Ilang araw na ako nakakaramdam ng kakaiba para bang gusto kong ilabas lahat na kinakain ko at yung mga ayaw kong kainin ay gusto ko na ngayon.
Naghugas ako ng bibig ko pagkatapos kong sumuka ulit ngayong araw. Kaninang umaga ay sumuka nga ako kaya nagising ako ng maaga.
"Ate." Sinarado ko na ang tubig sa gripo noong narinig ko ang boses ni Zion. "Ate? Nandito ka ba?"
Binuksan ni na ang pinto ng banyo at lumabas na ako.
"Ayos ka lang?" Nagaalala sa akin ni Zion ngayon.
"I don't know, Zion."
"Tell me, ate. Ano ang pakiramdam mo? Gusto mo ba magpati--" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil ayaw ko pumunta sa doctor.
"I think I'm pregnant." Naiiyak ako sa tuwa baka nga posibilidad na buntis ako. Matutuwa rin si Jake kapag nalaman niya.
"Ano?! Paano ka naman nakakasiguradong buntis ka?"
"Ilang araw na kasi ako nagsusuka tapos kakaiba ang pang-amoy ko ngayon hindi katulad noon and then yung ayaw kong kainin ay kinakain ko na ngayon. Gustong gusto ko pa nga."
"Sino ang ama?"
"Si... Si Jake." Napanganga pa si Zion noong sinabi ko si Jake ang ama. Alam naman niya ang tungkol sa amin dahil sinabi sa kanya ni Jake ang lahat.
"Yun naman pala, eh. Dapat matuwa ka pa dahil magiging magulang na kayo ni Jake."
Ang problema ay isang buwan na hindi nagpaparamdam sa akin si Jake simulang may nangyari sa amin. Baka naisip na niya hindi niya talaga ako mahal. Ayaw ko ng ganoon. Binuntis lang niya ako tapos iiwanan at maghahabap ng ibang babae. Gusto kong umiyak.
"Babaero ang lalaking iyon." Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi kay Zion. Wala naman akong ebidensya na may ibang babae siya.
"Ate, isang taon pa lang kayo magkakilala ni Jake tapos huhusgahan mo siya agad. Ako nga ilang taon ko siyang kilala kaya alam ko na ang lahat na kilos ni Jake. Maloko lang siyang tao pero seryoso siya sayo."
"Paano ka nagkasigurado?"
"Dahil nakikita kong seryoso siya sayo."
"Hindi nga niya ako kinakausap at nagpakita sa akin pagkatapos may nangyari sa amin."
"Baka naman busy lang siya kaya hindi nagpaparamdam. Pero dapat sabihin mo sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis mo. Kung ayaw mo ako mismo ang magsasabi sa kanya."
Napasinghap ako ng mahina. No! Hindi ako papayag na sabihin ni Zion kay Jake. Ako dapat ang magsasabi sa kanya.
"No. Kakausapin ko na lang siya."
"Good. Sige, iyon lang naman ang pinunta ko rito sa kwarto mo kasi kinausap ako noon ni Jake na kausapin ka." Namilog ang mga mata ko sa aking narinig. Talaga niyang kinausap siya noon ni Jake kaso binaliwala ko lang noong sinabi niyang kinausap niya si Zion para kausapin ako.
"Talaga ang lalaking iyon kahit kailan."
"Iba kasi kami magmahal, ate. Tingnan mo pupunta ako ng London para sundan si Jessa."
"London? Ano naman ang gingawa ni Jessa doon?"
Kaya ba matagal ko na hindi nakikita si Jessa? Sa tuwing pumupunta ako sa boutique nila ay palagi hindi ko nakikita si Jessa doon. Nasa London pala siya ngayon.
"Long story. Saka ko na lang sasabihin sayo ang buong detalye."
Pagkaalis ni Zion sa kwarto ko ay umupo na ako sa gilid ng kama ko. Naalala ko pa dito ang huling may nangyari sa aming dalawa pero pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko at hindi na nagparamdam sa akin ng isang buwan.
Kinuha ko ang phone ko para kausapin si Jake.
To Jake;
Busy ka ba ngayon? Kung hindi ka busy pwede bang pumunta ka sa bahay? May gusto lang akong sabihin sayo importante.
From Jake;
Sure. Pupunta ako diyan mamaya.
Napangiti ako dahil makikita ko na ulit si Jake mamaya. Kaso inaantok na ako para hintayin ang pagdating niya.
To Jake;
Kapag nakita mo kong natutulog pagdating mo ay huwag kang aalis sa tabi ko ah. Gusto ko ikaw ang una ko makita pagkagising ko.
Humiga na ako sa kama at tinabi ko lang ang phone ko sa akin baka kasi magreply siya kaso hindi ko na kayang labanan ang antok ko.
Nagising na lang ako para bang may humahaplos sa mukha ko at nakita ko si Jake nakangiti sa akin. Ginawa talaga niya ang huling text ko sa kanya.
"Sorry, did I wake you--" Bigla ko siyang niyakap. Sabik na ako makitang muli si Jake. "What's wrong?"
"Bakit isang buwan ka walang paramdam sa akin? Siguro may iba ka na, no?"
"What? No. Busy lang ako sa trabaho tapos may binigay pa sa aking misyon si Kurt kaya nawala ako ng isang buwan and then, kinasal na rin si Kurt at Eunice last week. Sorry talaga." Bumangon na siya ng higa noong humiwalay na ako ng yakap sa kanya. "Ano pala ang gusto mong sabihin sa akin?"
"Hindi pa ako sigurado pero sa tingin ko ay buntis ako."
"Shit." Isang mahinang mura ang narinig ko sa kanya. "Talaga? Kailan mo pa nalaman?"
"Hindi pa nga ako sigurado. Hindi pa kasi ako nagpapatingin sa doctor kasi gusto ko kasama ka."
"Gusto mong pumunta tayo ngayon sa OB?" Tumango ako sa kanya.
Ang pinuntahan naming ospital ay ang ospital kung saan nagtatrabaho si Jake at pumunta na rin kami sa clinic ng OB.
Pinahiga na ako ng doctor sa isang kama at may nilagay siya na parang gel na sobrang lamig. Hinawakan ko na rin ang kamay ni Jake habang nagsasalita yung doctor at tinuturo niya sa amin kung nasaan ang ulo ng baby. May buhay na nga sa sinapupunan ko ngayon.
"Congratulations, you're a 5 weeks pregnant." Masayang sabi ng doctor sa amin. Napatingin ako kay Jake na wala man lang sinasabi.
"Kailan namin malalaman ang gender ng baby?" Tanong ko sa doctor kasi naman tulala na si Jake ngayon.
"Mga 20 weeks or more niyo pa malalaman ang gender ni baby." Sagot niya sa akin. Matagal pa pala bago malaman ang gender.
I can't wait to see our baby.
Masaya kami pareho ni Jake na may isang anghel na dumating sa buhay naming dalawa ngayon.
Paglabas namin sa clinic ay niyakap ako ni Jake.
"Thank you, Trixie. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon noong malaman kong buntis ka. Binigyan mo ko ng anak. Thank you talaga."
"I love you, Jake."
"I love you too." Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at isang mabilis na halik ang binigay niya sa akin sa labi. "Hatid na kita sa inyo dahil pupunta pa ako sa head quarter para sabihin sa kanila ang magandang balita."
Natawa ako ng mahina dahil kitang kita nga kay Jake ang tuwa sa mukha niya.

BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomanceAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...