Pagkahatid ko kay Trixie sa bahay nila ay dumeretso na ako sa head quarter. Hindi nga mawala ang ngiti ko sa mga labi. Binabati ko nga rin ang ibang agents na nakakasalubong ko sa daan.
"Yes! Woohoo!" Napansin kong napatingin sa akin ang mga kasamahan ko pero hindi mawala ang ngiti sa mga labi. "Yes!"
"Ano ang nangyari sayo?" Tanong ng bagong agent. Aaron yata pangalan. Bihira lang kasi siya magsalita.
"You won't believe this, guys. Magiging tatay na ako." Masayang anunsyo ko sa kanila.
"Weh?" Sabay pa yung kasamahan ko. Nawala na tuloy yung saya sa mukha ko dahil sa kanila. Bwesit.
"Congrats, Jake." Napalingon ako kay Zion. Siya pa lang nakakaalam na buntis si Trixie. "Basta alagaan mo si ate ah."
"Wait. Pumatol ang kapatid mo sa kumag na iyan?!" Sabay na naman sila.
"Grabe naman kayo, guys."
"Kung naalala niyo ang binabanggit ni Jake na may fiancee siya noon."
"Yes. I remember that." Ani Miguel.
"Si ate Trixie ang fiancee niya."
"Weh? Ang akala ko imaginary lang iyon ni Jake dahil naiinggit siya sa inyong tatlo." Sambit naman ni Neil. Sarap batuhin kung ano ang pwedeng ibato sa kanya pero pasalamat siya wala akong hawak na kahit ano ngayon.
"Siraulo ka, Neil. Pero hindi ako kasama sa club niyong tatlo hindi niyo ko matatawag na pedophile." Proud ko pang sabi sa kanila. Paano naman ako matatawag na pedophile kung kasing edad ko lang naman din si Trixie.
"Jake, ako na muna ang magpapakasal ah. Balak ko yayain si Jessa pagpunta ko ng London bukas." Tumingin ulit ako kay Zion at bumalik ang ngiti ko sa mga labi.
"Sige. Hindi pa naman namin pinaguusapan ni Trixie kung kailan ang kasal at magproprose pa ako sa kanya na walang kinalaman ang mga magulang natin dito."
"I'm not sure if you already met dad before."
"Nakilala ko na si tito noong sinamahan ko si Trixie sa resort niyo last year. Naglakas loob na akong kausapin siya."
"I see. Kailan pala na may nangyari sa inyo?"
"Last month. Kaya lang naman ako natagalan pumunta dito ngayon dahil sinamahan ko pa si Trixie sa doctor para sa check up."
"Apat na pala tayong ama sa grupo." Singit ni Rocco.
Tama naman siya. Isa isa na kami nagiging ama at magkakaroon na ng sariling pamilya.
Abala ang mga kasamahan ko ngayon at may binigay na misyon si Kurt kila Neil at Miguel pero magkaiba ang misyon nilang dalawa.
"Kurt, musta naman ang buhay na may asawa?" Tanong ko kay Kurt. Baka ito na kasi ang huling makikita namin si Kurt sa head quarter dahil pagbalik ni Zion galing London ay siya na ang bagong superior namin. Ang akala ko nga aalis na rin si Zion kapag naayos na niya itong gulo.
"Busy rin ako sa bahay dahil inaalagaan ko ang mag-ina ko. Habang tulog si Eunice ay ako ang nagaalaga sa anak namin."
"Masaya ba magkaroon ng anak?" Tanong ko ulit pero napalingon sa direksyon ni Rocco.
"Ako ba ang tinatanong mo? O si Kurt pa rin?"
"Kayong dalawa."
"Masaya. Lalo na hindi kami masyado nahihirapan ni Sarah alagaan ang kambal dahil tinutulungan rin kami ni Daisy." Sagot ni Rocco.
"Nahihirapan dahil dalawa lang naman kami ni Eunice ang nagaalaga pero kakayanin naman namin."
"Bakit hindi mo pala sinabi sa amin ang kapatid pala ni Zion ang fiancee mo?" Tanong ni Rocco sa akin.
"Wala naman akong balak itago sa inyo ang tungkol dito pero nakakapagtataka nga lang hindi niyo napansin napapadalas ang alis ko ng maaga.
"Hindi mo kayang mawala ng matagal sa fiancee mo." Natawa pa silang dalawa at nag-fist bump pa. Halata ang closeness ng dalawang ito.
"Katulad mo, Kurt bigla bigla ka na lang nawawala na parang bula." Sabi ko kaya natawa si Rocco.
"Hindi ko kayang magalit sa akin si Eunice."
"Sus, sabihin mo lang under ka kay misis." Natatawang sabi ni Rocco.
"Nagsalita ang hindi."
"Huy! Hindi ako under kay Sarah. Ayaw ko lang mag-away kaming dalawa. Kapag galit kasi sa akin si Sarah ay hindi ako maka score sa kanya." Ngumiti ng maloko ang kaibigan namin. Sa tagal namin magkasama ay ngayon ko lang nalaman na ganito pala si Rocco. May tinatago rin pala ng kamanyakan.
"Aminin mo nga sa amin, Rocs may balak ba kayo bumuo ng isang team?"
"Yup. Nangako sa akin si Sarah na bibigyan niya ako ng maraming anak. Hindi ko naman pwedeng hindian ang asawa ko kung siya na mismo ang may sabi."
"Subukan mo kaya kay Eunice, Kurt." Sabi ko sa kanya.
"Malabo. Minsan nga hindi ko siya katabi matulog sa gabi dahil sa nursery room siya madalas natutulog para bantayan ang anak namin."
Kawawa naman itong si Kurt dahil madalas ang anak nila ang kasama pala ni Eunice kapag gabi.
"Ngayon pa lang ay humanda ka na dahil buntis ang fiancee mo, Jake." Tumingin ako kay Rocco. Humanda? Saan naman hahanda?
"Bakit kailangan ko naman humanda?" Tanong ko sa kanya.
"Because she is pregnant and I'm sure she is craving of something. Ganoon naman ang mga babaeng buntis."
"Yeah. Mukhang kailangan mo yatang magsama na kayo sa isang bahay para masamahan mo na siya. Ayon sa sinabi ni Rocs kanina tungkol sa paglilihi nila ay kailangan mo gumising ng madaling araw dahil hindi mo alam kung kailan sila maglilihi."
Tama naman ang sabi nila. Kailangan ko ngang samahan na si Trixie sa tuwing naglilihi siya.
"What should I do? Wala pang alam ang pamilya ko tungkol sa pagbubuntis ni Trixie ngayon. Ayaw ko naman dagdagan ng problema si mama dahil nasa ospital pa rin hanggang ngayon si Eina."
"What?" Sabay pa silang dalawa.
"What happened to your sister?" Tanong ni Kurt. Kilala rin nila ang kapatid ko.
"Hindi ko alam ang saktong nangyari pero ang sabi ni mama naaksidente si Eina at comatose hanggang ngayon ang kapatid ko."
"Kailan nangyari ang akisdente?"
"Sa tingin ko 2 months ago."
"Oliver!" Lumingon si Oliver nang tawagin siya ni Kurt.
"Bakit? May papagawa ka ba sa akin, Kurt?"
"Yes. Gusto ko hanapin mo ang CCTV footage nangyari sa kapatid ni Jake."
Bakit ko ba nakalimutan pwede pala malaman ang nangyari noon.
"Okay."
"Nangyari ang aksidente 2 months ago, Oliver." Sabi ko naman sa kanya.
"Got it. Leave it to me." Humarap na ulit si Oliver sa laptop para magsimula na siya sa paghahanap ng footage.
Sana mahanap niya ang footage at malalagot sa akin kung sino ang may kasalanan nito. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Eina. Si Eina na nga lang ang nagiisang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Must Be Love
RomansaAgent Series # 3 Siya si Jake Suarez ay isang matagumpay na doctor pero may isang sikreto na hindi alam ng mga tao malapit sa kanya na isang pala siyang agent. Without any reason kung bakit siya pumasok sa pagiging NBI agent. Kaso bago pa lang siya...