Chapter 25

916 27 0
                                    

Jake's POV

Pagkatapos namin kumain at binayaran ko na ang bill namin. Sa sobrang dami ng inorder ni Trixie kaya ang laki ng binayaran ko but I can't complain. Buntis ang girlfriend ko at baka magaway lang kami. Ayaw ko naman mangyari iyon.

Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay naramdam ko para bang kumapit sa damit ko si Trixie kaya napalingon ako sa kanya.

"What's wrong?" Kinakabahan ako baka ano ang nangyari sa kanila ni Jazz.

"B-Biglang sumakit ang tyan. Hindi ko alam kung naging makulit lang si Jazz o ano."

"Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?" Tanong ko sa kanya. Hindi na umangal si Trixie at tumango na lang siya sa akin.

I don't really care about traffic dahil kailangan ko dalhin ang girlfriend ko sa ospital. And beside I am a doctor at may emergency na kailangan gawin.

Nang makarating na kami sa ospital ay nagtawag ako ng nurse o doctor. Hindi ko kasi specialize ang magpanganak ng babae. Pediatrician ang specialize ko.

Noong may doctor na lumapit sa amin ay dinala na muna si Trixie sa emergency room para doon tingnan.

"Dr. Suarez, kailangan na namin siya dalhin sa delivery room kaagad." Sabi noong doctor.

"Bakit naman? Sa susunod na buwan pa dapat manganganak si Trixie."

"Kung hindi natin ilabas ang bata agad ay baka pareho sila mamatay." Bigla akong kinabahan. I know this situation dahil pinagaralan ko rin naman ito dati.

"G-Gawin niyo ang lahat mailigtas lang ang mag-ina ko."

"I will." Dinala agad nila si Trixie sa delivery room kaya sumunod na ako sa kanila kaso dito lang ako sa labas habang naghihintay.

I am trying to call Zion kahit alam ko busy siya ngayon sa head quarter. Binigyan kasi niya agad ng misyon sina Miguel at Neil. Eh, kapag kasama sa isang misyon ang dalawang iyon ay puro kalandian lang ang alam. Specially, Neil.

"Napatawag ka, Jake. May problema ba?"

"Trixie have an early childbirth."

"Huh? O-Okay. I talk with Oliver na siya na muna ang bahala rito sa head quarter. Saang ospital iyan?"

Sinabi ko na kay Zion kung saang ospital kami ngayon kaya siya pa mismo ang nagbaba ng tawag.

Wala na rin naman akong choice kaya naghihintay na din ako dito sa labas ng delivery room. Hindi ako makampante dahil malapit ko na makita ang baby namin ni Trixie. Baby Jazz is here.

"Jake." Napatayo ng marinig ko ang boses ni Zion. "What's happening? I thought next month pa manganganak si ate. Why so early?"

"I don't know. Bigla na lang kasi sumakit ang tyan niya kanina kaya dinala ko siya agad dito and the doctor said kailangan na daw ilabas ang bata. Kung hindi ay pareho sila mamatay."

"Alam kong maaga lang ang pagdating ng pamangkin ko pero tama ang naging desisyon mo."

"S-Siyempre. Ayaw ko pareho sila mawala sa akin. I can't live without Trixie and our baby. Para akong mababaliw."

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw lumayo ng matagal ni Kurt kay Eunice simulang kinasal silang dalawa.

Ilang oras din kami naghintay ay may lumabas na rin ang doctor na kinausap ko kanina. Siya na rin kasi ang nagpanganak kay Trixie dahil on leave pala ngayon ang OB niya.

"How are they, doc?" Tanong ko sa kanya.

"Congratulations for having a baby boy at healthy ang anak niyo." Nakahinga ako ng maluwag at napapaluha na rin dahil nandito na si Jazz. "Kaso hindi na pwedeng manganak pang muli ang pasyente dahil mahihirapan na siya manganak at may chance mamatay sa pagkakataon."

Parang gumuho ang pangarap ko na bigyan ng kapatid si Jazz dahil hindi na pala pwedeng mabuntis si Trixie. Mas pipiliin ko namang makasama ng matagal si Trixie kaysa mawala siya sa akin. Okay na rin ito kaysa wala kami naging anak.

"You can see your son anytime you want. Sabihin mo lang sa nurse na nagbabantay ngayon sa nursery room."

"S-Salamat, doc."

Umalis na yung doctor kaya pumunta na kami ni Zion sa nursery room para tingnan si Jazz.

"Napag usapan niyo na ba ni ate kung ano ang ipapangalan niyo sa baby niyo?"

"Jasper Tyrone Suarez." Sagot ko kay Zion habang nakatingin sa window sa may nursery room. Kinausap ko na kasi yung nagbabantay kung pwede bang makita ang anak namin. Napapaluha talaga ako dahil nandito na si Jazz. "Hi, Jazz. Daddy's here."

"I can't tell kung sino ang kamukha niya. Nakuha kasi niya ang labi at ilong ni ate habang nakuha naman niya ang mata mo."

May nakita akong nurse na lumabas mula sa nursery room at lumapit siya sa akin.

"Doc, ano po ang pangalan ni baby?" Tanong nito sa akin. May inabot siya sa aking clipboard at ballpen kaya kinuha ko ang ballpen para isulat doon ang pangalan ng anak namin ni Trixie. "Salamat po."

"Thank you din." Binalik ko na ang tingin ko kay Jazz. He smiled at me. Kuhang kuha niya ang ngiti ng kanyang mommy.

Nagpaalam na rin si Zion na kailangan na niya bumalik sa head quarter dahil nakatanggap siya ng emergency message galing kay Oliver. Gusto ko rin malaman kung ano iyon kaso hindi naman ako pinayagan ni Zion na umalis dito dahil alam niyang hahanapin ako ni Trixie.

Pumunta na ako sa private room kung saan nilagay si Trixie ngayon. I knocked the door first bago buksan. Ang himbing ng tulog niya. Napagod siguro habang pinapanganak niya si Jazz kanina. I let her take a rest for a while. Kailangan niya makabawi ng tulog ngayon.

"Thank you for coming to my life, Trixie because I am the happiest man alive in the world. I can't live without you and Jazz." Hinamplos ko ang makinis na pisngi ni Trixie. "Salamat din dahil binigyan mo ko ng isang Jazz sa buhay. I love you so much."

Dahil may banyo sa loob ng hospital room ni Trixie kaya binuksan ko ang pinto ng banyo para maghugas ng kamay.

"Jake?" Napalingon ako ng marinit ko ang boses ni Trixie. Gising na pala siya.

"You're awake. How are you?"

"I'm fine. Si Jazz?"

"He's fine. Malusog ang anak natin at mamaya ay dadalhin dito si baby Jazz para papainumin mo siya ng gatas."

"Ano na nangyari? Bakit ako nanganak ng maaga?" Ngumiti lang ako kay Trixie. Ayaw ko na muna sabihin sa kanya kung ano ang sinabi sa akin ng doctor kanina. Ano pa ang mangyari kay Trixie.

Hindi na pinilit ni Trixie na tanungin ako at saktong may kumatok sa pinto kaya binuksan ko na iyon. Yung nurse habang karga niya si Jazz.

"Hello po. Nandito na si baby Jasper at kailangan na rin niya uminom ng gatas." Binigay na ng nurse kay Trixie si Jazz. "Babalik na lang po ako mamaya."

Must Be LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon