Hindi ako makapaniwala ganoon ang mangyayari kay Zion.
"Teka, alam ba ni Jesaa ang tungkol diyan?" Tumango naman si Zion sa kanya.
"Inamin ko na sa kanya ang lahat. Ayaw ko na magtago ng sikreto sa kanya. Nakaka konsensya na rin kasi." Huminto ko ulit si Zion sa pagkukwento ng ilang minuto. "At sa hindi ko alam na may maging anak ako kay Kelly."
"What?!"
"Ano?!"
Pareho kami nagulat sa huling sinabi ni Zion. Paano na ngayon iyan? Malaking problema nga talaga ito.
"Dahil sa pagiwan ni Kelly sa akin sa altar ay hindi ko tanggap ang bata. Isa lang ang gusto ko maging ina ng mga anak ko, si Jessa lang iyon at wala ng iba."
"Sigurado naman sinabi mo rin kay Jessa ang tungkol diyan."
"Oo naman, Kurt. Ang sabi pa naman niya sa akin ipaglalaban niya kung ano meron kami kahit madalas nagtatampo sa akin si Jessa dahil mas inuuna ko ang trabaho ay nararamdaman kong mahal niya rin ako."
"Ang pedophile no. 3 natin in love." Biglang sambit ni Neil.
"Kung si Kurt ang no. 1, si Rocco ang no. 2 at siyempre si Zion ang no. 3." Ani Miguel.
"Mga gago." Sabay pa silang dalawa.
"Kapag kayo magkaroon ng mas bata pa sa girlfriend namin." Talaga itong si Kurt palagi sineseryoso ang kalokohan namin. Kaso mabuti na lang hindi mas bata ang girlfriend slash fiancee ko.
"Eh di, welcome to Pedophile Club." Natatawa pang sabi ni Oliver dahilan para batuhin siya ni Kurt ng ballpen.
Nah, hindi ako qualified sa club na iyan.
"Hello, guys!" Napalingon kaming lahat nang marinig ang boses ni Rocco. Aba at nakabalik na pala sila galing honeymoon.
"Nice. Bumalik na ang bagong kasal sa honeymoon nila." Sabi ko sa kanya.
"Pasalubong namin, pre." Bungad ni Neil.
"Ano ba iyan. Kakabalik ko lang galing honeymoon, iyan agad ang bungad mo sa akin."
"Miss lang kita, pre. Pahalik nga."
"Tangina. Hindi namin alam bakla ka pala, Neil." Sabi ni Miguel kaya napalingin na lang ako.
"Musta ka na, bro?"
"Ayos lang naman ako. Bumisita lang ako rito para kamustahin kayo."
"Aba, hindi kayang lumayo sa asawa." Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Oliver.
"Anyway, sino pala ito? Mukhang may bago tayo ah. Bagong agent?"
"Hi, I'm Aaron Ventura." Pakilala niya pagkalalit kay Rocco at nilahad ang kamay nito. "And you must be agent Rocco Hernandez?"
"Yes, I'm agent Rocco Hernandez. Pero huwag naman masyadong formal dahil hindi aki sanay may tumatawag sa aking agent."
Napalingon ako kay Kurt dahil siya lang naman ang tumatawag sa amin na agent o sa apilyido.
"Oh bakit kayo nakatingin sa akin?" Tanong ni Kurt sa amin.
"Dahil ikaw lang ang tumatawag kay Rocco na agent Hernandez o Hernandez." Sagot ni Zion.
"Ano naman ngayon? Superior ako ni Rocco at nasanay akong tawagin siyang ganoon kapag nasa kalagitnaan kami ng misyon."
"Mas sanay lang akong tumatawag sa akin ay si Kurt pero kung sa inyo, hindi."
"Sige na. Kayo na ang best buddies." Kunwari nagtatampo kami sa kanila. Alam naman namin mas close sina Kurt at Rocco sa isa't isa lalo na sila ang unang nagkakilala bago sa amin.

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...