayin."
"Sa Tagaytay po ba talaga ang gusto nila magpakasal?"
"Doon kasi pinili ng kapatid mo kaysa naman daw sa Venice."
Venice?! What the hell? Mas malayo pa iyon kaysa sa Tagaytay.
Bago pa ako magpaalam kay mama ay sinabi niya sa akin na dadalaw siya mamaya dahil hinhintay pa niya ang pagbalik ni Eina galing Tagaytay para may bantay si Isaac.
Nasa tapat na ako ng hospital room ni Trixie kaya kumatok na ako bago binuksan ang pinto. I saw her while carrying our son.
"Hi." Nakangiting bati ko sa kanya.
"Musta ang paguusap niyo ni Eina kanina?"
"Wala si Eina sa bahay dahil nasa Tagaytay siya kasama ang boyfriend niya."
"Tagaytay? Ano naman ang ginagawa nila doon?"
"Doon nila plano ang magpakasal." Tumango sa akin si Trixie at kumuha ako ng isang silya saka nilagay sa tabi ng kama bago umupo. "Pero tinawagan ko na rin naman siya kanina para sabihin sa kanya hindi ka makakadalo sa kasal niya. Naiintindihan naman niya. Baka dumalaw siya kasama si Gael. Sinabi ko na rin kay mama na nanganak ka na kaya dadalawin din siya dito mamaya pero hinihintay lang niya ang paguwi ni Eina para may bantay kay Isaac sa bahay."
"Dumalaw pala dito kanina si Zion kasama ang pamilya niya at Zen. Tuwang tuwa pa nga si Zen nang makita niya si Jazz kanina. Naalala ko tuloy kung gaano kasaya si Zen makita si Zoe noon."
"Masaya siguro si Zen dahil marami siya magiging pamangkin." Bigla ako nalungkot dahil hindi na namin pwede sundan si Jazz sa pagkakataon.
"Iniisip mo ba ang tungkol sa hindi na kita mabibigyan pa ng anak, Jake?" Inangat ko ang tingin para tingnan si Trixie at ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Sorry kung hindi na kita mabibigyan pa ulit ng anak."
"Ayos lang iyon. Masaya na rin naman ako na dumating sa buhay natin si Jazz. Kayo na ang priority ko ngayon kaya aalagaan ko kayong dalawa hanggat nabubuhay ako."
"Ang sweet mo talaga kahit kailan."
"Palagi naman ako sweet pagdating sayo." Sabi ko sabay kindat sa kanya.
"Tigilan mo ko sa pagkikindat mo sa akin, Jake." Natawa ako sa naging reaksyon ni Trixie. Kahit si Jazz ay nakikitawa na rin.
"Tingnan mo. Mukhang natuwa din si Jazz sa itsura mo kanina." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Baby pa itong anak natin kaya huwag mong turuan ng mga kalokohan mo, Jake."
"Wala pa nga." Tuloy pa rin ako sa pagtawa. Shit, ang sakit na ng tyan ko sa kakatawa. "Huwag mo lang ilapit si Jazz kila Mig at Neil baka mahawa sa pagiging malandi."
"Ayaw ko naman mangyari iyon, no." Tumayo ako sa pagkauwi ko sa silya para tumabi sa mag-ina ko. Binigay naman sa akin ni Trixie si Jazz.
"Hi, Jazz." Nakangiting bati ko sa anak ko at inulanan ko siya ng halik sa pisngi. Maybe he got my eyes pero inaamin kong kamukha niya talaga si Trixie. Kahit pa paano ay may nakuha naman siya sa akin.
Male version ni Trixie si Jazz paglaki ng anak namin.
"I always love you, baby. And of course, I love your mommy too."
"I love you too." Pinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko.
"Mukhang inaantok ka pa. Matulog ka na muna at ako na ang bahala kay Jazz habang natutulog ka." Tumayo na ako habang karga pa rin si Jazz para makahiga na si Trixie ng maayos.

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...